Special 36

8.6K 141 16
                                    

(Without You)

“Ikaw na ang may sabi.”kanta ni Lester habang nag-gigitara, Nakatambay sila sa bahay ng mag-asawa. Wala kasi si DJ nasa States inaantay nila ang tawag nito, Si Kath naman nasa kusina at nagluluto ng hapunan para antayin ang skype nila kay DJ. Ang kambal gumagawa na ng assignments nila para wala na silang aasikasuhin mamaya.

“Ng alin?”pambabara ni Kats kay Lester na kumakanta ng ako’y sa’yo at ika’y akin lamang, Sinamaan lang ni Lester si Kats ng tingin.

“Na ako’y mahal mo rin.”kanta ulit ni Lester sabay strum ng gitara niya, Napahagikgik naman si JC.

  

“Nagbabalik tanaw sa nanay ni Junior?”matawa-tawang sabi ni JC buti na lang tumatawa siya kaya hindi naintindihan ni Lester pero sina Kats at Seth malinaw na naintindihan.

“At sinabi mo na ang pag-ibig mo’y di magbabago.”kanta ni Lester na pumiyok pa sa huli at natawa ang tatlo sa ginawa ni Lester.

  

“Wala eh? Paasa siya.”sabi ni Kats at sinamaan ulit siya ng tingin ni Lester. Nag-tawanan at nag-apiran naman sina Kats, JC at Seth sa ginawa ni Lester, Hindi na lang pinansin ni Lester ang ginawa ng tatlo sa kanya.

“Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo.”pagsesenting kanta ni Lester habang nag-gigitara.

“Mabaho ka raw kasi, Maligo ka na nga.”sabay na sabi ng tatlo at sa inis ni Lester binato niya sa tatlo ang gitara buti na lang nasalo nila kaya hindi sila nasaktan.

  

“Kitang nagsa-soundtrip yung tao tapos umeepal kayo, Anong mga nasinghot niyo?”asar na sabi ni Lester sa kanila at nag-walk out. Nagkatinginan ang tatlo, Anong meron kay Lester at naging ganoon na lang bigla ang ugali nito?

Maya-maya bumalik si Lester napatingin naman ang tatlo sa kanya.

  

“Sorry Les.”sabay sabay na sabi ng tatlo, Salubong lang ang kilay ni Lester at kinuha ang twalya sa gilid ng upuan.

“Maliligo lang ako para pogi ako sa harapan ni DJ, Baka mamaya ikumpara niya na naman ang itsura ko sa itsura niya.”asar na sabi ni Lester at napatawa naman ang tatlo sa sinabi ni Lester. Gwapo naman si Lester lamang lang si DJ ng sampung paligo dito, Nagbibiro lang ang nagsusulat kras kaya niya si Lester lol.

Sa kabilang dako naman gumagawa ng assignment ang kambal, Napatingin naman si Mikay sa kapatid niyang si Francis.

“Kuya Francis, Look! Mali ka sa number three.”sabi ni Mikay at tinuro kay Francis ang mali sa notebook nito, Napatitig naman si Francis sa notebook.

  

“Oo nga ano.”sabi ni Francis at binura ang sagot niya sa number three saka pinalitan. Bumalik naman ang focus ni Mikay sa notebook niya at nagsagot. Si Kath naman ay naghahanda na ng hapunan nila sa mesa kasama si Yaya Monic.

“Nakakatuwa naman at makakasama pa natin sa hapunan si Daniel kahit na nasa ibang panig siya ng mundo.”natutuwang sabi ni Yaya Monic at napangiti naman si Kath, Hindi talaga sila nawalan ng contact ni DJ simula ng umalis ito. Tatlong araw na rin ang nakalipas simula ng umalis ito at in-contact pa rin ang dalawa.
 

SLH (The Special Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon