Special 13.1

13.7K 143 5
                                    

(Fan Date) Part I

Pahinga muna tayo sa mag-asawa dahil kailangan nilang magpahinga.. May Fan Date ang P5 Special Service nila ito sa mga Fans nila. P4 lang pala dahil wala si DJ, Lulan sila ng Van na papunta sa Place kung saan magaganap ang Fan Service.

"Okay since wala si DJ, Si Mycko ang papalit sa kanya."sabi ng Manager nila habang hawak nito ang papel kung saan nakalagay ang schedule nila for the week.

"Malapit na tayo kaya makikilala niyo ang Lucky Parker na makaka-date niyo."excited na sabi pa nito sa kanila.. Napa-yes naman ang apat dahil gaya nga ng sinabi ni Kath baka dito nila mahanap ang kanilang One True Love. Pero dahil sa may likas na negative sa kanilang apat..

"Baka San Marino ang mahananap natin."sabi naman ni JC kaya nabatukan siya ng tatlo na ayaw mawalan ng pag-asa na mahahanap nila ang soulmates nila kahit na sa Parker iyon matagpuan.

"Pwede ba tumigil muna kayong apat."sabi ni Mycko at pinukol sila ng Drumstick. Si Mycko ang assign sa Drums kapag wala si Lester pero dahil si DJ ang wala si Lester ang magiging Bassist, All around kumbaga.

"Nandito na tayo."sabi ng Manager nila at excited na bumaba ang P5 (nandyan si Mycko).

"Whooo! Katsumi my loves!"

"JC be mine!"

"Lester iyo na panty ko!"

"Seth bibigyan kita ng isang box ng lingeries ko!"

"Mycko I LOVE YOU!!"


"Kahit na wala si DJ mahal ko pa rin ang P5!!!"sabay na sigaw ng dalawa babae at nagkatinginan silang dalawa.


Kumaway ang Parking 5 sa kanilang Fans at tumuloy na sa loob ng Venue habang sigaw ng sigaw ang mga Solid Parkers.

"Hello po, Ako nga pala si Gabby."pakilala ng isang babae sa kanilang lima, Hinawakan naman agad ni JC ang kamay niya.

"Ikaw ba yung nanalong Fan sa Fan Date?"tanong ni JC at natulala sa ganda ni Gabby. Agad na tinanggal ni Gabby ang kamay niya at sinampal si JC.

"Kahit sikat ang Parking 5.. Hindi ako Fan! Manager ako ng Restaurant na ito!"sabi ni Gabby na may pinaglalaban saka nag-walk out. Napansin ni Katsumi ang namumulang si Gabby pero di niya na lang pinansin at tinawanan ang kaibigan na nasampal.

"Bwahaha ano nga ulit? "Ikaw ba yung nanalong Fan sa Fan Date?" Shetness JC kabaliwan mo ano?"sabi ni Kats na tumatawa habang hawak ang tiyan at ginagaya pa ang tono ni JC kanina.

"Kayo ang Guest dito sa Restaurant?"tanong ng isang babae sa kanila na medyo may pagka-mataray. Si Seth ang sumagot since busy si Kats na tawanan si JC at si Lester naman busy sa pangungulit kay Mycko.

"Parking 5 pero wala yung pinaka-Bassist namin."sagot ni Seth sa nagtanong na babae habang nakatingin siya dito.

"Annika, The General Manager in this Restaurant and i can guess that this Fella is JC Padilla."sabi ni Annika na parang kilala si JC saka ito tinaasan ng kilay.

"Fan ka ba?"tanong ni Lester, Nag-smirk naman si Annika saka umirap bago siya sumagot.

"No i'm not."sabi nito at inabot sa kanila ang passes saka umalis na si Annika. Napa-iling na lang si Seth kay Annika habang pinagmamasdan ang likod nito habang lumalayo.

"Sunget."sabi ni Lester at umupo sa sulok, Binato na kasi siya ni Mycko ng drumstick kaya nanahimik na siya sa pangungulit dito. Na-pangalumbaba naman si Mycko naramdaman niya ang pagka-Loneliness.

"Sensya na fre.. Forever Alone tayo."sabi ni Lester na tinapik ang balikat ni Mycko at nag-iyak ang dalawa.

"Mag-ayos na kayo! Papapasukin ko na yung limang Fan na swerteng makaka-Date ng Parking 5."sabi ng Manager at nag-ayos na ang Lima saka pumasok ang limang babae.

"JC myloves!"sigaw ng babae at lumapit kay JC at yinakap ng mahigpit si JC.

"Hello."sabi ni JC at yinakap din ang Fan, Hindi alam ni JC may nasasaktan sa gilid sa ginagawa niya.

"Seth babes!"sigaw din ng babae at yinakap naman si Seth saka hinarass.

"My Ghad!! Manager Tulong!"sigaw ni Seth na pilit na pinalapayo ang ka-date niyang Fan.

"Hey! Ikaw yung copycat."sabay na sabi ng babae ng makapasok sila.

"Hindi Ikaw!"at nag-away ang dalawa kaso pumagitna si Lester at Mycko.

"Sino si Chenin?"sabi ni Lester at nagsparkle naman ang mata nung isa.

"Ako si Chenin, Chenin ang soon to be Giri."sabi niya at natawa naman si Lester dahil sobrang obsessed sa kanya si Chenin (@KathNielLover).

"And you must be Alexandria?"sabi ni Mycko, Nag-nod naman si Alexandria (@KathNielLove143).

"Pasensya na at wala si DJ, Buntis kasi ulit si Kath."sabi ni Mycko tapos nagtatalon naman si Alexandria, Dapat kasi si DJ ang ka-date niya.

"Okay lang basta okay si Kath at DJ."sabi ni Alexandria at naglakad na sila ni Mycko sa Designated Table nila.

"Uhm.. You must be Katsumi singkit?"sabi ng isang babae na maputi at black straight hair medyo singkit din ang mata nito tulad ng kay Katsumi.

"Ikaw si Daeni?"sabi ni Katsumi at binasa ang passes na inabot sa kanya ni Annika. Eto pala ang Raffle Ticket ni Daeni.

"Uhm.. Sister niya ko. Daezen."sabi nito at napatango naman si Katsumi. "Ang ganda ni Daezen."sa isip-isip ni Katsumi.

"Uhm na saan si Daeni?"tanong ni Katsumi na inayos pa ang kanyang salamin at lumingon dahil na-aw-awkwardan siya.

"Patay na si Daeni.."sabi ni Daezen at napayuko.

"Sorry to hear that."sabi ni Katsumi at inabutan si Daezen ng yogurt na may straw na para mainom agad ni Daezen.

"Kailan pa?"tanong ni Katsumi, Na-touch kasi siya at first time niyang na-encounter ang ganito sa tanang buhay niyang puro kalokohan.

"Kanina lang ang libing niya, Mga Two days ago."sabi ni Daezen at may pumatak na luha sa mata ni Daezen. Napanganga naman si Kats sa narinig niya kay Daezen.

"Two days ago? Nung na-postponed ang Fan Date.."sabi ni Katsumi at tumango si Daezen.

"May Leukemia si Daeni.. She's a very big fan of yours."masayang kwento ni Daezen kay Kats, Napatango naman si Kats at ngumiti ng malungkot dahil sa nalaman niya. Nasasayangan siya sa nangyari..

SLH (The Special Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon