(Kath: Mag-sorry ka sa pinggan..)
"Kath mag-usap tayo please!"sigaw ni DJ mula sa labas ng bahay namin, By means na bahay namin ay hindi ang bahay namin ni DJ kungdi dito kayna Mommy at Daddy.
"Di mo ba siya kakausapin Chandria?"sabi ni Mommy sa akin at pinapatahan si Mikay. Umiling lang ako kay Mommy at nagpasak ng earphones sa tenga ko at umakyat sa kwarto ko.
One week na kong nandito sa bahay nila Mommy at Daddy. Ang kambal? Ayun na kayna Mama Karla si Francis habang na sa akin si Mikay. Napagdesisyunan kong bumukod muna kay DJ ayoko siyang makita. Nasasaktan kasi ako.
Kaya siguro ayaw niyang ipangalan ko sa kanya si Baby Daniel kasi hindi niya ramdam ang pagmamahal ko sa kanya kasi kung ramdam niya hindi siya maghahanap ng ibang babae.. Hindi siya mangangaliwa at yung Nurse pa sa Hospital. Hindi ko kilala kung sino siya pero isa lang ang masasabi ko ang pangit niya! Maputi lang siya pero pangit siya may peklat sa mukha pa ang nagustuhan niya! Ayoko ng pag-usapan ang nangyari last week.
Sabay natin liparin ang mga bituin,
Sabay natin langhapin ang sariwang hangin,
Sabay natin abutin mga pangrap natin,
Sabay tayo ngayong gabi atin ang mundo
Napahimalos ako ng mukha ko! Ito ang kinanta sa amin ni DJ bago ako makunan at uminom ng Vitamins este Pampalaglag pala! Napaikot na lang ang mata ko tuwing naalala ko siya kaya naihagis ko ang mp3 player ko ng mapansin kong parang umuulan sa labas. Napatingin ako sa Veranda at nandoon si DJ! Naknampu- Napatigil ako ng may kumatok.
"Chandria! Chandria! Si DJ nasa labas ayaw pa rin umalis umuulan na sa labas."sabi ni Mommy kaya naman napakamot ako ng ulo ko. Ang gago naman kasi ni DJ! Masyadong makulit.
Lumabas ako ng kwarto ko at sinalubong ako ni Mommy na karga-karga si Mikay habang ako pakamot-kamot ng ulo. Nadatnan ko si Ate Yen na nag-aalala sa may living room habang karga-karga ang anak nila ni Kuya.
"Ate Yen anong nangyari? Si Kuya?"tanong ko kay Ate Yen..
"Kath please."rinig kong sabi ni DJ mula sa labas sure akong nasa labas din si Kuya Neil at tinataboy si DJ.
"Kath pigilan mo naman sila please mapapa-away si Neil."nag-aalalang sabi ni Ate Yen kaya naman dumiretso ako sa kusina at kukuha sana ko ng kutsilyo para tabuyin si DJ ng nakita ko ang plato kaya kinuha ko. Ihahagis ko sa mukha ni DJ, Harsh ba? Ayaw ko lang siya makita.
Lumabas ako ng bahay at nakita ko sa Gate si Kuya Neil kausap si DJ. Basang-basa na silang dalawa dahil walang bubong ang bandang Gate namin.
"DJ sorry pero ayaw ka lang talagang kausap ni Kath."rinig kong sabi ni Kuya.
"Kuya Neil please lang.. Kath please let's talk."sabi ni DJ napalingon naman si Kuya Neil nakita pala ako ni DJ lumapit ako sa kanila.
"Kath."tawag ni Kuya sa akin may halong pagtataka din siya kung bakit may hawak akong babasaging pinggan. Sorry Mommy pero kailangan kong magbasag ata ng pinggan ngayon.
"Pasok ka na sa loob kuya, Nag-aalala na si Ate Yen."sabi ko at tumango naman si Kuya. Hahawakan na sana ni DJ ang kamay ko kaso umiwas ako at inabot ko sa kanya ang plato.
Una ang gusto ko ibato sa mukha niya ang pinggan hawak ko para maramdaman niya ang sakit na nararamdaman ko pero ngayong nakita ko siya nawala yung pakiramdam na gusto kong ibato sa kanya.. Medyo pumayat siya at yung eyebags niya lalong lumaki.
BINABASA MO ANG
SLH (The Special Book)
FanfictionNagsimula sa "hate and love" ang istorya ni Kathryn at Daniel. Ngayon ay magsisimula ang bagong aklat kung saan sila pa rin ang bida malamang! Samahan si Kathryn at Daniel sa kanilang buhay mag-asawa, As they keep their promise to Grow Old together...
