(Danna and Matt)
Dedicated kay Ate Demi ang gaganda ng Stories niya lalo na yung Aroganteng Pogi laughtrip ewan ko lang sa inyo pero sa akin nakakatawa siya! Hi Ate Demi UD ka na po ulet XD________________________________
"Oh Tammy ang aga mo ata dito ah."sita ni DJ sa pamangkin. Paano niya naging pamangkin? Mag-pinsan si Kath at Julia, Asawa ni DJ si Kath kaya pamangkin niya si Tammy.
"Inaantay ko po si Mikay, Yayaain ko po sana siyang sumabay sa amin."sabi ni Tammy habang naka-upo sa sofa ng mga Padilla. Napa-iling na lang si DJ, Nagbago na talaga si Tammy.
"Naliligo na siya antayin mo na lang sila ni Francis."sabi ni DJ at uminom ng kape. Si Tammy naman napatayo.
"Ano po? S-Sabay naliligo si Francis at Mikay? Eh di ba malalaki na sila?"sabi ni Tammy at muntik ng mabuga ni DJ ang kape niya buti na lang nalunok niya agad.
"Pinagsasabi mo?"sabi ni DJ na matawa-tawa habang nakatingin sa pamangkin. Nilulumot ang utak ni Tammy. Pambihirang bata ito sa isip isip ni DJ.
"Daddy my brush is broken."sabi ni Mikay na tumatakbo papunta sa kanya habang nasa buhok niya ang brush at nasa kamay ang sirang handle.
"Oh? Ate Tammy anong ginagawa mo dito?"tanong ni Mikay kay Tammy ng mapansin niya ito, Umiling-iling na lang si Tammy sa nakita niya kay Mikay. Masyado bang matigas ang buhok nito at nabali ang brush niya? sa isip isip ni Tammy.
"Ah inaantay kayong dalawa ni Francis? Bilisan niyo ma-lalate tayo."sabi ni Tammy, Maaga siyang gumising para masundo ang kambal dadaanan kasi sila ng School Bus at lagi doon sumasabay sina Tammy at Kiko gusto ni Tammy isabay ang kambal para naman hindi sila ma-Out of Place dahil madalas silang hatid-sundo ng parents.
"Ah okay, Daddy my brush is broken."sabi ni Mikay habang winawagayway sa mukha ni DJ ang nabaling handle ng brush.
"Mikay Stop doing that! Pumunta ka sa kusina tell Mom about that."sabi ni DJ dahil kumakain siya at ginugulo ng anak. Nag-shrug na lang si Mikay sabay takbo kay Kath na nagluluto kasama si Yaya Monic.
"Mommy my brush is broken."sabi ni Mikay at winagayway ang nabaling handle ng brush kay Kath, Natawa naman si Kath sa nakita dahil nasa buhok pa ni Mikay ang brush.
"Ano na naman bang klase ng pagsusuklay ang ginawa mo anak at nasira na naman ang suklay mo?"sabi ni Kath at pilit na tinanggal ang brush sa buhok ni Mikay.
"Ginagaya ko lang po yung sa Movie yung isusuklay niya lang sa buhok niya yung brush then magkakaroon na ng magandang hairstyle."inosenteng sabi ni Mikay kay Kath at napangiti naman si Kath habang nagkukwento ang anak, Ganyan kasi siya dati at Ganito siguro ang nararamdaman ng Mommy Min niya noon habang sinusuklayan siya.
"Ayan na, Next time kung magsusuklay ka tawagin mo ko para hindi na mabali ang brush mo okay?"sabi ni Kath sabay kiss kay Mikay sa pisngi at tumango naman si Mikay.
"Ay Mommy! Sasabay po kami ni Kuya Francis kayna Tammy sa School Bus."sabi ni Mikay kay Kath at napakunot ang noo ni Kath dahil hindi naman siya kumuha ng slot ng school bus para sa kambal nila dahil mas gusto niyang ihatid sundo ang dalawa.
"Anak di ka makakasabay kayna Tammy sa School Bus walang kinuhang slot si Mommy."sabi ni Kath kay Mikay at nalungkot naman si Mikay saktong pumasok si Tammy sa kusina.
"Tita Kath wag po kayong mag-alala kakausapin ko lang po si Kuyang Driver ayos na, Close kami nun eh."sabi ni Tammy at nag-taas baba pa ng kilay niya. Natawa naman si Kath dahil ang cute ni Tammy manang-mana sa Mommy niya.
"Tara na Mikay, Ready na si Francis."sabi ni Tammy at sabay na naglakad ang dalawang bata palabas sa kusina.
"Paano naging straight and shine ang buhok mo?"tanong pa ni Tammy kay Mikay habang naglalakad sila dahil nga sa gulo-gulo ito kanina. Maya-maya pa ay tumunog ang busina ng School Bus sa tapat ng bahay ng mga Padilla, Para kay Tammy iyon. Lumabas na ang mga bata at naiwan ang mag-asawa sa bahay.
"Nga pala mamaya na raw ang uwi ni Danna at Matt."paalala ni Kath kay DJ habang inaayos ang necktie nito. Papasok na sa trabaho si DJ hindi siya pwedeng um-absent dahil may importante siyang meeting today with the Board of Directors for their new project.
"Di ako makakapunta, Kung gusto mo ikaw na lang sumama sa kanila tutal magkaibigan naman kayo ni Danna di ba?"sabi ni DJ habang nakatingin kay Kath na sobrang busy sa pag-aayos ng necktie niya. Kanina pa sila busy sa necktie dahil naghahanap sila ng tamang necktie para suot na suit ni DJ.
"Di naman kami yung close na close saka isa pa ang huli naming pag-uusap eh yung sinabi niyang sinusubukan niya lang tayong dalawa at iyon yung araw na sinunggaban mo ko."matawa-tawang sabi ni Kath habang inaalala ang araw na iyon, Bigla namang namula si DJ hindi niya alam kung bakit namula lang siya. Tinignan siya ni Kath at lalong tumawa si Kath dahil sa itsura ng asawa.
"Pero seryoso nga Kath hindi talaga ako makakasama kung gusto mo sumama ka tutal pinsan naman ni Julia si Matt di ba?"sabi ni DJ sa asawa at tumango naman si Kath.
"Sige gusto ko rin makita yung anak ni Danna at Matt, Sinabi kasi ni Julia maganda raw eh Montes na Montes ang itsura."sabi ni Kath sa asawa sabay ayos ng collar nito dahil tapos na ang necktie.
"Ayan gwapong-gwapo na si Mr. Padilla."sabi ni Kath at saka hinalikan sa labi ang asawa.
"Gwapo naman talaga ako di ba?"sabi ni DJ at nag-pout, Naglalandian este naglalambingan na naman silang dalawa. Umiling si Kath sa sinabi ng asawa niya, Nagbibiro lang siya.
"Eh ano ba itsura ko kanina?"sabi ni DJ sabay yakap sa asawa niya. Natawa naman si Kath dumidiskarte si DJ eh.
"Mukha kang taong gubat."biro ni Kath kay DJ at natawa naman si DJ saka binaon ang mukha sa leeg ng asawa.
"Mukha akong taong gubat? Talaga?"sabi ni DJ kay Kath at hinalikan na ang leeg nito, Natatawa naman si Kath dahil nakikiliti siya.
"Hindi joke lang gwapo ka talaga, Kanina pa actually matagal na!"sabi ni Kath na matawa-tawa dahil sa kinikiliti siya ni DJ.
"Sabi na eh matagal ka ng nagagwapuhan sa akin."sabi ni DJ sabay nakaw ng halik sa labi ng asawa bago kunin ang suitcase niya at naglakad palayo. Hindi alam ni Kath kung bakit bigla siyang nalungkot habang pinagmamasdan ang likod ni DJ na naglalakad palabas ng bahay nila. Natakot siguro siya dahil tulad ng dati uuwi si Danna at Matt, Kasabay noon ay baka iwan na siya ni DJ kaya hinabol niya ito at yinakap patalikod kung hindi mo na-gets Back hug po.
"Uy!"gulat na sabi ni DJ sabay hawak sa braso ni Kath na nakapulupot sa bewang niya. Nilingon niya si Kath na sobrang higpit ng yakap sa kanya.
"Uuwi ka pa di ba? Babalik ka pa."sabi ni Kath at natawa naman si DJ sa narinig niya kay Kath, Sa tono kasi ng boses nito ay nag-aalala ito. Ano bang pumasok sa isip ni Kath at kung anu-ano ang pinag-iisip niya sa isip isip ni DJ, Hinarap niya si Kath saka hinalikan sa noo.
"Bakit naman hindi ako uuwi? Una nandito ka, Pangalawa may anak pa akong aalagaan at Pangatlo bahay natin ito."sabi ni DJ habang nakangiti kay Kath, Napatingin naman si Kath kay DJ at tumulo ang luha niya agad namang pinunasan ni DJ ang luha ni Kath na tumulo.
"Wag kang mag-isip ng ano pa man, Tiwala sa isa't-isa'y kailangan."kanta ni DJ kay Kath at napatawa naman si Kath, Doon na napangiti si DJ dahil napasaya niya ang asawa niya.
"Mali pa lyrics mo."sabi ni Kath at inosente naman ang mukha ni DJ kay Kath ng sumagot ito.
"Talaga?"loko ni DJ kay Kath saka yinakap. Hinalikan pa ni DJ ang buhok ni Kath bago bumulong dito.
"Alam mo Kath, Mahal na mahal kita at hindi kita iiwan tandaan mo yan okay? Sige na papasok na ko remember magagalit sa akin si Papa kapag hindi ko agad naaayos ang bagong Project na ito."sabi ni DJ kay Kath at ngumiti naman si Kath saka hinawakan ang pisngi ng asawa niya.
"I love you DJ babalik ka ha."sabi ni Kath at bago pa makasagot si DJ ng oo habang nakangiti ay hinalikan na siya ni Kath sa labi. Unti-unting humahawak sa bewang si DJ, Enjoy siya kasi may benefit siyang nakukuha sa pag-aalala ng asawa niya.
"I love you so much Kath, Babalik ako promise yan sige na."sabi ni DJ at yinakap ng mahigpit si Kath bago pumasok sa kotse niya napakagat naman ng labi si Kath, Napa-paranoid lang siguro siya.
Pag-alis ni DJ ay may ginawa lang si Kath saglit ay pinuntahan agad siya ni Julia, Susunduin raw nila sa Airport ang mag-asawa kasama ang anak nila. Nag-ayos naman si Kath at sabay silang pumunta sa airport ni Julia, Sina Katsumi at Joyce naman ay sumabay na lang kayna Zharm at Albie magkikita na lang sila sa Airport.
"Grabe Cous! Ang ganda ng pamangkin ko Montes na Montes kamukha ko lang tapos ang nakakatuwa pa sa iyo pala pinangalan ni Danna ang anak nila ni Matt."sabi Julia kay Kath kaya naman napatingin si Kath kay Julia, Nagulat siya sa kanya pala ipinangalan..
"Kathryn din ang pangalan niya?"sabi ni Kath kay Julia umiling naman si Julia sa pinsan.
"Hindi Katerina, Yung Kateri lang yung kinuha sa iyo at yung Na naman kay Danna na."explain ni Julia kay Kath at napatango naman si Kath sa sinabi ng pinsan niya. Ganoon ba talaga ka-sorry si Danna na dumating pa sa point na ipangalan sa kanya ang anak niya? sa isip isip ni Kath. Nakarating na sila sa Airport at naabutan nila sina Zharm at Danna na nagyayakapan, Bumaba sila at agad na tumakbo si Julia sa pinsan na si Matt.
"Kath nakapunta ka."bati ni Danna kay Kath habang nakangiti, Ngumiti naman si Kath kay Danna at isang batang babae ang nakita ni Kath. Iyon siguro si Katerina na anak nila Danna at Matt.
__
Isang malutong ang tawanan na maririnig sa Van kung saan lulan sila Kath kasama ang Pamilya ni Matt. Paano ay nagkwento si Matt tungkol kay Danna, Kaya pala Katerina ang ipinangalan ni Danna sa anak ay pinaglihian nito si Kath at DJ. Buntis na pala ito nung umuwi sila ni Matt para ipaalam kay DJ ang tungkol sa kanilang dalawa, Napaglihian ni Danna si DJ nung una kaya madalas siyang sumama rito at nung huli ay kay Kath na sobrang nagandahan siya kay Kath noon kaya sa kanya niya pinaglihian.
"Ano ba Hon! Nakakahiya."sabi ni Danna habang pinapatulog ang anak na si Katerina.
"Ayos lang yun Danna nakakatuwa nga eh."sabi ni Kath kay Danna at ngumiti si Danna, Guilty pa rin siya dahil una nasaktan niya rin si Kath dahil nasaktan niya si DJ pero Past is Past okay na sila ngayon.
"Pero nabanggit mo sa akin Matt na aalis din kayo agad di ba?"sabi ni Julia kay Matt habang hinahalungkat nito ang Baggage kasama si Albie at Zharm. Naghahalungkat lang sila ng makakain alam na!
"Ay Hindi tatlong araw kami dito ni Matt iiwan namin si Katerina kayna Joyce saglit kasi nga may aasikasuhin kami sa Hongkong mga One week eh hindi namin pwede isama si Katerina kaya iiwan namin siya."explain ni Danna dahil busy si Matt sa pagtitig sa anak, Kamukhang-kamukha niya kasi ito.
"Nga pala kamusta naman kayo ni DJ?"sabi ni Danna kay Kath, Napangiti naman si Kath.
"Ayos lang may kambal kami saka every weekends hindi naman siya nawawalan ng time sa amin kahit na busy siya sa Company."sabi ni Kath kay Danna at biglang sumigaw si Zharm mula sa likod kaya napatingin sila doon.
"Anong problema Zharm?!"tarantang sabi ni Danna sa bestfriend niya.
"Huhuhu! I so love you na talaga Danna thanks sa Bag Limited Edition ito eh."sabi ni Zharm at pekeng nag-iiyak habang yakap yakap ang bag na may nakalagay pang tape na Zharm Bestie may hart hart pa sa gilid parang teenager lang saka sila nagtawanan mukha kasing ewan si Zharm.

BINABASA MO ANG
SLH (The Special Book)
FanfictionNagsimula sa "hate and love" ang istorya ni Kathryn at Daniel. Ngayon ay magsisimula ang bagong aklat kung saan sila pa rin ang bida malamang! Samahan si Kathryn at Daniel sa kanilang buhay mag-asawa, As they keep their promise to Grow Old together...