(Katsumi's Special Date)
Naka-upo kami ni Daezen dito sa may Swing dito sa may Garden ng Restaurant. Wala kaming imikan simula nung sinabi niya na May Leukemia si Daeni at ako daw ang Bias niya sa Parking 5.
Ang huli kong sinabi sa kanya ay kung kumain na siya pero umiling siya at sinabi na kumain na daw siya bago pumunta dito kaya naman napatango ako after nun wala na kaming napag-usapan ulit.
"Uhm Daezen.. Bakit ka nga pala pumunta dito kung patay na si Daeni?"ayun nakapagsalita na rin ako, Tumingin siya sa akin.
"Kasi gusto kong magpasalamat sa iyo."sabi niya. Eh? Ako papasalamatan niya? Bakit siya magpapasalamat sa akin? Haha wala nga akong ginawa kung hindi puro kalokohan eh.
"Ha? B-bakit?"nagtataka kong tanong sa kanya siyempre curious ako kung bakit gusto niyang magpasalamat sa akin.
"Dahil kasi sa iyo nag-survive yung kapatid ko, Alam mo ba noon gusto niya ng sumuko kaso nung narinig niya sa radyo yung kanta niyong ano nga ba yun?"sabi niya at napayuko na parang nag-iisip.
"Di ko maalala yung Title basta yung Lyrics na lagi niyang kinakanta eh yung ganito.."sabi niya at humarap sa akin.
"Lalala It's just the beginning lalalala ganoon?"kanta niya kaya naman napatango ako, Ramdam kong relate siya sa kanta na iyan. Iyan yung Debut Song namin bago kami sumikat at ang Kumag na si JC ang nag-compose niyaan.
"In the End ang title niyaan."sabi ko sa kanya at pinunasan ko yung luha na tumulo sa pisngi niya.
"Talaga? Favorite yan ng kapatid ko."sabi niya at suminghot siya kaya inabutan ko siya ng panyo pero siya na mismo ang nagpunas sa luha niya.
=======
=======
"Ayoko na Ate! Sawa na ko sa buhay ko! Pesteng sakit ito pinahihirapan pa ko, Sana namatay na lang ako agad!"sabi ni Daeni sa Ate niya saka ito tumakbo.
"Daeni! Daeni! Bumalik ka dito."habol ni Daezen kay Daeni ngunit hindi siya pinansin nito.
Napa-upo naman si Daeni sa may bangketa malayo sa bahay nila. Ayaw niyang makita ang Ate Daezen niya kahit na ang Mama at Papa niya dahil ayaw niyang makita silang malungkot. Nilalayuan din siya ng mga kaibigan niya dahil feeling niya may nakakahawa siyang sakit at pinagtatawanan din siya ng ibang bata dahil sa lagas na ang buhok niya dahil sa Chemotherapy.
"Ang newest tambayan ng bayan, Parking 5."sabi ng Host ng isang Istasyon ng radyo.
"Ang gagwapo nila! Sayang hindi makikita ng mga taga-subaybay natin pero promise ang gagwapo nila."tumitili pa ang host na babae
"Pero pwede niyo naman po kaming makita sa aming Album Featuring yourstruly."sabi ng isang lalaki sa Radyo na siguradong-sigurado si Daeni na member ng Parking Lot kuno (Seth).
"Balita ko nakaka-relate daw ang Debut Song niyo na In the End sa mga sawing puso mga may pinagdadaanang problema kumbaga."sabi ng Host sa Parking 5, Napalingon naman si Daeni at pinakinggan maigi ang radyo.
"Ah siguro, May pinanghuhugutan po kasi yung nag-compose. Si JC!"sigaw ng isang lalaki na medyo maharot sa isipisip ni Daeni (Katsumi).
"Ikaw si Katsumi Kabe di ba? Ang gwapo-gwapo mo, Nuxx. Okay anong naitulong mo sa song na ito?"tanong nung Host kay Katsumi at may tumawa sa background.
"Taga-ubos po siya ng foods tuwing practice!"maharot na sabi ng isang lalaki na medyo husky ang boses (Daniel).
"Uy hindi sa katunayan ako po yung gumawa ng Tune."sabi ni Katsumi at tumawa ito, Napangiti si Daeni sa tawa ni Katsumi. Nakakahawa ang pagiging masiyahin nito.
"Radyo ng Bayan Station will now play: In the End by Parking5."sabi ng Host at nagsimula na ang pagdrums at pagtugtog ng mga instrumentong may hardcore tune. Dalawa ang version ng In the End isang melo at isang hardcore rock. Unang pinatugtog ang In the End na may hardcore tune.
At first naingayan si Daeni pero nang tumunog ang melo ay nagustuhan ito ni Daeni.
In the End.. Hmm Hmm Hmm
It starts in the late of afternoon
When sunset is about to fall in the dark
Everybody is in the deep of sadness
I am starting to think why?
And just as i thought
Everybody is thinking that
In every ending is the really
End of the story but everybody is wrong cause..
In the End.. It's just the beginning
When sunset starts to fall in the darkness
The twinkling stars, The wishing moon
Will shine above me.. Yeah yeah whoa oh whoa yeah
It is raining hard my love
The deep sirens of every drops
Pain and sorrow hides in every smile
I am starting to think why?
And just as i thought
Everybody is thinking that
In every ending is the really
End of the story but everybody is wrong cause..
In the End.. It's just the beginning
When the raining stops
The sunshine will come for me
In the End is just the new beginning
Napaiyak si Daeni.. Na-relate siya sa kanta. Akala niya katapusan na ng lahat ng pangarap niya pero gaya nga ng sabi sa kanta. In the End is just the new beginning kaya magsisimula ulit siya. Kailangan niyang labanan ang sakit na Leukemia.
=======
=======
"Thank you sa Parking 5, Dahil sa inyo nagkaroon ng inspirasyon ang kapatid ko. Tuwang-tuwa nga siya nung magde-date kayo nung nakaraan kaso na-postponed sobrang nalungkot siya sinabi niya sa akin kung di raw niya maabutan, Ako na lang daw ang pumunta para sa kanya."sabi ni Daezen. Naluluha si Katsumi. Oo maloko siya pero di niya alam na may ganito palang klaseng Fan na sila ang inspirasyon.
"Uhm Daezen. Sorry nga pala kung na-postponed yung Date two days ago may nangyari kasi kaya na-postponed."sabi ni Katsumi na medyo guilty.
"No that's okay. Daeni will always here in our heart."sabi ni Daezen at nginitian si Katsumi.
"Ano ang Last word niya?"
"Her last word? Wala siyang Last Word kungdi yung chorus nung kanta na yan kaya di ko nakalimutan."sabi ni Daezen.
"Saan nakalibing si Daeni?"tanong ko kay Daezen.
"Sa libingan."sabi niya, Natawa si Katsumi. May pagkapilosopo rin pala si Daezen. Nakahanap na siya ng katapat niya.
"Sabi ko nga."sabi ni Katsumi at inayos ang salamin niya.
"Kaya pala..Tama nga si Daeni. Cute ka raw."sabi ni Daezen kaya namula si Katsumi.
______________________________
In the End was Composed and sang by yours truly pagpasensyahan niyo na yung boses ko, In the external links po! Sheeet XD
~Cynthia
BINABASA MO ANG
SLH (The Special Book)
FanficNagsimula sa "hate and love" ang istorya ni Kathryn at Daniel. Ngayon ay magsisimula ang bagong aklat kung saan sila pa rin ang bida malamang! Samahan si Kathryn at Daniel sa kanilang buhay mag-asawa, As they keep their promise to Grow Old together...
