(May Period ata..)
Ang sunget ni Kath.. Sobrang nagtataka na si DJ dahil level 999 ang kasungitan ng asawa niya. Mukhang may period ata siya pero wala namang signs na may period nga ito. Kasalukuyan siyang nasa Sofa at nanonood ng Teletubbies kasama si Francis at Mikay.
"Kath."tawag ni DJ kay Kath at tinabihan ang asawa, Kaso umusog ito sa kanya at sinamaan siya ng tingin na may pahawak-hawak pa sa ilong.
"Ang baho mo DJ, Maligo ka muna."sabi ni Kath. Napataas naman ang kilay ni DJ, Nagtataka siya. Kaliligo lang niya pero bakit mabaho siya sa pang-amoy ni Kath?
Nagkibit-balikat na lang si DJ at umakyat sa taas para maligo. Nagpabango pa siya para hindi masabihan ni Kath na mabaho bago siya bumaba at tumabi sa asawa.
"Ano ba 'yang amoy mo? Ang tapang-tapang! Yung totoo anong pinaligo mo? Pabango?"pagtataray ni Kath at napatakip muli ng ilong niya. Nagtataka na talaga si DJ sa asal sa kanya ni Kath, parang hindi ito ang asawang si Kath sa isip-isip niya.
Kanina mabaho kahit kaliligo lang niya, Ngayong nagpabango na siya matapang naman daw? Ang gulo ano?
"Hi."bati ni Julia na may dalang basket ng red mangoes na mula pa sa Farm ng mga Loyzaga.
"Ano 'yang dala mo?"tanong ni Kath habang si DJ naman ay naka-upo sa high chair sa may Counter. Mabaho nga raw siya sabi ni Kath ayun nagmukmok sa sulok este sa counter pala.
"Red Mangoes, Pumunta kasi kami ni Diego sa Lupain nila sa Pangasinan ayun ang daming Red Mangoes kumuha na ko."sagot ni Julia sa tanong ni Kath sa kanya.
"Talaga? Ang dami naman niyaan pero salamat."sabi ni Kath na masaya at nag-focus na ulit sa mga anak niya saka nilaro.
"Julia tignan mo iyang pinsan mo, Ang sunget-sunget tapos dalawang beses na kong naligo mabaho pa rin daw ako. Pagsabihan mo nga."sabi ni DJ na may tonong pagtatampo, Napaisip naman si Julia sa sinabi ni DJ sa kanya.
"Masunget tapos sinabihan kang mabaho? Aba DJ baka nabuntis ulit si Kath."sabi ni Julia nang masaya natigilan naman si DJ sa sinabi ni Julia. Buntis ulit si Kath? Imposibleng mabuntis siya, Sinasabi ko sa inyo sobrang imposible.
"Hindi kaya buntis si Kath? pero Paano?"takang tanong ni DJ sa isip niya. Ico-consult na lang niya si Kath dahil sure siya etong buwan dadatnan si Kath kapag hindi nagpabili sa kanya nang Tampons si Kath aba doon na siya mag-aalala. Baby pa po sina Francis at Mikay mga Two years old ganoon.
"Imposible Juls."sabi ni DJ kay Julia, Hindi pa naniniwala kahit ang nagsusulat nito hindi rin naniniwala dahil alam ng lahat (Sa nakabasa ng YAIMH at FIMH) na hindi na nasundan si Francis at Mikay.
"Eh sabi mo masungit pero baka meron siya speaking of.."sabi naman ni Julia at binalatan ang red mango na siya mismo ang nagdala saka kumain.
"Ano tatambay ka muna dito?"nagtataka namang tanong ni DJ kay Julia na hindi pinakinggan ang sinasabi ni Julia na patuloy sa pagtalop ng red mangoes sa counter, Kapag wala kasi ang asawa at anak ni Julia ay nakatambay ito kayna DJ at Kath na parang teenager.
"Bakit hindi na ba ko welcome dito? Kung ganoon aalis na lang ako your welcome sa red mangoes ah!"padabog na sabi ni Julia at nag-walk out. Napahawak sa sentido si DJ sinungitan na nga siya ni Kath kanina pati ba naman ang pinsan nito na tinanong lang niya kung tatambay ba doon.
"Uy DJ anong ginawa mo bakit umalis si Julia?"tanong ni Kath napakamot na lang si DJ dahil ang sunget ng magpinsan
"Ewan ko, Tinanong ko lang naman kung tatambay ba siya dito tapos ayun lumayas."paliwanag ni DJ kay Kath.
"Ewan ko sa iyo DJ kung anu-ano siguro sinabi mo kay Julia kaya Umalis!"sabi ni Kath at binuhat ang dalawang anak pa-akyat sa taas. Napabuntong hininga na lang si DJ ang sunget nila ngayon.. Naawa na ba kayo kay DJ laging nasusungitan? Ako rin naaawa na.

BINABASA MO ANG
SLH (The Special Book)
FanficNagsimula sa "hate and love" ang istorya ni Kathryn at Daniel. Ngayon ay magsisimula ang bagong aklat kung saan sila pa rin ang bida malamang! Samahan si Kathryn at Daniel sa kanilang buhay mag-asawa, As they keep their promise to Grow Old together...