Special 6

18.6K 198 15
                                    

(Tigang)

Maliit at upos na ang kandila sa candle holder. Malamig na rin ang hinandang pagkain ni Kath. Madilim na sa labas at maga-alas dose na pero wala pa rin si DJ. Tirik na tirik na ang mata ni Kath sa kakaantay sa asawa na hanggang ngayon ay wala pa rin, Nabubwisit na siya.

"Brown out?"iyan ang bungad na tanong sa kanya ni DJ ng makapasok ito sa bahay. Naka-upo si Kath sa sofa habang pinagmamasdan ang anino ng asawa niyang "taksil" para sa kanya. Naiinis si Kathryn dahil ang lakas ng loob nitong mambabae saktong anniversary nila.


Tumama ang haka-haka niya na ito ang lalaking nakita sa Foodcourt ng Supermarket kanina. Binuksan ni DJ ang ilaw at bumungad sa kanya ang magandang asawang si Kath na naka-cross arms pa!

"Kath gising ka pa?"tanong nito sa kanya at napataas ang kilay ni Kath bago tumayo habang naka-cross arms pa rin.

"Malamang nakakita ka na ba ng tulog na naka-upo, naka-cross arms at dilat ang mata?"pagtataray ni Kath sa kanya at napa-titig si DJ sa kisame na animo'y nag-iisip.

"Tulog na naka-upo? Hindi pa! Tulog na naka-cross arms? Hindi pa rin! Pero nakakita na ko ng tulog pero dilat, Yung Arowana nila Zharm."sagot ni DJ sa kanya at napa-faceplam na lang si Kath sa sobrang frustrated ang sarap batuhin ng candle holder ng asawa niya.

"Ano 'to?"tanong nito sa kanya at lumapit sa dining table kung saan pinaghandaan pa ni Kath. Siya lang mag-isa ang naghanda dahil busy ang girlfriends niya pati na rin ang pinsan kaya siya lang ang naghanda.

"Bakit nagkalat ka dito?"tanong pa nito sa kanya. Nainis lalo si Kath dahil sa sinabi ni DJ na nagkalat siya. Hindi naman kasi siya nagkalat, Puno lang ng petal roses at confetti papers sa lapag. May mga maliliit ding balloons pero hindi talaga siya nagkalat okay?

"Bakit? Masama bang magkalat sa araw ng Anniversary natin?"inis na sabi ni Kath sa asawa niya at tinaasapan pa ito lalo ng kilay.

"Anniversary?"tanong nito sa kanya at kaya naman sumabog na ang galit ni Kath sa asawa. Ang lakas ng loob nitong kalimutan ang Anniversary nila dahil sa babae nito?

"Grabe ka DJ! Nakakainis ka na! Anniversary natin ngayon tapos nakalimutan mo?! Ang lakas pa ng loob mong mang-babae tirik na tirik pa ang araw!"sigaw sa kanya ni Kath at kinuha ang candle holder sa mesa saka pinaghahampas si DJ na umiilag-ilag naman. Pero sorry siya masama ang loob ng asawa niya kaya natatamaan siya.

"Aray Kath! Masakit! Kath!"sigaw ni DJ kay Kath habang pinapalo siya ng candle holder na natatamaan ang braso niya dahil sa pagsalag dito.

"Walanghiya ka DJ! May anak na tayo tapos mambababae ka pa?!"galit na galit na sabi ni misis kay DJ kaya naman wala ng nagawa si DJ kung hindi hawakan ang candle holder at kausapin si Kath.

"Kath anong babae?"tanong ni DJ kay Kath habang hinahawakan ang kamay nito para hindi siya mapalo ng candle holder na hawak pa rin ni Kath.

SLH (The Special Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon