Special 28

10.7K 138 6
                                        

(Death Anniversary)

"Go to the Car may aasikasuhin lang si Mommy okay?"sabi ni Kath kay Mikay at napatango naman si Mikay bago pumunta sa sasakyan, Death Anniversary ni Baby Daniel pupunta muna sila sa Sementeryo bago pumunta sa bahay nila Tita Karla para magsama-sama sila sa araw na ito. Ang Barkada pati na rin ang Bandang Parking 5 with Family and Bulinggits.


After ayusin ni Kath ang regalo niya kay Baby Daniel ay lumabas na rin siya. Naisip kasi ni Kath lumabas sa kanya si Baby Daniel sa mismong araw na nalaglag ito kaya para sa kanya, Birthday din ito ni Baby Daniel.



"Tara na."nakangiting sabi ni Kath sa asawang si DJ at nagdrive na ito papunta sa sementeryo. Tahimik lang sila sa sasakyan, May sarili nilang problema. Si Kath nalulungkot pa rin dahil kay Baby Daniel, Si DJ pinproblema si Kath na nalulungkot gusto niya itong pasiyahin, Si Francis excited ng makita sina Tammy para maglaro sila at si Mikay naman pinoproblema kung anong gagawin niya doon kung tutunganga ba siya dahil hindi naman siya pinapansin nila Tammy.


Hanggang sa makarating sila sa Sementeryo sobrang tahimik nila. Naglakad lang sila ng konti at nasa puntod na sila ni Baby Daniel. Umupo si Kath at naglagay ng bulaklak sa lapida ng anak. Walang nagsasalita sa kanilang apat na nandoon. Nakatingin lang sila sa lapida ni Baby Daniel.


Nabasag ang katahimikan ng tumunog ang phone ni DJ, Tumatawag si Tita Min at pinapapunta na sila sa bahay ng mga Padilla. Umalis ang mag-anak sa sementeryo at tahimik pa rin sila hanggang sa makarating sila sa Bahay nila Tita Karla.



"Francis Tara laro na tayo!"sigaw nila Kiko ng dumating ang mag-anak sa bahay ng kanilang Lola. Si Mikay naman nakahawak sa kamay ni Kath at nakatingin lang sa mga bata na nandoon.



"Mikay Baby, Why don't you join them?"sabi ni Kath habang nakatingin sa anak na babae, Tiningala lang siya ni Mikay at napayuko sabay iling. Feeling niya hindi siya welcome sa Family niya at Feeling niya outcasted siya. Napailing na lang si Kath at kinarga ang anak.



"Kung ayaw ka nilang kasama why don't you join your other cousins?"sabi ni Kath kay Mikay na nag-twinkle ang mata. Dun niya lang nalaman na may iba pa pala siyang pinsan.



"Talaga Mommy may iba pa akong pinsan?"sabi ni Mikay na natuwa tumango naman si Kath habang nakangiti sa anak niya. Pumasok naman sila sa loob at nandoon ang apat na lalaki na nagtatawanan.



"Isa sa kanilang apat eh pinsan mo, Anak ng Tito JC mo."sabi ni Kath kay Mikay habang tinuturo yung apat na lalaki na nagtatawanan at masayang-masaya.



"Talaga may anak po si Tito JC?"natutuwang sabi ni Mikay at tumango naman si Kath, Binaba niya si Mikay saka siya umupo at hinarap.



"Oo at isa sa kanila, Kapangalan niya si Tito JC mo."sabi ni Kath at nakunot ang noo ni Mikay at napapalakpak pa.



"Parang si Baby Daniel?"sabi ni Mikay at tumango si Kath saka yinakap ang anak niya.



"Sige na Baby lapitan mo na sila."sabi ni Kath at huminga muna si Mikay ng malalim bago lumapit sa apat na lalaking tawa ng tawa. Si Kath naman pinanood muna si Mikay bago pumunta sa kusina kung saan nandoon ang Barkada at ang Parking 5 (kasama ang kanyang asawa.)



"Haha kawawa naman sina Seth at Lester! na-hold up!"sigaw ni Katsumi kaya nabatukan ng asawang si Joyce. Ayun napatahimik siya.



"Kawawa nga si Seth babes ko eh umuwi ng nakasuot ng Karton."sabi ni Anikka at yinakap pa si Seth. Si Seth na kaninang nakabusangot biglang ngumiti ng malaki na halos mapunit na ang kanyang labi.



"Oh ikaw Lester ano comment ng anak mo sa iyo?"tanong ni DJ kay Lester na busy sa pagkain niya ng ice cream.



"Comment ni Junior? Wala tinawanan lang ako."sabi ni Lester at kain lang ng kain. Walang asawa si Lester kaya walang nanlalambing sa kanya pero kung itatanong niyo kung paano nagkaroon ng anak si Lester.. Nanganak siya mag-isa.



"Haha kawawa naman ang buhay mo Lester."sabi ni Katsumi at nabatukan na naman si Katsumi ng asawang si Joyce.



"Kapag hindi ka tumigil kakaasar kay Lester matutulog ka sa labas ng kwarto."matapang na sabi ni Joyce, Tumahimik naman sa isang tabi si Katsumi. Ayaw matulog sa labas tinignan ng Barkada si Lester.



"Lester Bro, Kamusta naman yung nanay ng anak mo?"tanong ni Khalil kay Lester napatigil sa pagkain si Lester ng Ice Cream.



"Kung alam ko edi sana hindi ako naghahanap di ba?"sabi ni Lester sabay kain ulit ng Ice Cream. Doon niya binunton ang galit sa Ice Cream hindi naman niya sinasadyang mabuntis yung babae pero gusto niyang magalit dahil iniwan sa kanya ang bata at nawala ng parang bula.



"Alam mo Lester ang Ice Cream kinakain hindi nilalamutak."sabi ni Kath at kinuha ang Ice Cream sa kamay ni Lester. Umupo na lang si Lester sa sulok, Sobrang hirap ng pinagdaraanan ng tao kaya nahihirapan siyang maging masaya pero pinipilit niya para sa anak niya.



"Alam mo pare kung ayaw niya magpakita wag mo ng hanapin, Wag kang makipaglaro ng Hide and Seek sa isang taong ayaw talagang magpakita."sabi ni DJ kay Lester at tumango na lang si Lester at tinignan ang totoy niya na nakikipagtawanan kasama ang anak ng banda niya medyo nagtaka siya dahil nandoon si Mikay.



"Ano trip ng anak mo DJ? Bakit sumama sa mga loko?"sabi ni Lester kay DJ sabay turo sa limang bata na parang nag-uusap.



"Ayaw mo nun? Malay mo si Mikay pala ang bumuo sa Parking 5 Haha."natatawang sabi ni DJ at siniko naman ni Kath si DJ. Ayaw niyang maging tomboy si Mikay.



"Guys! Tumawag si Matt sa akin uuwi raw sila ni Danna sa makalawa."sabi ni Julia at nanigas naman si Kath.. Alam niyang okay na sila ni Danna pero di niya pa rin maiwasan magselos dahil involve si DJ doon.



"Ay oo nakalimutan ko nakausap ko nga si Danna."sabi ni Joyce nagkatinginan ang barkada at iikot ang kamera, Mapupunta sa limang batang nag-uusap.



"Tanga pinsan mo yan JC!"sabi ni Katsumi junior kay JC the junior at binatukan siya. Tumingin ang apat na lalaki kay Mikay.



"Ay ganun? Akala ko chix."sabi ni JC the junior sa kanyang pinsan na si Mikay at napakamot pa ng ulo napatingin naman sa kanila si Mikay.



"What's chix?"sabi ni Mikay at nagtulakan naman ang apat na lalaki.



"Uy nag-english! Ano raw ang sabi?"sabi ni Lester junior sa kanila tapos pinagbabatukan sila ni Seth.



"Tanga ang sabi ano raw ang chix."sabi ni Seth at nagpalakpakan naman ang tatlong ugok kay kay Seth.



"Yay galing naman! Oh spell ambulance."sabi ni Katsumi kay Seth at sumama naman ang mukha ni Seth.



"Edi A..M..B..."di na natapos ni Seth ang pagspelling dahil nagsasalita si JC.



"Bilis ang bagal!"sigaw ni JC kay Seth at tumayo naman ng tuwid si Seth at..



"Wee Woo Wee Woo hala kayo! Tabi!"sabi ni Seth at nagtawanan ang apat na lalaki, OP si Mikay di niya na-gets ang joke ng apat.



"Matanong lang bakit ka ba nasama sa aming apat?"tanong ni Katsumi kay Mikay at inakbayan kaya lang tinanggal ni JC.



"Pinsan ko!"sabi ni JC, Protective raw siya pero nung una siya pa ang todo damoves. Incest? Di niya naman raw alam kaya sorry.



"Eto naman friendly lang eh."sabi ni Katsumi tapos nagtawanan naman si Lester at JC.



"Oh talaga friendly daw oh? Edi ba manyak ka?"sabi ni Lester at nag-apir sila ni JC habang si Seth tawa ng tawa. Si Mikay Clueless..



"Uhm.. What's manyak?"tanong ni Mikay sabi sa inyo eh clueless siya. Nagkatinginan naman ang apat na lalaki at nag-kamot ng ulo.



"Ah.. Ano wala naman wag mo ng alamin pero bakit ka nga ba nasama sa amin? Bakit hindi ka sumama sa kanila na naghahabulan?"sabi ni Seth kay Mikay habangt tinuturo sila Tammy na ang saya-saya habang nagtatakbuhan. Napayuko naman si Mikay sabay tingin sa mga bata na nagtatakbuhan.



"Hulaan ko! Ayaw ka nila isali ano?"sabi ni Lester kay Mikay at tumango naman ang kawawang bata.



"Ah.. Ano bang gagawin natin?"sabi ni Seth at nagkatinginan ang tatlong itlog saka sila nagkumpol. Ayaw nilang isali si Seth dahil ang KJ ng batang ito hindi siya nagmana sa ama niya kaya ayaw siyang isali ng tatlong itlog.



"Wala naman tayong magagawa kung ayaw nila eh."sabi ni Mikay at bumuntong hininga, Inakbayan ni Seth si Mikay at nginitian.



"Wag ka ng malungkot kung ayaw nila edi wag pilitin sak- Oy! Anong pinaguusapan niyo diyaan?"sita ni Seth sa tatlong itlog na nagkukumpol, Umangat naman ang ulo ni Katsumi at tinaasan siya ng kilay.



"Hindi mo na kailangan alamin ang pag-uusapan namin dahil you are nothing but the second rate trying hard copy dog!"sabi ni Katsumi at umiling na lang ang batang si Seth habang si Lester naman pilit na pinapayuko si Katsumi para pagplanuhan ang kanilang kalokohan, Actually kagabi pa sila nagpaplano ng kanilang kalokohan at ngayon alam na nila kung sino ang target nila para matulungan si Mikay.



"Mikay alam na namin kung paano ka nila makakasama."sabi ni Lester at nagningning naman ang mata ni Mikay.



"T-talaga?"sabi ni Mikay at tumango naman si JC dahil masaya ang pinsan niya.



"Oo naman kaya magtiwala ka lang sa aming tatlo kaming bahala sa iyo."sabi naman ni Katsumi at napa-iling si Seth, Masama ang kutob niya pakiramdam niya may gagawing kalokohan ang tatlong itlog.



"Puntahan mo na sila roon tignan mo isasali ka na nila sa habulan."sabi ni Lester at pinagtulakan si Mikay papunta sa Garden kung saan nagtatakbuhan sila Francis habang nasa likod naman ni Mikay ang tatlong itlog, Si Seth naman ay naiwan sa kanyang pwesto at pinagmamasdan lang sila.



"Sige na itanong mo na kaming bahala."nakangiting sabi ni JC, Alam nilang tatlo na pwede silang pagalitan ng parents nila sa gagawin nila pero kung kapalit naman noon ay ang kasiyahan ng isang tao ayos lang sa kanila. Kahit naman na maloloko sila marunong silang makiramdam at magparaya dahil kung pagagalitan sila saglit lang pero yung kasiyahan ng isang taong matutulungan nila pwedeng pang-habangbuhay.


Tumango naman si Mikay na naniniwala sa tatlo na isasali siya nila Tammy, Yung akala niyang nag-magic ang tatlo kaya  kapag nakasali siya magpapasalamat siya sa tatlo. Habang lumalapit si Mikay sa mga naghahabulan ay pumwesto na sa kanilang pwesto ang tatlo para sa kanilang plano.



"P-Pwedeng sumali?"sabi ni Mikay, Napatigil sa pagtakbo ang mga batang nagtatakbuhan. Magsasalita sana si Francis pero nauna si Tammy.



"Hindi pwede doon ka na nga!"sabi ni Tammy at tinulak si Mikay, Nagkatinginan ang tatlo na nasa gilid ni Tammy. Hindi nila napansin na nandoon ang tatlong itlog at tinulak ng tatlo si Tammy sa may pool.



"Haha bleh!!"sabi ng tatlo kay Tammy at nanlaki naman ang mata ni Mikay dahil tinulak ng tatlo si Tammy, Di naman niya alam na itutulak pala ng tatlo si Tammy dahil sa taranta ni Mikay ay tumalon na lang siya bigla sa malalim na pool.



"T-Tammy!"sigaw ni Mikay at yung mga bata nataranta sa sobrang taranta nila ay tumakbo sila sa loob para ipaalam sa parents nila ang nangyari habang ang tatlo naman nag-apir kaya lang dahil sa epal si Seth at binatukan niya ang tatlo.



"Lagot kayo."sabi ni Seth sa tatlong bata at ngumiti ang tatlo dahil alam nilang mangyayari iyon. Meanwhile.. Si Tammy naman ay pilit na kumakapit sa lumulubog na si Mikay.



"A-Ate Tammy."sabi ni Mikay kay Tammy na nakakapit sa kanya feeling niya mawawalan na siya ng hangin at nakakalunok na siya ng mga tubig. Nag-black na ang paligid ni Mikay hinawakan siya ni Tammy akala ni Tammy katapusan na nila ng may tumalon na lalaki at sinagip silang dalawa.


Ubo ng ubo si Tammy habang nakatingin sa walang malay na si Mikay, Naiinis siya sa ginawa ng pinsan niya pero at the same time na-touch siya dahil kahit na inaaway-away siya nito ay nagawa pa rin siyang iligtas kahit alam niyang malulunod silang dalawa.



"Mikay!"sigaw ni DJ at pinump ang dibdib ng anak, Siya pala ang nagligtas sa dalawang bata. Tarantang-taranta si Kath habang nakatingin sa anak ng maya-maya ay umubo na si Mikay ng tubig dagli naman siyang binuhat ni DJ papasok sa loob at sumunod naman ang ilang bata kasama si Tammy.



"Junior!!"sigaw ng magulang ng apat na bata at tinuro ni Seth ang tatlong itlog na tumulak kay Tammy.



"Junior bakit mo tinulak si Tammy?"asar na sabi ni Lester sa anak at ngumiti lang si Lester hindi niya pwede sabihin sa tatay niya ang Top Secret nilang tatlo. Basta ang alam nilang tatlo kapag nakagawa sila ng kasalanan walang maghuhugas ng kamay.



"Papa sasabihin ko lang sa iyo kung bakit namin tinulak si Tammy kapag hindi mo na ko tinawag na Junior."sabi ni Lester at isang pingot sa tenga ang natanggap niya. Iikot ang kamera at tutok sa Kabe Family.



"Naku Junior! Manang-mana ka talaga sa pagmamanahan mo."nanggagalaiting sabi ni Joyce habang hawak ang sentido niya. Nabubwisit siya sa mag-ama niya dahil parehas itong pasaway. Iikot ulit ang kamera at tutok naman sa Gothico.



"Oh ikaw wag mong sabihin kasali ka dito?"sabi ni Seth sa anak at nag-shrug lang ang bata. Kahit naman kasalanan ng tatlo wala siyang magagawa kungdi sumali dahil loyal siya sa tatlo sila lang ang kaibigan niya.



"Hay naku!"sabi ni Anikka at binuhat si Seth the junior. Habang pinapagalitan ang tatlong itlog nasa loob naman si JC at pinagagalitan ng kanyang papa at mama. Alam niya naman na hindi sila maglalaglagan dahil pare-parehas silang may kasalanan kaya ayos lang sa kanya, Saglit lang naman sila pagagalitan.




=======
=======


"Ano bang pumasok sa kokote niyong apat at naitulak niyo si Tammy?"sabi ni Karla sa apo at mga itinuring na apo.



"Trip lang po."sabay na sabi ng tatlo si Seth naman naka-upo lang at ini-sway ang paa niya.



"Hay naku manang-mana talaga kayo sa mga magulang niyo."sabi ni Karla sa apat na bata at napatingin sila kay Mikay na yakap-yakap ni Kath habang nakabalot sa kumot. Natakot si Kath na baka pati si Mikay mawala rin sa kanya kaya masyado siyang protective ngayong araw kay Mikay.



"Baby alam mo naman na hindi ka marunong lumangoy pero bakit ka tumalon sa pool?"sabi ni Kath kay Mikay sabay halik sa temple ni Mikay. Napasinghot naman si Mikay ng sipon, Nagkasipon si Mikay. Hindi nakasagot ang bata, Dumating si Tammy na nakabalot rin ng kumot habang masama ang tingin kay Mikay.



"Tammy."saway ni Julia sa anak dahil napansin niya ang tingin ni Tammy kay Mikay. Huminga ng malalim si Tammy at masama pa rin ang tingin kay Mikay, Napayuko naman si Mikay.



"Tanga ka ba? Bakit ka tumalon hindi ka naman pala marunong lumangoy paano kung nauna akong nalunod edi parehas tayong namatay."sabi ni Tammy kay Mikay. Napa-angat naman ang ulo ni Mikay at tinignan si Tammy habang si Julia at Kath nakatingin sa dalawang bata.



"S-sorry."sabi ni Mikay sabay yuko ulit. Nag-cross arms naman si Tammy kahit na nakabalot siya ng kumot.



"Dapat lang mag-sorry ka dahil mali ang ginawa mo, Alam kong gusto mo kong ilagtas pero dapat tinawag mo na lang ang matatanda hindi yung nagpapakabayani ka paano kung natuluyan kang mamatay dahil sa pagkalunod? Edi magi-guilty ako buong buhay ko ang sama mo."sabi ni Tammy kay Mikay at napa-angat naman si Mikay ng ulo niya ulit. Napangiti siya dahil kahit na ang harsh magsalita ni Tammy ay ramdam niya ang concern nito.



"Wag mo ng gagawin sa susunod iyon ha kapag ginawa mo yan hinding-hindi na talaga kita papansinin."sabi ni Tammy at yinakap ang pinsan niya. Napangiti naman si Kath at Julia sa nakikita nilang dalawa habang si Mikay sobrang saya niya yinakap niya rin ang pinsang si Tammy.


Napatingin si Mikay sa apat na lalaki na nakangiti lang habang pinagmamasdan silang dalawa, Ngayon na-gets niya na ang ibig sabihin ng tatlo..

SLH (The Special Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon