Special 8

17.9K 171 11
                                        

(The Legend of Unggoy at Megaphone)

Isang araw, Sa bahay ng mag-asawang Padilla. Habang nasa kusina si Kath kasama si Yaya Monic, Si DJ ang nagbabantay sa kambal.

"Momma, Dadda!"nagulat si DJ nang bigla niyang narinig si Mikay na nagsalita. Agad siyang napabalikwas sa pagkakaupo ng prente sa sofa sa loob ng kwarto ng kambal.

"Momma, Dadda!"ulit muli ni Mikay habang tumatawa, Nagpapacute pa ito sa ama. Nanlaki ang mata ni DJ na tinawag si Kath through intercom.

"Kath! Kath! Narinig mo yun? Nagsalita si Mikay!"sigaw ni DJ mula sa intercom na narinig naman agad ni Kath kasama si yaya Monic sa kitchen.



"Anong sabi mo? Nagsalita si Mikay?"tanong ni Kath nagpunas ng kamay sa apron nito, Medyo Hingal pa siya dahil napatakbo siya nang marinig si DJ. Nagluluto nga kasi silang dalawa ni Yaya Monic sa kusina. Ang tanga ni DJ paano maririnig ni Kath ang pagsasalita ni Mikay kung nasa Kusina siya. Epic Fail Dre.



"Oo, Nagsalita siya sabi niya Momma at Dadda."masayang sabi ni DJ sa asawa niya. Natuwa naman si Kath sa masayang balita kaya agad na nilapitan si Mikay na nasa crib niya.



"Talaga? Hi baby i am Mommy!"masiglang sabi ni Kath na parang baliw sa harapan ni Mikay.


Dumaan ang anghel... Katahimikan...



"Niloloko mo naman ako DJ eh!"asar na singhal ni Kath kay DJ at lumabas sa kwarto ng kambal na patabog. Napakamot na lang ng ulo si DJ habang tinitignan ang anak niya.



"Uy Kath totoo nga nagsasalita na... si Mikay."sabi ni DJ sa asawa niya kaso hindi na siya maririnig ni Kath dahil nga sa lumabas na ito.



"Momma."sabi ni Mikay at pumalakpak pa habang tumatawa. Napa-facepalm na lang si DJ.. na-late si Mikay masyadong impatient naman si Kath.



"Dadda! Haha."pahabol na sabi ni Mikay at masayang-masaya ito. Nalungkot naman si DJ dahil late talaga si Mikay. Akala tuloy ng asawa niya pinagtitripan lang siya nito kahit na totoo naman ang sinasabi niya.





=======
=======


"Kath nakabili ka ba ng Cerelac ni Francis at Mikay?"tanong ni DJ kay Kath at nasa Supermarket silang dalawa. Napadaan sila sa oatmeal section at nakita ni DJ ang Ceralac.



"Ay, Oo buti napa-alala mo."sabi ni Kath at kumuha ng Ceralac para sa anak nilang dalawa saka iyon nilagay sa cart.



"Nga pala yung mushroom para sa Carbonara nakalimutan teka kukuha ako."sabi ni DJ kay Kath at automatic na tumaas ang kilay ni Kath.



"Siguraduhin mo lang na mushroom ang pupuntahan mo at hindi yung malanding Sales Lady doon!"sabi ni Kath kay DJ at dinuro pa ang Carrots sa mukha si DJ. Napakamot naman ng ulo si DJ sa sinabi sa kanya ni Kath habang dinuduro sa kanya ang natirang roots ng Carrots.



"Kath naman wala ka pa rin bang tiwala sa akin?"tanong ni DJ sa asawa niya at may lungkot sa tono nito. Oo marami siyang chicks nung binata siya pero nabago naman ni Kath ang pananaw niya di ba?



"Sa iyo? Meron, Sa Kanila? Wala."sagot ni Kath at umirap kay DJ. Nakaisip naman ng bright idea si DJ para hindi na maghinala si Kath sa kanya. Siya kasi ang pinaka-pasensyosong lalaki sa balat ng lupa saka mahal naman niya si Kath.



"Mabuti pa sumama ka na lang sa akin sandali lang naman saka nakuha mo na rin yung Cerelac."suggest ni DJ kay Kath. Para saan nga pala ang Cerelac? First time kakain si Baby *insert Cerelac CF here*



"Bibili ako ng Monkey Brand."sabi ni Kath na ang tinutukoy ay ang powdered milk na favorite ng dalawang bata. Ubos na ang gatas ni Kath kaya powdered milk na ang pinapainom niya sa kambal.



"Ganoon ba? Edi magkita na lang tayo sa Ice Cream section."sabi ni DJ kay Kath ng paghihinayang at hinalikan si Kath sa noo bago siya umalis. Ganoon din si Kath habang tulak-tulak ang Cart.


Kung tatanungin niyo ko ano ang okasyon? WALA. Haha De loko lang. Magpapakain si Kath at DJ sa Barkada feat P5 and the Family dahil First time kakain si Francis at Mikay ng pagkain at hindi na gatas. YEHETH naman!


At narinig na rin sa wakas ni Kath si Mikay magsalita kaso si Francis no response pa din baka daw mamaya or next year, Late bloomer ata.



"Kath? Is that you?"hulaan niyo kung sino... Bibigyan ko kayo ng Clue.



A. Enrique Gil (the First Love)

B. Ella Cruz (the Stranger in rooftop)

C. Louise Delos Reyes (the julalay kidnapper)

D. Bahala na si Author basta magbabasa na lang kami

E. Lexi Fernandez (Nabuhay siyang muli xD)

or

F. ------- (Nasira ang makinilya kaya walang na-itype)



"Oh anong ginawa mo dito?"tanong ni Kath sa tumawag sa kanya. Ayaw pang i-reveal ni Author kung sino suspense effect tantadadan!



"Duh Obvious ba? Ano bang ginawa sa Supermarket?"sagot niya kay Kath. Sino nga ba talaga siya at ang lakas niyang pilosopohin si Kath? Oh well eto na.. PLEASE WEL-



"Uy Jessy sino ang kasama mo dito?"



Pwede ko bang patayin si DJ sa kwento ko tulad ni Lexi? Pwede ba? SOBRANG EPAL! Umeksena sa sariling introduction ko kay Jessy! My ghad DJ! *insert author's problematic face here*



"Malamang yung asawa kong si Quen."sabi ni Jessy at ngumiti, Sila nga kasi ang nagkatuluyan. Ie-engage nga kasi si Jessy di ba? Pero anong nangyari? Ayun nga! Natuloy ang pagpapanggap nilang dalawa. Eto kasing si Quen pumayag sa pagiging fake boyfriend ni Jessy at nagpanggap pa silang mahal na mahal nila ang isa't-isa.


Akala ni Jessy back to single life na naman siya kapag nagpanggap sila ni Quen, It turns out silang dalawa pala ang dapat i-engage kaya ayun kinasal sila ng wala sa oras.



"Buntis ka na?"tanong ni DJ kay Jessy at napa-iling na lang si Jessy sa sinabi sa kanya ni DJ.



"Alam mo gumwapo ka kaya lang naging tanga ka naman, Seriously? Kathryn anong pinakain mo sa kanya?"halatang may inis sa tono ni Jessy nung sinabi niya iyon kay Kath. Halatang nasa mood swings si Jessy.



"Uy DJ, Kath kamusta?"nakangiting bati ni Quen sa mag-asawang Padilla. Nakaramdam naman ng selos si DJ dahil sa ngitian ni Kath at Quen. Knowing Quen na First Love ng asawa niya?



"Eto ayos lang kami, First time kakain ng anak namin at nagsasalita na yung isang anak namin. Kayo? First baby?"tanong ni Kath kay Quen na may matamis na ngiti dahil sa kambal nila ni DJ. Namis-interpret naman iyon ni DJ kaya agad niyang hinapit sa bewang si Kath. Mahina namang napatawa si Jessy sa tabi ni Quen dahil sa inasal ni DJ kay Kath at halatang nagseselos pa rin ito kay Quen na asawa niya.



"No, Actually.. Pangatlo na naming dalawa ito."sabi ni Quen sabay himas sa tiyan ni Jessy. Namula naman agad si Jessy sa ginawa ng asawa niya. Hindi napansin ni DJ ang mga sinasabi ni Kath at Quen dahil nababalot siya ng selos. Parang na-blocked ang five senses ni DJ dahil sa selos.



"Talaga?"singit ni DJ na may tonong hindi kanais-nais sa pandinig. Natawa na lang si Jessy habang si Quen nakakunot ang noo at iniisip ang dahilan ng ganitong tono ni DJ, Take note may hinala si Quen sa nararamdaman ni DJ pero hindi siya sure.



"Ano ka ba?"bulong ni Kath sa asawa saka ito siniko. Hindi na lang siya pinansin ni DJ dahil sa selos niya.


"Oo, Mukha bang hindi kapani-paniwala? Eh kayo? Sure akong maganda ang anak niyong dalawa dahil maganda si Kath."pang-aasar ni Quen kay DJ at agad na nagsalubong ang kilay ni DJ. Na-confirm ni Quen na nagseselos si DJ habang si Jessy naman nagugustuhan ang mga nangyayari.



"Maganda at gwapo talaga ang anak namin dahil gwapo ako, At oo alam kong maganda si Kath."asar na sagot ni DJ kay Quen na may bahid ng pagkairita ang kanyang tono. Pigil naman ang tawa ni Quen habang si Jessy maluha-luha na sa pag-pigil ng tawa.



"Sige mauna na kami may lakad pa kasi kami."sabi ni DJ na hinatak si Kath pa-alis, Nagpaalam naman si Kath sa dalawa. Pagka-alis ng dalawa doon na tumawa ng sobrang lakas si Jessy at Quen.


On the other side pinapagalitan ni Kath ang asawa niya habang naglalakad silang dalawa sa Cashier, Still nakahapit pa rin ang braso ni DJ sa bewang ni Kath.



"Anong eksena iyon DJ?"medyo inis na tanong ni Kath sa asawa niya. Tahimik lang si DJ habang magkasalubong ang kilay, Alam na this!



"Nagseselos ka? Bakit ka naman nagseselos? Anong dahilan?"nagtatakang tanong ni Kath kay DJ, Hindi naman kumikibo si DJ habang salubong pa rin ang kilay niya.



"Wait! Don't tell me nagseselos ka pa rin kay Quen after all these years?"matawa-tawang tanong ni Kath kay DJ agad namang napatingin si DJ kay Kath at naging defensive.



"Ako magseselos sa hilaw na iyon? Kath wala 'yun sa Dictionary ko."sagot ni DJ sa asawa niya at napaghahalataang defensive.



"Talaga lang huh? Hindi ka nagseselos? Bakit hilaw ang tawag mo sa kanya imbes na sa pangalan niya?"push ni Kath sa pagseselos ni DJ. Naaasar naman si DJ sa pamimilit ng asawa niya sa kanya. Sinabi na nga niyang hindi kahit na totoong nagseselos siya, Ayaw niya lang umamin. Ano bang masama kapag inamin mong nagseselos ka? Pride? Lunukin mo yung bareta ko DJ. Ewan ko sa'yo.



"Tss."tanging reply ni DJ at matapos nilang magbayad ganoon pa rin ang mukha ni DJ. Nakabusangot at hindi makapaniwalang hindi siya nilalambing ni Kath sa pagseselos niya at tinatawanan lang siya.



"Unggoy ka talaga."nakangiting sabi ni Kath kay DJ habang nasa sasakyan silang dalawa pauwi. Napatingin naman si DJ sa asawa niya at nilukot ang mukha niya.



"Hala sige mag-selos ka pa kay Quen, Wala ka naman kasing dapat ika-selos eh."sabi ni Kath sa asawa niya at napangiti si DJ sa kaloob-looban niya habang nakasibangot. One step ni Kath sa panlalambing sa kanya mamaya extreme na!


Pagdating sa bahay agad na nagluto si Kath at Yaya Monic, No time for lambing moments ni Kath at DJ. Nag-presinta pa si DJ na magluto at dahil busy na sina Yaya Monic at Kath hinayaan niya si DJ. He end up burnt the chicken, It turned out to be the black roasted chicken. Nainis naman si Kath mabuti na lang at kaunti lang ang nasunog ni DJ at may natira pang mga manok na ipiprito.


Nang dumating ang hapon natapos sila kaya naman agad na nag-ayos ang mag-asawa pati na rin ang kambal inayusan na dahil parating na rin ang mga bwisita nila. Maya-maya pa isa-isang dumating ang mga bisita.


"Hello pips! Nandito na ang Pinaka-gwapong si Katsumi!"sabi ni Kats sabay spread ng arms niya sa may pinto kaya hindi makapasok-pasok sina Seth sa loob.



"Anong pinaka-gwapo? Baka pinaka-gago."hindi pag-sangayon ni Lester sa sinabi ni Kats.



"I second the motion!"sabi naman ni JC at nag-apir silang dalawa ni Lester.



"Mga loko! Pumasok na nga kayo basta talaga handaan mabilis kayong lima."biro ni DJ sa mga kaibigan niya. Napahawak naman sa heart si Seth sa sinabi ni DJ.



"Ouch nabasag ata yung puso ko, Paki-pulot naman fafa DJ?"sabi ni Seth kaya naman mabilis na nandiri si DJ kay Seth dahil pati ito nahawa sa kabaklaan ni Kats. Tawa naman ng tawa si Seth ng makita ang mukha ni DJ na mukhang hindi matae.



"Oh nandito na kayo? Kayo palang?"tanong ni Kath at nag-step forward naman si Lester habang nakapamulsa na ginagaya si DJ sa maangas look nito.



"Bakit Kath? May nakikita ka bang hindi dapat?"sabi ni Lester na gayang-gaya ang boses ni DJ. Agad namang binatukan ni Kats si Lester dahil sa eksena nito.



"Wala kang originality Les, Uwe!"sabi ni Kats sabay turo sa pintuan ng bahay ng mag-asawang Padilla. Napa-iling na lang si Kath dahil nandito na naman ang baliw na kapatid at kaibigan ni DJ.


Maya-maya rin dumating na ang Barkada nilang dalawa na may dala pang gifts. Nahiya naman ang apat dahil may regalo ang kabila kesa sa kanila.



"Okay lang 'yan, Wag kayong malungkot na wala tayong gifts."bulong ni Kats kay Lester. Napatango naman si Lester sa sinabi ni Kats bilang sang-ayon.



"Oo nga wala namang kwenta yung gifts nila eh."bulong ni Lester kay Kats pero hindi sumang-ayon si Seth kailangan sila rin dapat may gifts. Papalamang ba sila?



"Pero dapat may gifts din tayo di ba?"sabi ni Seth sa apat at sumang-ayon muli si Lester sa suhestiyon ni Seth.



"Oo nga dapat tayo rin."sagot ni Lester at agad na nagkatinginan ang apat. Si JC tahimik lang at kumakain ng donuts ng palihim, Ayaw niyang mag-share dahil alam niyang susugapain lang ng mga kabanda ang donuts niya. Siya ang bumili pero sila ang kakain, Nadala na siya. Selfish eh!


Nakaisip ng idea sina Lester, Seth at Katsumi. Idadawit na lang nila mamaya si JC na alam nilang busy sa pagkain ng donut na sinarili nito, Gagantihan na lang nila ito kapag silang apat na lang dahil sa kadamutang taglay nito.


Ang mag-asawang Loyzaga binigyan ang kambal ni Kath at DJ ng box ng baby toys. Ang mag-asawang Casino naman dalawang buwang supplies ng Cerelac hanggang sa pwede nang kumain ng solid foods ang kambal. Ang mag-asawang Ramos set ng lullaby songs sa kwarto ng kambal at ang mag-asawang Celis naman ay nag-regalo ng nursery rhymes na DVD at CD sa kambal since natututo ng magsalita ang kambal, Si Mikay pa nga lang.



"Tsk. Ayan lang? So kapag laki nila hindi nila magagamit iyan."pagmamalaki ni Kats na umismid pa. Napataas naman ang kilay ni Aria dahil sa inaasal ni Kats ayan na naman ang epal na si Katsumi.



"Oo nga! Dapat yung magreregalo kayo yung magagamit nila in the future."pag-sangayon ni Lester according sa plano nila.



"Oh anong regalo niyo?"tanong ni Kiray habang naka-cross arms. Ngumisi naman ang tatlo, Nahuli si JC na siniko pa ni Lester dahil hindi ngumisi.



"Ticket, Ticket sa future Concert namin."pagmamalaki ni Lester at itinaas pa ang baba para magmalaki.



"Hah! Bakit sikat pa rin ba kayo after ten years?"matawa-tawang pangiinsulto ni Aria sa apat dahil *ehem* isa siyang sikat na singer ngayon. Hindi naman sa masama ang ugali ni Aria pang-asar lang niya iyon kay Kats pero buong banda ang na-apektuhan.



"Ouch Aria! Ang sakit mong magsalita."sabi ni JC at napahawak pa sa dibdib niya. Nasaktan sila pati si DJ siyempre dahil mga kabanda niya iyan dati pero mabuti na lang at manhid si JC kaya imbes na awayin ang pinsan nagpatawa na lang.


Magkakaroon pa sana ng tensyon kung hindi lang dumating ang magagandang Lola na sina Tita Karla at Tita Min. Maya-maya kainan na, Si Kath pinakain ang kambal.



"Oh my gosh! DJ, Bilis! Picturan mo si Francis at Mikay hawak yung kutsara!"sigaw ni Kath na parang Megaphone at nagkanda-hulog hulog naman yung iphone ni DJ mabuti na lang at bumagsak sa Carpet madali niyang kinuha ang phone niya at kinunan kaso..



"Kath wala hindi ko nakuhanan."sabi ni DJ at napa-kamot sa ulo niya.



"Bagal mo kasi.. Susubuan ko ulit sila."sabi ni Kath at ayun hinawakan ulit ni Francis at Mikay yung kutsara.



*click*



"Ayun post sa instagram."sabi ni DJ na tuwang-tuwa parang Unggoy.



"Kayong dalawa kumain nga muna kayo at ako na magpapakain sa apo ko."sabi ng mga nanay nila DJ at Kath sabay pa kaya natawa sila ng sabay rin.



"Okay."sabi ni Kath at naglakad sila sa kusina. Doon nila naabutan ang barkada at P5 na sarap na sarap sa pagkain kasama ang mga anak nila.



"Hi Megaphone, Hi Unggoy."sabay na bati nung dalawa. Iyon kasi ang nakalagay sa Cake na binili nila kanina.



"Nakakatuwa talaga ito, Paano kaya kung literal na pinakasalan ng isang Unggoy ang Megaphone ano kaya ang resulta?"matawa-tawang sabi ni Lester at ayun nabilaukan siya.



"Hahaha edi Unggoy na Mala-Megaphone ang boses."sabi ni Diego na busy sa pagpapakain sa asawa at anak.



"Ang tatanga niyo!"sigaw ni Katsumi na kakatapos lang kumain.



"Sige nga! Sa tingin niyo manganganak ba ang Megaphone? Paano aasawahin ng Unggoy ang Megaphone sige nga? at eto pa! Kung sakali man makahanap ng butas ang unggoy at nanganak ang megaphone.. Ano itsura ng anak nila? Megaphone na may buntot O Unggoy na may ulong megaphone?"sabi ni Katsumi at dumaan ang anghel.. Para sa katahimikan.



"What?"sabi ni Katsumi at sumubo ng Carbonara, Yumuko naman si Aria at parang nagdasal.



"Let's all pray for the peace cause another joke has died."sabi ni Aria sabay nag-sign of the cross. Napatigil naman si Kats sa pagkain habang ang pasta ng carbonara nasa bibig pa rin niya.



"Walang sense ang sinabi mo Katsumi."
sabi ni Yen at kumain ng Grapes na nasa basket.



"Oo nga adik mo Katsumi."sang-ayon ni JC na tuwang-tuwa sa manok na sinunog ng kuya niya kanina. Feeling niya sa wakas! Nakakain din siya ng manok na specialty ng kanyang Kuya DJ.


So specialty ba ni DJ ang pagsunog ng manok? Ganoon?



"JC."tawag ni Seth kay JC na sarap na sarap talaga sa manok na sunog.



"Hmm?"tanong ni JC habang ninanamnam ang pait at alat ng balat ng sunog na manok na gawa ni DJ.



"Wala lang nagtataka lang ako kung bakit sarap na sarap ka sa sunog na manok na iyan.."sabi ni Seth, Out of the blue. Medyo nandidiri rin siya dahil nasasarapan talaga si JC sa sunog na manok na iyon.



"May kwento kasi ito kaya gusto ko ito."sabi ni JC habang ninanamnam pa rin ang manok.



"Utot mo sige nga ano ang kwento?"tanong ni Katsumi, Natulala si JC kaya kinailangan pa ng encouraging skills ni Lester para makapag-make kwento si JC.



"Ganito kasi iyon..."panimula ni JC habang ngumunguya saka nilunok ang manok na nasa bibig niya.

____________________________

Ano ba ang kwento ni JC at DJ sa Sunog na manok? Hindi na reveal sa Book 1 ito at ngayon sa Book 2 lang ma-rereveal! XD

PS. Pawang kalokohan lang ang mangyayari sa next chapter.

~Cynthia

SLH (The Special Book)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon