(Bad News)
Kasalukuyang nasa meeting si DJ ng tumawag sa kanya si Kath, Napahinto siya sa pagsasalita dahil narinig din ng board of members ang tawag.
"Excuse lang."sabi ni DJ at sinagot ang tawag, Mukhang importante dahil hindi tatawag ang asawa niya ng ganitong oras kung hindi importante lalo na at alam nito na nasa meeting siya.
"Bakit Kath?"tanong ni DJ kay Kath na hingal na hingal halatang tumatakbo ito at nagmamadali.
"Si Mikay.. S-Si Mikay.."hinihingal na sabi ni Kath kay DJ, Hindi naman maintindihan ang sinasabi ni Kath sa kanya.
"Anong nangyari kay Mikay?"nag-aalalang sabi ni DJ at napahawak pa sa bewang niya.
"Dinala sa Principal's Office, Hindi ko alam kung anong nangyari pero mukhang masama."sabi ni Kath kay DJ at napasigaw si DJ sa meeting room dahil sa gulat.
"Ano? Hala sige papunta na ko."sabi ni DJ at tumakbo palabas ng meeting room ng maaalala niya na may meeting pa pala siya bumalik siya sa meeting room.
"I am so sorry but may i excuse myself?"sabi ni DJ sa lahat, Tumayo naman si August na secretary ni DJ.
"Sir ako na po bahala sa kanila mukhang may emergency po kayo sa bahay."sabi nito at tumango na lang si DJ sabay takbo papunta sa Elevator, Nanlandi pa ang ibang employee pero hindi sila napansin ni DJ dahil ukupado ni Mikay ang isipan ng DJ dahil nag-aalala ito sa anak nito.
Hanggang sa nakarating si DJ sa Parking Lot at tinawagan ang asawa niya na agad namang sinagot ni Kath ang tawag.
"Hello papunta na ako, Nandyan ka na ba?"bungad ni DJ sa asawa na kasasagot lang.
"Oo nandito na ako alam mo ba kung ano ang ginawa ni Mikay? Grabe pagagalitan ko ang anak mo mamaya sa bahay."galit na sabi ni Kath at ramdam ni DJ ang galit sa boses ni Kath, Hindi niya alam kung ano ba ang ginawa ni Mikay at ganyan na lang magalit ang kanyang asawa.
"Ano bang ginawa niya? Nandyan ba siya?"tanong ni DJ kay Kath, Napabuntong hininga si Kath.
"Bilisan mo na lang para malaman mo kung ano ang ginawa niya at Oo nandito siya ayaw magsalita hangga't wala ka raw, Humanap pa ng kakampi."sabi ni Kath kay DJ at natawa si DJ, Naisip kasi niya na ang cute siguro ni Kath habang nagagalit ito sa anak nila.
"Tigilan mo ko DJ, Pumunta ka na dito ngayon na."utos ni Misis at ibinaba na nito ang phone niya, Nagmadaling mag-drive si DJ sa DRU buti na lang at hindi Traffic kaya mabilis siyang nakarating sa DRU, Pagdating na pagdating niya palang ay agad siyang tumakbo sa Principal's Office kung saan nandoon si Kath ang bunsong anak na si Mikay, Naka-yuko si Mikay at halatang galit na galit ang Principal at nasa gilid nito ang Adviser.
"Anong nangyari?"tanong ni DJ na kakapasok lang sabay lapit kay Mikay na nakayuko at umiiyak, Kawawang bata.
"Mr. Padilla, Minura po at ininsulto ng inyong anak si Miss Manyik."sabi ng Principal nila, Tinignan naman ni DJ ang anak na si Mikay.
"Totoo ba iyon?"tanong niya sa anak, Umiiyak na tumungo si Mikay sa kanyang Daddy. Napa-iling naman si DJ sa ginawa ni Mikay hindi niya inaasahan na gagawin ito ng anak.
"Bakit mo ginawa iyon? Ano bang pumasok sa isip mo?"tanong ni DJ kay Mikay at umiyak lalo si Mikay.
"Daddy naman eh nasabi na ni Mommy kanina yan."sabi ni Mikay habang ngumangawa ito, Napatingin naman si DJ kay Kath na umiiling sa may tabi ni Mikay.
"Eh bakit mo nga kasi ginawa alam mo bang masamang magmura?"sabi ni DJ sa anak at umiiyak na sumisinghot si Mikay.
"Daddy hindi ko naman po alam na masama iyon eh sina Tito Kats po kasi."sabi ni Mikay at napasapo ng noo si DJ at si Kath naman napasinghap ng hangin, Knowing those guys? Puro kalokohan lang ang alam nila.
"Sandali lang po."sabi ni DJ sa lahat at kinuha ang phone nito saka tinawagan ang kanyang kapatid na si JC.
"Hello?"sagot ni JC sa kanyang kuya mula sa kabilang linya.
"Kasama mo sina Kats?"asar na sabi ni DJ sa kapatid, Ni-loud speaker naman ni JC ang phone niya dahil mukhang mauuwi ito sa conference call tutal kasama niya ang kabanda.
"Yes Fafa DJ we're here bakit nagagandahan ka ba sa akin?"boses ni Kats iyon na sumigaw at isang tawanan sa background ang maririnig na nagmumula kay Lester at JC.
"Leche Kats tumigil ka! Pumunta kayo ngayon dito sa DRU ngayon na."sabi ni Kath sa kanila na halata ang inis sa mukha nito.
"Bakit anong nangyari sa kambal?"tanong ni Seth na halatang ngumunguya.
"Basta pumunta kayo dito."sabi ni DJ na naaasar sa mga kaibigan niya.
"Bakit Fafa DJ may hinanda ka bang sirpirsa?"sumakay naman si Lester sa trip ni Kats na nagbakla-baklaan.
"Tumigil nga kayo, Pumunta na lang kayo dito."sabi ni DJ at ibinaba ang phone niya, Napatingin naman siya sa anak na si Mikay na umiiyak.
"Miss Manyak s-"pagsisimula ni DJ pero umusok ang ilong ng guro at kinorek si DJ.
"Miss Manyik po Mr. Padilla."pagkokorek nito kay DJ at napatango naman si DJ at ngumiti ng alanganin.
"Miss Manyik gusto ko lang po sanang humingi ng sorry sa ginawa ng anak namin."sabi ni DJ at umismid na lang ang guro, Si Kath naman nakaramdam ng selos.. Oh no! After ng ilang minuto nakarating na ang Parking 4, Wag niyong itanong kung paano basta nag-ala Flash sila.
"What happened?!"sabi ni Katsumi at binuksan ang pintuan ng Principal's Office.
"Kayo ba ang nagturo kay Miss Padilla sa assignment niya?"bungad na tanong ng Principal sa apat na lalaking kararating lang.
"Assignment? Anong assignment?"tanong ni Lester sabay upo sa couch at siniksik nila si DJ sa upuan na iyon. Oo ang nagsiksikan ang limang lalaki sa isang couch, Talagang maharot na tunay.
"Eto lang naman ang notebook ni Miss Padilla."sabi ng teacher ni Mikay at ipinakita sa Parking 4 at kanila iyong binasa, Tawa ng tawa ang apat habang binabasa nila ang mga sagot ni Mikay sa kanyang assignment.
"Grabe Baby girl hindi namin alam maloko ka rin pala! Manang-mana sa amin."sabi ni Katsumi sabay pogi sign. Nirolyo naman ni Kath ang kanyang mata at si DJ napa-iling.
"Teka ano po bang kinalaman nito sa pagpapatawag kay Mikay dito sa Principal's Office?"tanong ni Seth.
"Ininsulto at Minura ni Miss Padilla ang kanyang guro na si Miss Manyik."sabi ng Principal at napatawa si Katsumi sa narinig pero hindi niya nalang pinahalata kahit na halatang-halatang natatawa siya.
"Pagpasensyahan niyo na po si Mikay, Bata pa po kasi siya at hindi alam kung ano ang tama at mali. Sana naman po gave consideration Miss Manyak."sabi ni Seth at lalong umusok ang ilong ni Miss Manyak i mean ni Miss Manyik.
"It's Miss MANYIK, Sir."sabi ng teacher ni Mikay, Halatang naiinis na ito dahil Manyik siya ng Manyik samantalang sila Manyak ng Manyak.
"Well 3 Days suspension for Miss Padilla, I hope hindi na mangyari ito sa susunod."sabi ng Principal at napaiyak na lang si Mikay, 3 Days suspension? Naku paano siya makakahabol sa mga lessons?
"Pero Miss Many-"sabi ni Kath pero pinutol siya ni Miss Manyik.
"Miss Manyik po."sabi nito kay Kath at napa-pokerface naman si Kath.
"Wala pa naman po akong sinasabi ah? Okay Miss Manyik sana naman po wag niyong paginitan ang anak namin, Hindi naman po kasi niya siguro alam ang mali at tama dahil bata pa po siya."sabi ni Kath sa guro ni Mikay at tumango naman si Miss Manyik.
"Don't worry Misis hindi naman po ako ganoon basta po sana wag ng maulit."sabi ni Miss Manyik, Napatingin naman ang mag-asawa kay Mikay na umiiyak ng mahina sa tabi.
=======
=======
"Anong gagawin mo sa susunod na tatlong araw? Nasa bahay ka lang."sabi ni Kath sa anak na si Mikay habang lulan sila sa sasakyan ni DJ. Ang Parking 4 nasa backseat nagsisiksikan ala sardinas habang nasa shotgun naman si Kath at Mikay.
"Maglalaro!"
"Mangungulit!"
"Tatambay!"
"Ang gwapo ni Tito Kats!"
Nilingon ni Kath ang apat sa backseat at sinamaan ng tingin, Si Mikay ang tinatanong niya ang apat ang sumagot. Tinignan ni Kath ang anak na nakayuko.
"Mommy, Daddy sorry poo."sabi ni Mikay at ginaya ng tono ni Chichay ng Got to Believe, Yung babaeng nabinggwit ang kanyang boss parang ser chief at maya lang. eksdi daw sabi ng may akda.
"Princess wag ng uulitin yun ah."sabi ni DJ sa anak at tumango naman si Mikay then tumingin sa kanyang Mommy.
"Hay halika nga dito, Sorry din kung napagalitan ka ni Mommy basta wag mong uulitin yun ah bad kasi yun eh."sabi ni Kath sa anak niyang si Mikay at tumango ulit si Mikay saka yinakap ang Mommy niya.
"Aww tissue please."sabi ni Kats at nilingon ulit niya ang apat saka sinamaan ng tingin, Gago rin kasi itong apat eh masyadong maloko. Nang tumunog ang phone ni Kats agad naman niyang sinagot.
"Hello Joyce y Babylove."sagot ni Kats sabay loudspeaker ng kanyang phone.
"Katsumi BAD NEWS! asdfghjkl!"sabi ni Joyce sa kabilang linya, Tumawa naman ang apat pati asawa pinagtitripan ang gago di ba?
"Baby anong Bad News? Buntis ka ulit?"sabi ni Kats at humagikgik ang apat, Napa-iling na lang ang mag-asawa sa harapan.
"Manahimik ka! Importante ito yung sinasakyang eroplano ni Danna at Matt.."napatigil sa pagsasalita si Joyce dahil humikbi ito.
"Bakit Joyce y de sungit? Lumipad ba ang sinasakyang eroplano ni Danna at Matt o nasama ka?"sabi ni Lester at tumawa siya pero hindi sumigaw si Joyce kasi seryoso siya.
"Sumabog yung sinasakyang eroplano ni Danna at Matt, Si Katerina nahimatay nung nalaman niya nandito kami ngayon sa Ospital."pagkasabi nun ni Joyce ay napahinto ang sasakyan, Nanlalaki ang mata ni Kath sa narinig niya ganoon din si DJ dahil sa gulat.
Bukod sa pagsundo ng mag-asawa kay Mikay sa Principal's Office, May mas malala pa palang Bad News..
BINABASA MO ANG
SLH (The Special Book)
FanfictionNagsimula sa "hate and love" ang istorya ni Kathryn at Daniel. Ngayon ay magsisimula ang bagong aklat kung saan sila pa rin ang bida malamang! Samahan si Kathryn at Daniel sa kanilang buhay mag-asawa, As they keep their promise to Grow Old together...
