(Sunny Sunday)
"Francis, Mikay mala-late tayo sa Misa bilisan niyong dalawa."sabi ni DJ sa kambal habang si Kath naman hinahanda ang gamit nila. Bumaba si Mikay na magulo ang basang buhok at hawak ang brush niya habang si Batgirl naman ay kalong niya.
"Oh bakit hindi ka pa nagsusuklay?"sabi ni DJ kay Mikay, Nag-pout naman si Mikay at tumingin sa kanyang mommy. Na-gets na ni DJ, Ang engot niya hindi pa pala sanay mag-suklay mag-isa si Mikay.
"Daddy suklay."sabi ni Mikay kay DJ, Napatingin muna si DJ kay Kath na inaayos yung gamit nila saka bumalik ang tingin niya kay Mikay at kinuha ang suklay dito. Medyo nag-aalangan pa siya kasi di naman siya marunong magsuklay ng buhok ng bata lalo na kapag babae.
Medyo matigas ang buhok ni Mikay, Hindi alam kung paano siya naligo kasi ang tigas ng buhok niya kasi buhol-buhol.
"Awch! Daddy."sabi ni Mikay dahil may mga nahilang strands ng buhok. Napakagat-labi naman si DJ.
"Kath! Tulong naman dito."nagmamakaawang sabi ni DJ, Napatingin naman si Kath sa kanila at natawa.
"Bakit kasi hindi niyo ko tinawag, Ayan tuloy."sabi ni Kath at kinuha yung brush sa kamay ni DJ saka sinuklayan si Mikay.
"Francis lumabas ka na at pumasok sa kotse and don't do anything stupid."sabi ni Kath kay Francis na prenteng naka-upo sa sofa. Tumayo naman si Francis at lumabas papunta sa Garage kasama si DJ.
"Mommy pupunta po ba tayo kayna Lola after the mass? Kanino po tayo? Kay Lola Karla o Kay Lola Min?"sabi ni Mikay habang sinusuklayan ni Kath ang buhok ni Mikay.
"Sa bahay tayo ni Lola Karla this time kasi di ba nung nakaraan sa bahay nila Lola Min? But don't worry pupunta si Lola Min kay Lola Karla."sabi ni Kath sa anak tapos ang mata ni Mikay ay nag-sparkle, Favorite niya ang Lola Min niya dahil sa madalas silang magbake, Favorite din naman niya ang Lola Karla niya kaya lang hindi gaano tulad ng Lola Min niya kasi si Francis ang may Favorite sa Lola Karla nila.
"Talaga? Makakapag-bake ba kami ulit ni Lola Min?"sabi ni Mikay at ngumiti na lang si Kath habang yinayakap ang anak.
"Di ko alam, Tara na nag-aantay na si Daddy at Kuya Francis mo sa kotse baka ma-late tayo sa mass."sabi ni Kath at kinarga si Mikay papunta sa kotse habang ang bag naman na inaayos kanina ay nasa shoulder niya.
"Tagal niyong dalawa."sabi ni DJ ng makasakay si Mikay at Kath. Si Mikay at Francis nasa may passenger seat habang si Kath nasa Shotgun katabi ni DJ.
"Parang di ka naman nasanay."sabi ni Kath kay DJ at natawa na lang si DJ habang nagdadrive papunta sa simbahan.
"Dad dadaan ba tayo kayna Lola?"tanong ni Francis sa Daddy nila. Tumingin naman si DJ sa rear view mirror saglit para tignan si Francis at bumalik na ang tingin niya sa daan.
"Oo after ng mass dadaan tayo, Miss na kayo ni mama eh."sabi ni DJ at nagtatango naman si Francis bago isaksak ang earphones sa tenga niya.
"Francis turn that off, Malakas humugot ng battery yan ng sasakyan."sabi ni DJ kay Francis, Naka-connect kasi ang earphones sa player ng sasakyan nila.
"Francis ano sabi ng Daddy? Patayin mo na yan."sabi ni Kath at nakabusangot naman si Francis na pinatay iyon. Napahinto sila sa dahil may red light.
"Daddy! Mommy! Look oh may lalaki tapos naka-luhod sa babae. Daddy, Mommy ano pong ginagawa nila?"tanong ni Mikay sa parents niya. Napatingin naman si Kath at DJ sa tinuturo ni Mikay at parehas silang natawa.
May Banner kasi ng 'Will you marry me?' tapos yung lalaki nakaluhod sa babae na tuwang-tuwa habang hawak nung boy ang kamay niya. Pinaandar na ni DJ ang kotse dahil green light.
"Daddy ano po yun? The girl look so happy i want to be happy! Kuya luhod ka din!"sabi ni Mikay sa kanila at nagulat naman si DJ at Kath saka napatawa saglit habang si Francis nakabusangot na nakatingin lang sa labas.
"Haha Baby hindi pwedeng gawin ni Kuya yun, The Boy proposed to the girl inaaya nung boy magpakasal si girl."paliwanag ni Kath kay Mikay habang si DJ nakangiti habang nagda-drive dahil sa kainosentehan ng anak.
"Purpose? What's purpose Mommy?"sabi ni Mikay na nagkamali ng dinig sa propose.
"Baby Propose not purpose, Propose yung yayayain mo yung taong mahal mo magpakasal."paliwanag naman ni DJ kay Mikay.
"Really Daddy? Yayayain mo yung taong mahal mong magpasakal pero kailangan mag purpose ka muna?"sabi ni Mikay at natawa na lang ang mag-asawa dahil sa pinagsasabi ng anak nila.
"Yes baby yayayain mong mag-propose yung mahal mo bago kayo magpakasal."sabi ni Kath na sinakyan na lang ang anak nilang hindi pa alam ang difference ng Propose sa Purpose at Kasal sa Sakal.
"Talaga? I love my Family so kailangan kong mag-purpose sa inyo para magpasakal tayo."sabi ni Mikay sa kanila at doon na humalagakpak kakatawa ang mag-asawa pati si Francis ay natawa. Sa kanilang dalawa si Francis ang mature kahit na magkasing edad sila.
"Baby ang purpose i mean propose ay para lang sa dalawang taong nagmamahalan, Someday you will understand what propose means and if someone propose to you lalo na kapag mahal mo wag ka ng magpatumpik-tumpik pa! Karakaraka!"sabi ni Kath habang tumatawa.
"Ah like you Mommy and Daddy?"sabi ni Mikay at doon na napangiti ng malaki ang mag-asawa.
"Yes Baby."sagot ni Kath sa anak na masyadong inosente pa.
"Daddy did you purpose to Mommy?"sabi ni Mikay habang hinahaplos ang batgirl niya. Kinilig si Kath ng maaalala niya ang propose ni DJ sa kanya, Naaalala niyang medyo sapilitan pa iyon pero willing din si DJ sa kanya na pakasalan siya.
"Oo naman baby nag-propose ako kay Mommy."sabi ni DJ at hinawakan ang kamay ni Kath gamit ang isang kamay niya habang ang isa naman ay nasa manibela.
"Really? Tuwang-tuwa ka ba noon mommy like that girl?"tanong ni Mikay sa dalawa.
"Oo Baby, Sobrang tuwang-tuwa ako at the same time kinikilig and that was the most magical experience i've ever imagined."sabi ni Kath na nakatingin kay DJ habang sinasabi niya iyon. Tumingin si DJ kay Kath saglit at bumalik ulit ang tingin sa daan.
"Mommy what's kilig?"sabi ni Mikay kay Kath.
"Baby sooner when you grow up, Kapag nagmahal ka na makakaramdam ka din ng kakaibang pakiramdam sa katawan mo."sabi ni Kath at napangiti na lang kasi masyadong curious si Mikay.
"Sana mag-grow up na ko para maramdaman ko rin yung kilig at the same time makita ko na din si Batman ko."sabi ni Mikay at nagkatinginan ang mag-asawa dahil nabanggit ni Mikay ang 'Batman ko' medyo nag-alala si Kath dahil masyadong bata pa si Mikay at napag-usapan din nila ni DJ kagabi (which is last chapter) ang tungkol doon.
"Baby may Batman ka na?"tanong ni DJ kay Mikay trying to open the topic.
"Yes Daddy! Siya nagbigay kay Batgirl sabi niya pa sa akin magkikita ulit kami."sabi ni Mikay habang si DJ pinapark ang sasakyan dahil nasa simabahan na sila.
"Really ano name niya baby?"tanong ni DJ sa anak, si Kath naman pa-iling iling pa habang bumababa sa sasakyan.
"He's name is Gerald Daddy but i prefer calling him Gi."sabi ni Mikay habang kinakarga siya ni Kath papasok sa simbahan.
"Okay Baby enough with your Batman, Nandito na tayo sa Church be good girl."sabi ni Kath kay Mikay na nakalimutan si Batgirl sa sasakyan. Umupo na sila sa may upuan sa Church na saktong kasisimula palang.
=======
=======
Katatapos lang ng Misa at nasa Parking Lot sila naglalakad papunta sa koste nila ng makaramdam ng ihi si Mikay.
"Daddy nawiwiwi ako."sabi ni Mikay dahil karga siya ni DJ. Natawa naman si DJ sa itsura ni Mikay ng sabihin nitong naiihi siya.
"Kath ihi lang si Mikay, samahan ko lang dito lang kayo."sabi ni DJ sa asawa at tumango naman si Kath na kasama si Francis. Sumandal si Francis sa may kotse at tumunog ang alarm ng kotse.
"Francis anong ginawa mo?"tanong ni Kath kay Francis habang si Francis naman ay hindi alam kung ano ang ginawa niya.
"Mom i swear! Wala akong alam diyaan."sabi ni Francis, Biglang tumigil ang sasakyan sa pag-aalarm nito ng may sumulpot na mag-asawa at may anak pa silang kasama.
"Hi sorry kayo ba may-ari ng sasakyan? I don't know what my son did pero pasensya na talaga."sabi ni Kath habang ang kamay niya nasa balikat ni Francis.
"It's okay ganyan din ang anak naming si Gino."sabi nung babae at parang namukhaan nila ang isa't-isa.
"Wait! Parang pamilyar kayong dalawa."sabi ni Kath at nagkatinginan ang mag-asawa.
"Oo nga Pat parang pamilyar siya."sabi nung babae at ngumiti na lang kay Kath.
"I am Ella Rivero-Dela Rosa and this is Patrick Dela Rosa my husband saka eto pala ang anak namin si Gino at Julia."pakilala ni Ella kay Kath. Tumango naman si Kath at kinuha ang kamay ni Ella.
"I am Kathryn Padilla, Anak ko si Francis."sabi ni Kath sa dalawa ng napatingin si Patrick kay Kath.
"Wait Padilla? May kilala ka bang Daniel Padilla?"sabi ni Patrick kay Kath at ngumiti naman si Kath.
"He's my husband at naalala ko na, Kayo yung guest namin sa kasal namin noon na pulang-pula nung maglalagay ng garter."sabi ni Kath at nagblush naman si Ella.
"Nice to meet you Kathryn but we need to go na, See you soon."sabi ni Ella na kinukulit na ng anak niyang babaeng si Julia.
"Sige ingat kayo."sabi ni Kath at nagsalita si Patrick.
"Ipakamusta mo na lang ako kay DJ."sabi ni Patrick at tumango naman si Kath sabay ngumiti bago umalis ang mag-asawa kasama ang dalawang anak nila. Pagka-alis ng kotse dumating si DJ kasama si Mikay.
"Tara na."sabi ni DJ at naglakad na sila papunta sa kotse nila at sumakay na papunta sa bahay nila Tita Karla. Excited na excited si Mikay dahil mag-babake na naman siya with her Lolas.
-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Kath's POV
Pagod na pagod kaming umuwi sa bahay namin, Gabi na din halos at bagsak ang kambal ng makauwi kami. May pasok pa sila bukas kaya nakatulog agad sila. Ang harot nilang dalawa kasama sina Mommy at Mama Karla pero sulit naman yung pagod kasi nakasama nila yung pinsan nila na anak ni Magui at Lelay.
"Grabe nakakapagod."sabi ko kay DJ ng makahiga kami sa kama at magkatabi lang kaming dalawa habang yakap niya ako.
"Oo nga eh ang kulit nila saka sobrang ingay."sabi ni DJ habang inaamoy ang buhok ko at ako nakasiksik sa dibdib niya.
"Pero kahit na sobrang nakakapagod makita mo lang yung ngiti nila saka marinig mo lang yung tawa nila nakakawala ng pagod."sabi ko kay DJ at yinakap naman niya ako ng mahigpit.
"Tama pero Kath kanina nung sinabi ni Mikay yung tungkol sa Batman niya, Nakaramdam din ako ng takot yung feeling na paano na kung dumating yung araw na maikasal siya? Ganito din siguro naramdaman ng magulang natin nung ikasal tayong dalawa."sabi ni DJ at natawa naman ako.
"Siguro si Daddy at Papa Rommel pero si Mommy at Mama Karla? Baka nga tanggap na nila noon pa kasi di ba sila pa yung nagdukdukan na tumira tayo sa iisang bahay."sabi ko kay DJ at natawa din siya habang hinahalikan ang buhok ko.
"Pero alam mo nakakatuwa yung ginawa ni Mama at Mommy Min di ba? Hindi nila tayo binigla na engage na tayo kaya kailangan mahalin natin yung isa't-isa. Hindi nila tayo pinilit na magkaroon ng feelings sa isa't-isa kasi yung plano nilang pagsamahin tayo sa iisang bahay kahit na wala namang namamagitan sa atin that way may nabuong feelings di ba?"sabi ni DJ at tinignan ko naman siya, Natawa ako saglit ng halikan niya ako sa ilong ko.
"Oo nga hindi tayo yung arranged marriage na binigla ng parents kasi yung sa atin, Power Trip lang ata ng mga nanay natin."sabi ko at natawa kaming parehas ni DJ kaso saglit lang kasi yinakap niya ako ng mahigpit na mahigpit na parang ayaw niya kong pakawalan.
"I love you Kath."sabi niya at hinalikan ang noo ko.
"I love you too DJ."sagot ko sa kanya at yinakap ko din siya, Nang may maalala ako.
"Nga pala nakasalubong ko si Ella at Patrick yung kaibigan mo? Kanina sa may Parking Lot ng Church nakalimutan ko lang sabihin kasi nga busy tayo."sabi ko kay DJ.
"Si Patrick? Kailan pa nakauwi yung ugok na yun pero kamusta naman nung nagkita kayo?"sabi ni DJ sa akin.
"Ayun may dalawang anak na din sila pero hindi kambal tulad ng atin, Yung batang lalaki ka-edaran lang ng kambal at yung bunso naman parang 4 to 5 years old, Kung buhay lang si Baby Daniel kasing edad niya yung bunso nila Patrick at Ella."sabi ko kay DJ at siniksik ako lalo sa dibdib niya kaya naman napatingin ako sa mukha niya.
"DJ miss ko na si Baby Daniel, Malapit na ang Death Anniversary niya."sabi ko kay DJ, Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha sa mata ko na hindi ko alam na tumulo na.
"Kath, kahit na wala sa tabi natin si Baby Daniel like i said he's always with us. Wag kang mag-alala nandito lang ako sa tabi mo hindi ako mawawala kasi mahal na mahal kita."sabi ni DJ at hinalikan ako sa noo ko at inayos ang ulo ko sa may dibdib niya.
"Tulog na tayo Misis, Maaga pa ang pasok ko at ng mga bata."sabi ni DJ, Napangiti naman ako sa sinabi ni DJ.
_______________________________Young Mikay & Francis Padilla and Young Gino & Julia Dela Rosa at the side ---------->
Bianca Bentulan as Young Mikay
Kyle Banzon as Young Gino
Lance Lucido as Young Francis
Red Telimban as Young Julia
~Cynthia
![](https://img.wattpad.com/cover/5649504-288-k476866.jpg)
BINABASA MO ANG
SLH (The Special Book)
FanficNagsimula sa "hate and love" ang istorya ni Kathryn at Daniel. Ngayon ay magsisimula ang bagong aklat kung saan sila pa rin ang bida malamang! Samahan si Kathryn at Daniel sa kanilang buhay mag-asawa, As they keep their promise to Grow Old together...