Special 11

14K 167 6
                                        

(Signs Daw)

Pinagmamasdan ni DJ ang asawa niyang si Kath, Dalawang Araw na siyang nagmamasid dito. Ito kasi ang sinabi sa kanya ng bestfriend niyang si Albie at Diego para ma-confirm ang hinala nila kay Kath, Nila Julia na nasungitan siya dahil may period pala ito noon at nagbuhat pa ng basket ng red mangoes.



"Ma-Ma, Mama."sabi ni Kath sa kambal na nilalaro niya at the same time tinuturuan na magsalita.



"Owa."reply nang isa sa kambal, Si DJ naman hindi maalis ang tingin niya sa kanyang mag-ina at ino-obserbahan ito.



"Wala namang unusual."bulong ni DJ sa sarili, Nagtataka siya normal naman ang lahat. Naalala niya tuloy ang usapan nilang tatlong magkaibigan.





=======
=======


"ANO?! Si Kath posibleng buntis? As in parang nakalunok ulit ng malaking pakwan?"tanong ni Diego ng hindi makapaniwala at inaksyon pa ang malaking tiyan sa kanyang tiyan, Kaya nabatukan siya ni Albie.



"Baliw ka ba Diego? Saan ka nakakita ng pakwan na maliit?"asar na tanong ni Albie kay Diego at sinamaan sila ni DJ ng tingin dahil si Kath ang focus hindi ang pakwan na malaki o maliit.



"Pwede mamaya na kayo magtalo sa pakwan? Ang sungit ni Kath! Hindi na usual yung pagka-sungit niya."sabi ni DJ at nagkamot ng ulo sa sobrang asar niya. Okay naman eh ayos lang pero yung pagsusungit ni Kath sobra na. Hindi nga siya pinatabi ni Kath sa kama nung gabi dahil mabaho nga raw siya.



"Baka meron lang, Hindi ba madalas kang nasusungitan kapag may Red Days?"tanong ni Albie kay DJ na frustrate na frustrate ang itsura. Hindi dahil sa posibleng buntis si Kath kungdi hindi niya alam kung bakit nag-level up ang kasungitan ng asawa.



"Speaking of Red Days, Tol pag pasensyahan mo na si Julia kaya nasungitan ka niya. Alam mo na."sabi ni Diego at tinapik ang balikat ng kaibigan. Napatango naman si DJ at tinapik si Diego.



"Walang problema iyan tol pero isa lang talaga ang problema ko, Si Kath."sabi ni DJ at napabuntong hininga dahil walang kwenta ang usapan nila. Kay Kath ang atensyon niya pero yung mga kaibigan ang halig mag-segueway.



"Simple lang 'yan, Di ba Bie?"sabi ni Diego napakunot naman ng noo si Albie sa pinagsasabi ni Diego na wala naman siyang alam at kinalaman.



"Anong simple?"tanong ni Albie kay Diego na hindi alam ang gagawin.



"Tanga! Signs."sabi ni Diego at napatingin naman si DJ sa kaibigan niya.



"Anong signs?"tanong ni DJ, Ngumiti naman si Diego habang si Albie hindi pa rin alam ang ibig sabihin ni Diego dahil wala naman siyang alam sa pinagsasabi ni Diego sa kanya. Medyo slow..



"May Papel at Ballpen kayo?"tanong ni Diego at for the record nabatukan na naman siya ni Albie.



"Sabihin mo na lang."asar na sabi ni Albie kay Diego dahil may nalalaman pang papel at ballpen hindi na lang sabihin.



"Eto na! Signs para malaman kung Preggy si Misis."pasimula ni Diego at napa-payspalm naman ang dalawa sa ka-dorky-han ni Diego.



"Una, Kapag Nahihilo asahan mo pre kapag nahilo siya magsusuka na 'yan."sabi ni Diego na mala-Galileo sa galing. Napatanga este napatango na lang ang dalawa sa sinabi ni Diego.



"Pangalawa, Kapag nagsungit maaring naglilihi na for sure kasunod niyaan ang ibang paglilihi tulad ng tao at pagkain."napa-payspalm si Albie habang si DJ naman napa-iling na lang. Naglilihi naman talaga ang buntis.



"Pangatlo eto bro simpleng simple lang, Kapag hindi dinatnan."Dalawa na silang napa-payspalm alam nilang dalawa iyon dahil hindi naman first time na magbubuntis si Kath kung sakaling buntis man siya.



"Iyan lang?"Walang ganang tanong ng dalawa at bumuntong hininga si Diego dahil ang akala niya ang tanga ng dalawang kaibigan niya.



"Pero bro kung nahihirapan kang gawin ang tatlo na iyan, Isa lang ang solusyon."sabi ni Diego na nag-feeling Aristotle sa galing niya.



"Ano?"Na-curios naman ang dalawang tanga.



"Edi ipa-check up mo na sa OB mga bobo! Ang sakit niyo sa ulo."sabi ni Diego at umiiling na nagwalk out. Nagkatinginan ang dalawa, May katuturan nga ang sinabi ni Diego. Ipa-check up nga naman si Kath.





=======
=======


"Ano ba DJ?!"sigaw ni Kath at doon lang nabalik si DJ sa realidad sa pag-sigaw sa kanya ni Kath.



"Ha? Ano 'yun?"gulat at nagpa-panic na tanong ni DJ sa asawa. Para siyang inabduct ng Alien at ibinalik ulit sa katawan niya dahil wala siyang silbi sa kung saan mang planet siya napunta.



"Sabi ko pakulo ka ng tubig, Maliligo na ang kambal."mariin na sabi ni Kath sa kanya. Tumango naman si DJ at pumuntang kusina para magpakulo ng tubig.



"Himala! Hindi siya nagsungit."sa isip-isip ni DJ, Mali ang hinala niya. Minumura pa niya sa isip si Diego at si Albie pero si Diego talaga ang mas maraming natanggap na mura sa isipan niya habang nagpapakulo siya ng tubig.


After kumulo ng tubig inakyat niya na sa kwarto ng kambal at pumunta sa CR kaso may kakaiba. Yung Kambal nasa Crib si Kath missing. Agad na hahanapin na sana ni DJ si Kath nang..



"Ulk.."rinig ni DJ mula sa Banyo kaya dagli niyang nilapag sa sahig ang hawak at tumakbo papuntang banyo doon niya nakita si Kath na nagbibilang sa harap ng salamin. Hawak pa nito ang bibig niya habang may binibilang.



"Kath okay ka lang?"tanong ni DJ napatingin naman si Kath sa kanya at ngumiti sabay yinakap siya. Nagtaka naman si DJ sa ginawa ni Kath sa kanyang biglang pag-yakap.



"DJ..."bulong na tawag ni Kath sa kanya. Hindi niya alam pero yinakap niya din si Kath pabalik.. Tss Chansing.



"Bakit Kath? Ano problema?"tanong ni DJ parang tama ang hinala niya, Parang binabawi na niya ang mga mura sa isipan na binato niya kay Albie at kay Diego.



"Siguro Buntis ako."

______________________________

False Alarm lang iyan.. Hindi buntish si Kath. May sakit lang siya LOL

~Cynthia

SLH (The Special Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon