Special 7

19.9K 209 17
                                        

(Sweet Anniversary)

"Good morning."masayang bati ni DJ sa asawa na si Kath ng magising ng tanghaling tapat. Good morning tapos tanghali na? Ang tanga lang, Iyan kasi puyat ng puyat.

"Good morning bave."goodmood din na bati ni Kath kay DJ. Hindi nila alam ang oras dahil nasira nga ang Automatic Calendar na may orasan sa gilid kaya tinapon na ni Kath kaya ngayon hindi nila alam kung anong oras na. Isa pa puyat nga sila dahil naka-ilang round din sila.

"Maliligo lang ako tapos mag-stroll tayo."sabi ni Kath at tinatakip sa kanyang katawan ang comforter habang tumatayo kaso hinigit ng pilyong asawa niyang si DJ ang comforter.


Asar namang nilingon ni Kath ang asawa niyang humigit ng comforter na nagawa niyang ipangbalot sa katawan niya.



"DJ! Bakit mo hinigit?!"galit na singhal ni Kath kay DJ. Ngumisi na lang si DJ sa asawa niya at umiling.



"Tatakpan mo pa? Eh ilang beses ko ng nakita yan saka Whitwhew! Sumexy siya."puri ni DJ na pumito pa! Namula naman si Kath sa kilig na sinabi sa kanya ni DJ. Nagbuntis kasi siya kaya naman naisip niya na tumaba siya pero according to DJ, Sumexy nga raw siya.



"Tss.. Maliligo na ko."sabi ni Kath na inirapan na lang si DJ kahit na obvious ang kilig at pamumula niya kanina. Mabilis niyang tinungo ang banyo habang si DJ natatawa na bumangon sa kama para sumunod.



"Oh anong ginagawa mo dito?"tanong ni Kath sa kay DJ na may ngiting nakakaloko sa labi. Mukhang may binabalak si DJ, Ang theme Save the Nature.



"Sabay na tayong maligo please."pacute na sabi ni DJ sa asawa niya sa mismong pintuan ng banyo.



"Hindi pwede!"sabi ni Kath at aakmang isasarado ang pinto nang..

"Kath hindi lang ako ang nagmamahal ngayon sa iyo, Pati ang tubig nagmamahal na rin."banat ni DJ kaya naman hindi alam ni Kath kung saan niya ilulugar ang pag-blush niya sa sinabi sa kanya ng asawa.

"Isa pa hindi ka ba naaawa kay Mother Earth? Kath save Mother Earth, Conserve Water, Let's shower together."dagdag pang sabi ni DJ kay Kath kaya naman napa-pokerface na lang si Kath sa pinagsasabi ni DJ sa kanya. Ayos na eh may dinagdag pang ganyan.



"Shower together mo mukha mo! Dinamay mo pa ang nanahimik na si Mother Earth."sabi ni Kath kay DJ bago niya pagsaraduhan ng pinto ng banyo ang asawa niya. Nag-pout na lang si DJ sa labas dahil sa ginawa ni Kath sa kanya.


Mabilis lang naman nag-shower si Kath  kaya after ni Kath, Sumunod na rin si DJ para maka-take sila ng stroll sa labas dahil anniversary nga nilang dalawa hindi ba? Nagtataka kayo bakit hindi bongga ang Third Anniversary nila? Pwes nung 1st Anniversary nila ay bongga! Hindi kayo invited bleh!



"Kath."tawag ni DJ sa asawa niya bago nag-backhug kay Kath. Nagsusuklay na lang kasi si Kath habang si DJ bihis na.



"Sandali na lang DJ tapos alis na tayo."sabi ni Kath at tinapos na ang pagsusuklay niya bago halikan si DJ sa labi niya ng isang mainit at masarap na halik.



"Isa pa, Please?"request pa ni DJ kay Kath nang magkalas ang kanilang labi. Lumapit pa si Kath sa kay DJ at pinaglapat ang labi nilang dalawa. Nang magkalas ulit ang kanilang labi nag-request pa si DJ ng isa pa.



"Masama ang marami."sabi ni Kath kay DJ at napanguso na lang ng matulis si DJ, Namimihasa! Sa sobrang cute ni DJ sa ginawa niyang iyon pinagbigyan siya ni Kath at hinalikan muli ng mainit at masarap na halik. This time medyo matagal na iyon kumpara kanina.


Naramdaman ni Kath ang kaliwang kamay ni DJ na dumadaosdos sa palad niya at pinagsalikop ang mga kamay nila. Habang ang kanang bahagi naman ay hinawakan siya sa waist niya at nilapit siya lalo sa katawan nito.

SLH (The Special Book)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon