Special 13.2

12.5K 131 4
                                    

(Fan Date) Part II

=========
JC's Date
=========


"So Fan ka na pala namin simula nung nag-uumpisa kami na pa-Gigs-Gigs lang?"tanong ko sa kanya tapos tumango-tango siya, Iyon kasi yung sinabi niya sa akin kanina at sinugrado ko lang kung tama ang pagkakarinig ko.

"Yes na Yes! Way back in States palang hanggang sa umuwi kayo dito grabe! Fan na fan niyo na ko bago pa kayo sumikat."excited na kwento niya sa akin at pinat ko naman yung ulo niya dahil natutuwa ako sa kanya.

"Naku JC! Pasensya ka na na kung ang daldal ko, Nakak-overwhelmed lang kasi na sa dami naming Parkers ako yung napiling maka-date mo sheeeet! This is Heaven!"sabi niya sa akin at parang mangisay-ngisay pa siya sa kilig sa kinauupuan niya kaya nginitian ko na lang siya.

"Wala iyon."sabi ko sa kanya at bigla akong may naalala..

=======
=======


"Ang panget naman ng Lyrics mo."sabi sa akin ng isang babae na hindi ko naman kilala. Ang babaeng ito ay may malaking glasses at may braces sa ngipin.

"Sino ka?"tanong ko sa kanya, Umupo naman siya sa tapat ko habang ako naman nagbre-brainstorm habang gumagawa ng Lyrics para sa Debut song namin ng Parking 5. Natalo kasi ako sa pustahan namin nila kuya at ang matatalo siya ang gagawa ng debut song.


Payag naman ako saka kaya ko naman kaya lang.. May kulang eh..

"Gab.. Tulungan kita diyaan gusto mo?"alok  niya sa akin at kinuha yung papel na nasa harapan ko ng walang paalam.

"In Every Ending There is a New Beginning? Tss anong klase title ng kanta ito ang haba naman."sabi niya sa akin at cinrumple yung papel ko saka itinapon kaya nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"Hoy! Bakit mo tinapon?!"sigaw ko at kinuha ko yung papel saka ko siya tinulak.

"Aray! Ikaw na nga tutulungan eh. Wala ka man lang ka-passion-passion sa pagsusulat ng lyrics hindi ko maramdaman yung puso mo sa Lyrics saka ang haba ng title masyado."sabi niya kaya naman napatitig ako sa kanya na para bang gusto kong umangil pero hindi ko kaya kasi totoo naman ang sinasabi niya.


"Sige nga tulungan mo ko."sabi ko kaya tumabi naman siya sa akin napansin kong namula yung ilong niya baka may sipon lang siya kaya hindi ko na lang pinansin.

"Uhm.. Yung title.."sabi niya na hindi makatingin sa akin pero napansin kong sumulyap siya saglit at ibinalik sa bagong music sheet ang tingin niya.

"Ano yung title?"tanong ko sa kanya at itinuro niya yung line sa itaas ng music sheet kung saan ilalagay yung title.

"In the End. Iyon yung title na isulat mo."sabi niya sa akin at napatango naman ako sa sinabi niya saka iyon yung sinulat ko.


Kumakanta siya tapos idadakdak niya sa akin yung lyrics habang ako naman sulat lang ng sulat sa sinasabi niya. Siya yung gumagawa ng tono tapos pinapasulat niya sa akin yung lyrics, Okay naman sa akin yung tono kaya lang medyo mataas ipapa-revise ko na lang kayna Kats o kaya kay Kuya magaling iyon eh.


Inabot kami ng halos ilang oras sa may picnic table sa outdoor caf ng University na pinapasukan namin mula nang umuwi kami from states.


"Thanks Gab."pasasalamat ko kay Gab at ngumiti sa kanya saka ko itinabi sa bag ko yung papel at ipapakita ko mamaya sa kanila.

SLH (The Special Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon