(May Kabit nga ba?)
Nagising si Kath at napatingin sa Automatic Calendar sa side table. Naalala niya na ngayong araw ang 3rd Anniversary nila ni DJ. Wedding Anniversary to be exact kaya naman excited siyang bumangon. Since wala na si DJ ay makakapag-handa pa siya para sa Wedding Anniversary nila. Wait lang wag niyong isipin na patay na si DJ dahil sa salitang "wala na si DJ" Nasa office po siya.
Sina Mikay at Francis ay na sa kanilang Lola Karla nga. Hiniram ito para makapag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang Wedding Anniversary. Hinanda ni Kath ang sarili niya bago pinagplanuhan ang Dinner Date nila mamayang gabi ni DJ.
Iniisip niya baka may surprise rin si DJ kaya tinawagan niya ito.
"Sorry. The number you dial is actually busy at the moment, Please leave a message after the beep.""Hello DJ, Umuwi ka ng maaga ha? May surprise ako sa iyo. Sorry nga pala nung nakaraang araw, I love you DJ."and she immediately off the phone bago bumuntong hininga. Nagkaroon kasi sila ng away ni DJ dahil lang sa clams. Lecheng clams iyan dahil diyaan nag-away pa ang mag-asawa pero akala kasi ni DJ sa clams may allergy si Kath nakalimutan nitong sa Cram may allergy ang asawa niya kaya ayun nag-away talaga sila.
Hindi kasi usually nakapatay ang phone ni DJ kapag nasa office. Madalas kasing ma-reach out ni Kath ang asawa pero iba ngayon dahil nakapatay pa talaga ang phone nito. Naalala ni Kath ang pinanood nila, nila Julia na The Other Woman na movie.
Tungkol iyon sa mag-asawang madalas mag-away dahil nakunan ang babae at sinisisi niya ang asawa niya. Dahil sa inis ng lalaki sa asawa niya dahil parati siyang sinisisi ay minsang pumunta ang lalaki sa bar at doon niya nakilala ang Mistress nito. Simula noon hindi na nag-away ang mag-asawa dahil naghiwalay na ito dahil sa Mistress. Lol.
Naisip ni Kath ang away nila ni DJ at napaka-liit na bagay lang ang dahilan ng away nila kaya naman baka mambabae na ito. Ang babaw niya kasi baka naghanap na si DJ. Winaksi niya ang iniisip at tumungong kusina para paghandaan ang Anniversary nila ni DJ.
Kilala niya si DJ, Mahal siya nito kaya imposibleng magkaroon ito ng babae. Tinignan niya ang ref at tinignan ang laman nito at hindi kasya ang ingridients para sa Dinner Date nila ni DJ mamaya kaya naman nagpalit siya ng damit para pumunta ng Grocery.
May malapit na Supermarket sa subdivision nila na binuksan last year. Habang naglalakad siya ay naalala niya ang gabing nahalikan niya si DJ iyon yung "Habbit" kuno niya. Naglakad kasi siya sa eksaktong lugar kung saan siya nabastos at to the recue naman si DJ sa kanya. Nung time na iyon hindi siya kinikilig pero ngayong naaalala niya natutuwa siya at kinikilig.
Habang naglalakad siya papuntang Supermarket pinaplano niya ang menu nila mamayang Dinner. Prime Beef Tataki for Appetizers, Oyster Bisque for Soup, Grilled Wine-Dark Short Ribs for their Main Course at Chocolate Raspberry cheesecake para sa Dessert. Bibili rin siya ng Red Wine para mamayang gabi.
After bumili ni Kath ng ingridients para sa Menu nila mamaya (dahil hindi kailangang sabihin kung anu-ano ang binili niya) ay nagbayad na siya. Nung nasa cashier na siya napatingin siya sa Food Court kung saan may pamilyar siyang bulto ng katawan na nakita.
Mukhang si DJ iyon at may kasama itong babae. Tinignan niya itong mabuti at parang hindi rin iyon si DJ pero.. Parang si DJ talaga. Umiling na lang si Kath dahil pinaniwala niya ang sarili niyang hindi iyon magagawa ni DJ. Hindi nito magagawang mangabit. Nangako ito sa kanya hindi ba?"Tama Kath, Hindi magagawa ni DJ na mangabit. Mahal na mahal ka nun ano."sa isip-isip ni Kath habang naglalakad palabas ng Supermarket. Na hawak-hawak ang pangako ni DJ sa kanya na siya lang talaga ang mahal nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/5649504-288-k476866.jpg)
BINABASA MO ANG
SLH (The Special Book)
FanfictionNagsimula sa "hate and love" ang istorya ni Kathryn at Daniel. Ngayon ay magsisimula ang bagong aklat kung saan sila pa rin ang bida malamang! Samahan si Kathryn at Daniel sa kanilang buhay mag-asawa, As they keep their promise to Grow Old together...