Special 35

9.7K 125 10
                                        

(Leaving)

Katatapos lang ng Mass at nasa tapat ng Convenient store malapit sa simbahan si Kath kasama si Mikay sa loob ng kotse. May binili kasi si DJ at Francis sa loob ng store.

"Mommy, I'm thirsty."malungkot na sabi ni Mikay sa Mommy niya kaya naman napatingin si Kath sa anak na nasa passanger seat.

"Ganoon ba? Sige papasok ako sa loob, Wag kang lalabas okay?"sabi ni Kath at tumango naman ang bata. Lumabas si Kath mula sa shotgun seat papasok sa loob ng Convenient store.

"Oh Kath anong ginagawa mo dito?"tanong ni DJ sa asawa na kakapasok lang.

"Nauuhaw daw si Mikay."sabi ni Kath at tinapik naman ni DJ ang balikat ni Francis.

"Nak kuha mo ng maiinom yung kambal mo."sabi ni DJ at tumango naman si Francis saka tumakbo sa beverages stall.

"May gusto ka ba? Sabihin mo na para maka-alis na tayo agad dito."sabi ni DJ bago tumingin sa paligid dahil nakatingin sa kanya yung dalawang cashier girl, ilang kabataang babae na nandoon sa loob at ilang babae na namimili.

"Wala naman, Haha bilisan niyo na lang ni Francis. Papasok na ko sa kotse."sabi ni Kath at tinalikuran ang asawa ng hinalikan muna ni DJ sa cheeks si Kath.

  

"Ingat ka palabas."sabi ni DJ at ngumiti naman si Kath ng malaki, Natatawa siya sa ilang babaeng nakatingin sa asawa niya actually may konting selos siyang nararamdaman pero alam naman niyang hindi ito papansinin ng asawa niya kaya natawa na lang siya.

Wala eh lakas ang gwapo ng asawa niya idagdag pa ang Oozing sex appeal nito. Simula Highschool masasabing habulin talaga ito kahit nung nag-college na silang dalawa. Lumabas na siya ng may aksidenteng nakabunggo sa kanya, Hindi alam kung aksidente o sinasadya ba..

  

"I am sorry Miss."sabi nito at ngumiti na lang si Kath sa lalaking nakabangga niya para masabing ayos lang bago siya pumunta sa sasakyan ng hawakan ng lalaki ang braso niya. Hala lagot ka kay DJ kapag nakita ka niya for sure manghihiram ka ng mukha sa aso.

"Hey i just met you and this is crazy, So here's my number so call me baby."malanding sabi nito kay Kath, Napa-pokerface naman ang mukha ni Kath sa lalaking kumanta nun.

"Look Mister isn't it rude to flirt with someone you just met?"english spokenning dollars na sabi Kath sa lalaking iyon.

"Well let me introduce myself my name is Julian Estrada and incase you forgot my name you can call me mine."cheesy na sabi nito, Nakatitig lang sa kanya si Kath ng seryoso na hinihintay na sasabihin nito na nagbibiro lang siya.

"Sorry Mister pero i don't have time to talk to you so please let go."sabi ni Kath sa lalaki pero hinatak lang siya ng lalaki.

  

"You look like a young maiden, Tatanda kang dalaga kung wala ako sa tabi mo."sabi pa nito kaya naman napa-role eyes si Kath at pilit na nagpupumiglas sa pagkahawak ng lalaki sa braso niya.

SLH (The Special Book)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon