Special 24

13.2K 137 15
                                    

(New Start)

Tuwang-tuwa sila DJ at Kath dahil nabigyan sila ng hustisya. Inilabas na si Lexi at Sofia at sinalubong mga reporters na sina;


YnnaDionela at MaricrisHannahDGomez ng ABCD Network, AirizRomero at Nickjustine02 ng EFGH Network, _agentblack at PatrishiaSwain ng IJKL Network, pincesschingkit at aliciage26 ng MNOP Publishing At sina angii3003 at littledomokun QRST Publishing.



"Totoo bang baliw si Miss Lexi Fernandez?"

"May mga saltik ba kayo?"

"Kaya ba sila nakaposas dahil guilty si Miss Sofia Andres at si Miss Lexi Fernandez?"

"Totoo bang ikaw ang kumidnap kay Mrs. Padilla bago siya ikasal?"

"Ano ang hatol sa inyo?"

"Totoo bang Ex-girlfriends kayo ni Mr. Padilla noon?"

"Totoo ba na kayo ang pumatay sa baby nila Mr. and Mrs. Padilla?"

"Mga naka-katol ba kayo?"

"Bakit niyo nagawa ang mga bagay na iyon?"

"Amoy ulam na ba kayo?"



Iilan lang iyan sa mga tanong ng reporters kayna Lexi at Sofia na papasakay sa Police Mobile. Habang may mga pulis na nakapalibot sa kanila. Sa kabilang dako umiiyak na pumasok ang barkada sa loob ng kwarto kung saan naiwan lamang ang dalawa.



"Kath.."naiiyak na sabi ni Julia sa pinsan niyang si Kath. Natulala ang dalawa sa nakita, Isang Box na sa unang tingin alam mo na ang nasa loob dahil may bakas ito ng tuyong dugo at masangsang din ang amoy. Napapikit si Kath kasabay ng pagtulo ng kanyang luha, Yinakap na lang ni DJ ang asawa at pati siya naluha din sa balikat ni Kath.


Si Albie kanina pa umiiyak at hindi niya mapunasan ang luha dahil hawak niya ang Box, Hindi siya napapansin ni Zharm kasi busy din ito sa pag-emote.



"Guys-Guys! Natalo ba?"sulpot nila Katsumi na kagagaling lang sa Gig.



"Halata ba? Umiiyak sila! Dude hindi natin nakuha ang hustisya!"mangiyak-ngiyak na sabi ni Lester at yinakap si Seth na todo layo sa kanya.



"Gago layuan mo ko! Walanghiya ka kadiri ka! Bakla!"nagsisigaw si Seth dahil hindi siya makawala sa yakap ni Lester.



"Fafa Seth pa-hug din huhu."umiiyak na sabi ni Katsumi at yinakap si Seth na todo hiyaw dahil hinaharass siya ng mga kaibigan. Lakas kasi ng Sex appeal kaya ayan na-haharass.



"Kuya.. Talo ba? B-Bakit kayo umiiyak guys?"sabi ni JC at kinalabit si Diego.



"Gago ka JC! Nanalo tayo."sabi ni Diego at hinatak ang asawang si Julia saka yinakap.



"Ha? Eh kung nanalo tayo bakit kayo umiiyak? Tears of Joy?"sabi ni Seth na hirap na hirap at hindi makahinga dahil sa dalawang asungot na nakapulupot sa kanya, Back and Front.



"Gago!"sigaw ni DJ sa kanila at yinakap lalo si Kath ng mahigpit at may binulong kay Kath. Kung ano? aba malay ko nasa sulok lang ako at nag-tataype kung ano ang ginagawa nila.



"Pero walang halong biro, Bakit kayo umiiyak?"sabi ni Katsumi at nagpunas ng luha, Tutulo na ang sipon niya at walang tissue kaya naman sa kulot na buhok na lang ni Seth siya sumingha. Hindi maka-agpas si Seth dahil hanggang ngayon yakap-yakap pa rin siya ni Lester at inu-uhugan ang kanyang damit.



"Si Baby Daniel kasi.."sabi ni Aria at nagpayakap kay Khalil dahil naiiyak siya sa lagay ng pamangkin niyang fetus. Binuksan ni Katsumi ang Box na hawak ni Albie at naiyak siya hindi lang sa kanyang nakita kungdi pati na rin sa amoy.


Nangingitim na ang fetus dahil sa pagkabulok, Kung nailagay lang ito sa espesyal na bote malamang maayos pa rin ang itsura nito.



"Si Junior yan?"naiiyak na sabi ni Katsumi habang tinuturo ang Fetus, Tumango naman si Albie na may hawak ng Box.



"Hindi Kats si Senior yan! Obvious naman kasi."sabi ni Kiray na yakap-yakap ni EJ.



"Edi kayo na may ka-PBB Teens! Halika nga JC tayo na lang."sabi ni Katsumi at yayakapin si JC ng tinulak siya nito.



"Layuan mo kong hinayupak ka!"nagsisigaw si JC habang hinahabol siya ni Katsumi.





=======
=======


"Condolence na lang kay Baby Daniel."sabi nila sa mag-asawang nakatingin sa isang puntod kung saan nila inilibing si Baby Daniel ng maayos.



"Mapapanatag na din ako, Sana wag na kong dalawin ng anak ninyo sa panaginip ko."sabi ni Chesca Gonzales at tumango na lang ang mag-asawa saka siya nginitan.



"Bave, Kahit wala na si Baby Daniel sure akong nandito pa rin siya di ba? Kasama natin."umiiyak na sabi ni Kath, Pinunasan ni DJ ang luha ng asawa saka siya hinalikan sa noo.



"Oo naman Kath, Nandito siya."sabi ni DJ saka yinakap ang asawa.



"Bro promise namin sa iyo, Ng Buong Parking 5 na isusunod namin sa pangalan namin ang magiging anak namin para kay Baby Daniel, Kahit ang bansot pakinggan dahil tatawagin namin ang sarili naming pangalan sa anak namin."sabi ni Katsumi at sinamaan siya ng tingin ni Kath.



"At ang sabi ko nga magandang pakinggan ang pangalan na nakasunod sa amin di ba?"sabi ni Katsumi at nagtago sa likod nila Lester, JC at Seth.



"Oo na lang."sabi ni Seth na nagtatampo pa rin kay Katsumi at Lester dahil umuwi ito sa kanila na puro sipon at basang-basa ng luha ang damit niya at iyon ang Worst Day Ever niya.



"Pero walang halong biro, Para kay Baby Daniel wag siyang mag-alala hindi lang siya ang nag-iisa. Magkakaroon din ng Baby Lester, Baby JC, Baby Seth at Baby Katsumi."sabi ni Lester sa dalawa at binatukan naman siya ng tatlo.



"Pinahaba mo pa di mo na lang sabihing Junior."sabi ni JC kay Lester, At nag-peace sign na lang si Lester kasi tama nga naman si JC.



"Pero paano kayo magkakaroon ni wala pa nga kayong mga girlfriend?"sabi ni DJ sa kanilang apat.



"Bro wag mo kaming i-smallin' kasi hindi kami small, May girlfriend kami."sabi ni Katsumi.



"Oh sino?"sabi ni DJ.



"Si Joyce yung nagsulat ng Dry Ba? Gusto mo Basain ko."sabi ni Katsumi at nag-pogi sign pa!



"Edi masaya ka! Ganyan ka na pala pre iwanan!"sabi ni JC dahil kahit silang tatlo wala pa ring girlfriend.



"Pero ang mahalaga nakuha din natin yung Hustisya."sabi ni Seth na ngayon lang nagsalita dahil hindi siya makasingit.





-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Kath's POV





Nakatingin lang ako sa labas ng room ni Lexi, May Mental Disorder pala siya noon palang bago siya maging Nurse pero minsan lang kung umatake dahil sobrang tino kasi niyang kausap.



"Kath sorry talaga di ko sinasadya."sabi ni Sofia, Kasama ko siya pero naka-posas siya at may pulis na babae sa likod namin at binabantayan siya.



"Sofia alam kong nakulong ka na, Pinagbabayaran mo na ang kasalanan mo pero hindi madali para sa akin na mapatawad kita agad. Pinatay niyo ang Baby ko at kung hindi ko lang pinagkakatiwalaan si DJ malamang pati ang relasyon namin nasira na dahil sa kabaliwan niyo ni Lexi."sabi ko kay Sofia halata sa mukha niya ang lungkot.



"So hindi mo pa talaga ako napapatawad?"sabi niya, Ngumiti lang ako sa kanya to assure her.



"Sofia hindi pa ngayon pero someday, Someday Sofia mapapatawad kita."sabi ko sa kanya at yinakap ko siya. Hindi niya ko mayayakap pabalik dahil nakaposas nga siya.



"Thank you Kath, Sige Bye."sabi niya at tumalikod na siya habang ako pinagmamasdan ko ang likod ni Sofia paalis at huling sulyap kay Lexi na nakatingin sa bintana ng kanyang kwarto.





=======
=======


Five years later..




"Bleh! Taya si Ella uhugin, pandak malaki nunal."asar ng anak kong si Francis sa anak ni Kiray na si Ella, Nahihiya naman akong tumingin kay Kiray.



"Kiray."nahihiya kong tawag sa kanya pero tinawanan niya lang ako.



"Ano ka ba naman Kath? Akala mo affected ako? Siyempre oo pero asar bata lang yan pag-laki nila titigil din yan."sabi ni Kiray sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Nasa Park kasi kami sa Subdivision namin. Binabantayan lang naming girls yung mga anak namin habang ang mga asawa namin ay nasa Trabaho.



"WAH!!!!"umiyak na si Ella napa-iling na lang kami dito habang pinagmamasdan sila.



"Oy bakit mo pinapaiyak si Ella?!"galit na sabi ng maliit na si Sofia, Anak ni Ate Yen saka ni Kuya Neil.



"Kiko! Kiko inaaway ni Francis si Ella!"tawag ni Sofia kay Kiko na nakikipaglaro kayna Tammy at kayna Jason habang si Mikay naka-upo lang sa swing sa may playground at pinagmamasdan sila habang hawak ang Barbie niya. Madalas talaga gusto ni Mikay mag-isa kesa sumali sa kanila.



"Ano? Tara sapakan na lang!"sabi ni Kiko at doon na kami umawat sa kanila, Todo layo ang ginawa ni Aria sa anak niyang si Kiko habang si Sofia naman nilalayo ni Ate Yen si Tammy hawak ang ulo niya dahil sumasakit dahil sa mga pinsan niya habang si Jason tinatawanan lang sila at Si Ella naman pinapatahan ni Kiray.



"Francis! Doon ka nga bantayan mo muna si Mikay sa may swing babalik lang ako sa bahay okay wag makikipag-away kungdi humanda ka sa Daddy niyo."sabi ko at tinanguan na lang ako ni Francis at lumapit sa kapatid niya. Maya-maya mag-aaway sila pero maya-maya din magbabati na sila. Umuwi ako sa bahay at kinuha ko lang ang phone ko na kanina pa ring ng ring.



"Hello."sagot ko sa phone ko.



"Kath alam mo bang kanina pa ako nag-aalala? Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?"nag-aalalang bungad ni DJ sa akin kaya naman natawa ako.



"DJ Relax, Naiwan ko kasi kanina. Nasa Park kami ng mga bata kasama ko sina Julia at yung girls binalikan ko lang sa bahay yung phone ko. Bakit ba?"tanong ko sa kanya.



"Miss na miss na kasi kita, Uuwi ako ng maaga walang paperworks masyado saka luto ka ng favorite kong ulam please?"sabi niya sa akin na may lambing tone at kinilig naman ako bigla kasi nai-imagine ko na nagpa-pout itong si DJ.



"Oo na magluluto ako ng Favorite mong ulam, Sige na baba ko na wag masyadong magpaka-pagod, I love you."sabi ko at narinig ko naman ang pagtawa ni DJ sa kabilang linya.



"Opo Misis, Ikaw mag-ingat ka diyaan I love you too."sabi niya at nag-intayan kami kung sino ang magbaba, In the end sabay na lang daw.



"Francis! Si Mikay?"tanong ko dito kay Francis, Paano kasi nandito siya hindi pa kasama si Mikay.



"Ha? Nandoon pa rin po sa swing kalaro yung batang lalaki."sabi ni Francis at tumingin ako sa gawi ni Mikay at may kalaro nga siyang batang lalaki, Nakatalikod kasi si Mikay kaya hindi ko alam kung ano ang nangyayari.



"Francis tara na bilis laro tayo!"aya ni Tammy at Kiko kay Francis kasama na si Sofia, Sabi sa inyo maya-maya magbabati din sila.



"Francis tawagin mo na si Mikay, Sa bahay na lang kayo mag-laro humahamog na."sabi ko sa kanila at kita ang excited sa mukha nila kasi sa bahay ba naman, Nagmadaling pumunta si Francis sa kapatid niya.


Pinagmamasdan ko sila at parang nag-uusap pa yung dalawa natutuwa naman ako kasi iba yung tingin nung batang lalaki sa anak ko at aba binigyan pa siya ng laruan pero ang kinagulat ko ay hubarin ni Mikay yung regalo ko sa kanyang kwintas nung Birthday niya at ibinigay dun sa bata.


May lumapit na batang babae at isang matanda na parang katulong ata at tinawag na yung batang lalaki habang si Mikay naman inakbayan ni Francis papunta sa akin. Pumikit pa si Mikay habang naglalakad at alam ko kung bakit pumikit si Mikay, Nag-wiwish iyan. Napa-iling na lang ako habang nakangiti. May Crush na ang anak ko.





=======
=======


"Mikay ibaba mo muna yang si Batgirl, Wag mong titigan baka matunaw sige ka."sabi ni DJ sa anak namin na si Mikay habang naka-upo sa Sofa at pinagmamasdan si Batgirl. Katatapos lang niyang maghilamos at naka-PJ's siya habang naka-upo sa Sofa. Iniwanan na naman kasi siya nila Francis at nasa Playroom sila.



"Talaga Daddy matutunaw si Batgirl? Hala."sabi ni Mikay at dahan-dahan niyang nilagay yung laruan sa may sofa habang yung mga Barbie niya pakalat-kalat lang sa sahig.



"Baby ayaw mo na ba kay Barbie? Bakit nakakalat lang sila?"sabi ko sa anak ko habang pinupulot yung mga Barbie niya sa sahig pero umiling siya.



"Ayaw ko na niyaan Mommy, Si Batgirl na lang lalaruin ko. Panget niyan eh."sabi ni Mikay at nagkatinginan naman kami ni DJ.



"Ay dalaga na si Baby ayaw na kay Barbie."sabi ni DJ at kinarga niya si Mikay na kinuha ang Batgirl niya sa sofa at hinawakan na parang ayaw bitawan.



"Dalaga? What is dalaga Daddy? kapatid ba yan ni nilaga?"sabi ni Mikay at natawa naman kami ni DJ habang karga niya si Mikay at pa-akyat kami sa kwarto ng anak namin. Gabi na kasi at sleep time na nila. Mamaya kakatukin ko sa Playroom sina Francis.



"Baby, Ang dalaga iyon yung malaki na parang Big Woman."sabi ni DJ kay Mikay.



"Big Woman? Parang si Mommy Daddy?"sabi ni Mikay at namimilog ang mata niya, Inosente pa siya.



"Oo parang si Mommy."sabi ni DJ, Napa-iling na lang ako sa kanilang mag-ama.



"Mommy tapon mo na si Barbie gusto ko bilhan mo ko Batgirl."sabi ni Mikay habang hinihiga siya ni DJ sa kama niya.



"Sige Baby bukas bibili kami Batgirl naman di ba?"tuwang-tuwa si DJ, Napa-role eyes na lang ako. Tuwing bibili kasi sa Barbie Store iyan gustong-gusto na umuwi nagmumukha daw kasi siyang bakla pero ngayon interasado si Mikay sa Batman Stuffs na parang siya ayan tuwang-tuwa.



"Yehey! Thank you Mommy, Thank you Daddy. I love you, Goodnight po."sabi ni Mikay at kinumutan ko siya habang si DJ hinahalikan siya sa noo, Ako naman after ko siyang kumutan hinalikan ko din siya sa noo.



"We love you too baby."sabi ni DJ at lumabas na kami sa kwarto ni Mikay. Paglabas namin parang nanalo sa Lotto ang mukha ni DJ.



"Sa wakas hindi na rin ako pupunta sa Barbie Store."sabi ni DJ habang naglalakad kami papunta sa Playroom madadaanan kasi namin iyon papunta sa Master Bedroom kung saan ang kwarto namin ni DJ.



"Francis anak, Tama na yan bukas naman gabi na matulog na kayo."sabi ko pagkabukas ko sa Playroom.



"Aww."sabay-sabay na sabi nilang tatlo at lumabas na sina Francis, Tammy, Kiko, Jason, Sofia at Ella sa Playroom.



"Tammy, Sofia and Ella doon kayo sa Room ni Mikay matulog saka Kiko and Jayson doon kayo kay Francis."sabi ko sa kanila at nagsi-tanguan naman sila habang pinagmamasdan namin ni DJ ang likod nila ng makapasok na sila sa kanya-kanyang kwarto nila kami ni DJ naglakad na papunta sa Master's Bedroom.



"Sunday Bukas."sabi ko kay DJ at hinawakan niya ang kamay ko.



"Alam ko, Magsisimba muna tayo kasama ang Barkada tapos diretso sa Bahay namin alam mo naman si mama gustong nakikita ang apo niya every sunday."sabi ni DJ at pumasok na kami sa kwarto namin. Simula kasi ng pumasok sa school ang kambal hindi na sila nakikita nila Mama Karla at Mommy kaya as much as possible every Sunday pumupunta kami kayna Mommy or kayna Mama Karla kung saan napili nilang dalawa ang lugar. Humiga na ko sa kama at ganoon din si DJ ng may naalala ako.



"Ay DJ may naalala ako, Kanina sa Park."sabi ko at tumagilid ako para maka-usap ko si DJ ng maayos tapos ganoon din siya.



"Ano yun Kath?"tanong niya sa akin at yinakap ako.



"Kanina sa Park may na-meet na batang lalaki si Mikay, Iyon yung nagbigay sa kanya nung Batgirl Figure."sabi ko kay DJ na hinahalikan na ko sa may leeg ko. Pa-simple kung dumamoves eh pero hayaan mo muna nag-kukwento ako.



"Oh tapos?"sabi niya habang nakabaon na sa leeg ko ang mukha niya.



"Di mo ba gets? Ang bata pa ni Mikay para magkaroon ng Crush, She's just 7 years old DJ pero nakakatuwa lang sila tignan saka kung nakita mo yung mga mat-aray ha!"sigaw ko kay DJ at pinalo ko siya sa balikat. Nangangagat na naman.



"Sorry."sabi niya at nagulat ako kasi nasa ibabaw ko na pala siya. Ang bilis niya lang huh.



"DJ please not now, May mga bata sa labas."sabi ko pero di nagpatinag ang loko.



"DJ please?"paki-usap ko sa kanya at tinignan niya lang ako.



"Kath five years na ang nakalipas, Takot ka pa rin ba na magka-anak pa tayo ng pangatlo i mean pangapat pala."sabi ni DJ, Hindi naman sa natatakot kaso..



"DJ kasi.."sabi ko at napakagat ng labi ko saka ko siya tinignan.



"Kath don't do that na-tetempt ako lalo."sabi ni DJ na nasa ibabaw ko pa rin.



"Eh kasi naman DJ ano kasi.."sabi ko at feeling ko nakakahiya talaga kahit na ilang taon na kaming nagsasama.



"Ano nga Kath? Teka hulaan ko. Ovulation mo ngayon ano?"sabi niya kaya naman napatango ako at feeling ko namumula na ako dahil sa hiya.



"Kath naman nahihiya ka pa! Wag mong pigilan Kath."sabi niya na matawa-tawa kaya naman medyo nag-aalangan ako. Actually gusto ko kaso pinipigilan ko baka kasi mabuntis ako at ayoko muna siguro kapag ilang taon na sila Mikay at Francis.



"Promise Kath hindi ko ipuputok sa loob mo kaya don't worry."sabi niya kaya naman napa-tango na lang ako and he start to kiss me.



"Kath Normal lang na magkaroon ng Crush si Mikay at her young age kaya wag kang mag-alala."sabi niya between our kisses.



"I know nag-aalala lang ako."sabi ko and he just smiled at me.



"Nothing to worry hindi naman mag-aasawa agad si Mikay."sabi niya and he take off my clothes, so he is and then our Love started.



"Alam ko di ko lang maiwasang mag-alala."sabi ko sa kanya and a moan escape from my lips.



"Stop worrying Kath, Go with the flow."bulong ni DJ sa tenga ko na lalong nag-painit sa atmosphere namin and our body move in sync.

_______________________________

Ano say niyo sa Chapter na ito? Pasensya na guys ha madalang ang Update pero medyo mahaba naman eh and Young Mikay with Kath and DJ at the side si Bianca Bentulan aka young Chichay of Got to Believe =)

Let's forget the past and make new memories guys! Mula sa Chapter na ito matutunghayan natin ang journey ni Kath at DJ habang pinapalaki ang kambal nila! Sino excited? Comment dali!! ^-^

~Cynthia

SLH (The Special Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon