(In Loving Memories)
"Saan po ang room ni Katerina Montes?"sabi ni Kats sa nurse, Oo si Kats ang naghanap sa bata. Napamahal kasi siya rito dahil itinuring niya ito na parang anak.
"Kats."sabi ng asawa ni Kats at napatingin sa Kats sa asawa, Nagyakapan ang dalawa parang ngayon lang nagkita.
"Anong nangyari kay Katerina? Anong nangyari kay Kate.Ri.Na!"sabi ni Kats saka ngumawa at naglulupasay sa sahig na parang bata kaya nakatanggap siya ng batok mula sa mga kaibigan at sa asawa niya.
"Ang OA mo Kats, Nahimatay lang ang bata wala naman nangyaring masama sa kanya."paliwanag ng asawa ni Kats sa kanya at saka humalukipkip sabay role eyes. Umayos naman ng tayo si Kats saka pinagpagan ang sarili, Pinagtitinginan siya ng mga tao.
"Tara na."sabi ni Kats at pumunta sila sa ward room ni Katerina na kagigising lang at tulala, Napatingin siya sa pinto at nakita niya ang kanyang Ninong Katsumi, Ninang Joyce pati na rin ang Tita Kathryn at Tita Julia niya.
"Katerina."sabi ni Julia at nilapitan ang pamangkin saka yinakap ito, Nang magkalas sila ng yakap ay papaiyak ang batang si Katerina.
"T-Tita Julia di ba buhay pa si Mommy at Daddy? It's a dream right?"sabi ni Katerina habang bumubuhos ang luha sa mga mata niya, Nagkatinginan ang mga nasa loob ng kwarto na iyon.
"Shh baby."sabi ni Julia sa pamangkin niya habang yakap pa rin ito, Naaawa naman si Kath sa pamangkin ng pinsan niya. Malayong kamag-anak ni Kathryn si Katerina kaya hindi niya maitatawag na pamangkin ito. Humiga si Katerina at nagtalukbong, Naaawa naman ang ilan sa mga tao na nandoon sa loob ng kwarto sa kanya. Kawawang bata..
"Pagpahingahin muna natin si Katerina, Labas muna tayo."sabi ni Joyce at lumabas na sila. Si Kath naman tinignan si Katerina bago lumabas ng kwarto.
"Daddy nawaalan po ba siya ng parents?"tanong ni Mikay na naka-karga kay DJ, Napatitig naman si DJ kay Mikay at yinakap lang ang anak. Ang hirap kasing sagutin lalo na at naisip ni DJ paano kung silang dalawa ang nawala paano ang kambal?
"Si Junior nga pala?"tanong ni Kats sa asawa niya, Nag-cross arms naman si Joyce at tumaas ang kilay niya.
"Ayun kasama ang mga kaibigan niya, Naku Katsumi yang anak mo patinuin mo masyado silang maloloko manang-mana sa iyo."sabi ni Joyce at umiling-iling, Si Katsumi naman nag-pout. Kasalanan niya bang napunta kay Katsumi Junior ang kakulitan niya?
"Bakit ganun mama? Kapag may nagawa akong maganda nag-mana ako sa inyo pero kapag hindi maganda ang nagawa ko nag-mana ako kay papa?"sabi ng anak nila na kararating lang sa Hospital kasama ang ilang bata at sina Gabby at Anikka.
"Eh mabait ako tapos ang tatay mo maloko kaya ganun, Wag ka ng magreklamo dahil iyon ang totoo."sabi ni Joyce at nag-pout ang mag-ama, Magkamukhang-magkamukha parang pinagbiyak na arinola.
"Sino yang dalawang batang kasama niyo?"tanong ni Mikay kay JC na pinsan niya, Ibinaba naman ni DJ ang anak para makapag-usap sila ng pinsan.
"Ah si Patch saka si Ivan."pakilala ni JC sa dalawang batang nakilala nila few weeks ago.
"Hi Miss Beautiful."sabi ni Ivan kay Mikay at kinuha nito ang kamay nito, Si Patch naman ay piningot sa tenga ang bestfriend na si Ivan.
"Hoy Lacson! Wag mo ngang ginaganyan yung bata napaka-babaero mo talaga eh no?"sabi ni Patch habang hawak ang tenga ng bestfriend niya napabitaw naman si Ivan sa kamay ni Mikay at napakamot ng batok.

BINABASA MO ANG
SLH (The Special Book)
FanfictionNagsimula sa "hate and love" ang istorya ni Kathryn at Daniel. Ngayon ay magsisimula ang bagong aklat kung saan sila pa rin ang bida malamang! Samahan si Kathryn at Daniel sa kanilang buhay mag-asawa, As they keep their promise to Grow Old together...