(Wool Wedding Anniversary)
Nakasakay ngayon sa Private Plane (2526 Biyaheng Forever) sina DJ at Kath matapos ng isang mabilis at maikling kasalan sa Airpot. Yes doon sila mismo nag-renew ng kanilang vows para diretso agad sila sa Honeymoon destination nila.
Nakaplano na ang lahat sa simula palang. Yung stewardess na hinigit ni Seth kasabwat ‘yun para pakabahin si Kath maging ang lalaki na yinakap ni Kath na napagkamalan niyang si DJ, Baklang steward iyon na nagtatrabaho sa Airlines ng mga Padilla.
Pati ang announcement na patay na si DJ ay nakaplano rin. Halos lahat ay kasabwat ni DJ sa surprise na ito kay Kath sa pag-uwi niya. Gusto niyang mag-renew sila ng Vows. Hindi na siya makapag-intay ng Tin Wedding anniversary (10th years) kaya gusto niya na muling pakasalan si Kath.
Kaya kinasabwat lahat ni DJ, Maging ang kambal nila, magulang at mga kaibigan. Kaya naman pagkatapos ng kasal nila sa mismong airport handa na ang maleta nilang mag-asawa na good for almost One month of Honeymoon vacation.
“Tsk! Pauso mo talaga ano Padilla?”asar na sabi ni Kath kay DJ sabay sandal ng ulo niya sa balikat ng asawa habang magkahawak kamay silang magkatabi sa upuan.
“Kinilig ka naman di ba?”tanong ni DJ habang nakangisi at ngumiti na lang si Kath habang nakasandal sa ulo ni DJ.
“Pero alam kong nakaligtaan mo ang Wedding Anniversary natin ngayong araw..”sabi ni DJ na may tonong pagtatampo, Napanguso naman si Kath. Masyado kasi siyang na-excite sa pag-uwi ni DJ kaya nakalimutan niya ang Wedding Anniversary nila.
“Sinabi ko na naman kasi sa iyo na-”agad na hinalikan ni DJ ang labi ni Kath kaya naman napasimangot si Kath pero nakanguso pa rin.
“Oo na, Na-excite ka lang sa pagdating ko. Ayos lang pero may parusa ka pa rin.”nakangising bulong ni DJ sabay halik sa buhok ni Kath. Napanganga naman si Kath sa sinabi ni DJ.. Parusa.. Anong klaseng parusa iyon?
“DJ!”saway ni Kath nang maintindihan niya ang ngiti na iyon ni DJ pero inayos lang ni DJ ang pagsandal sa kanya ni Kath. Para patigilin ang asawa niya sa pagsaway sa kapilyuhang tumatakbo sa isipan niya.
“Matulog ka muna Kath, Eleven hours ang biyahe natin papuntang Santorini.”bulong ni DJ kay Kath kaya naman napa-upo ng maayos si Kath sa gulat nang marinig niya ang sinabi ni DJ.
“W-What did you say? Saan ang Honeymoon destination natin?”tanong ni Kath at ngumiti si DJ sa kanya na hinilig ang ulo niya sa balikat.
“Sa Santorini kaya sige na magpahinga ka muna.”sabi ni DJ at napangiti si Kath na hinigpitan ang hawak sa kamay ni DJ habang nakasandal sa balikat nito. Hinalikan na lang ni DJ ang buhok ni Kath na pumikit din para magpahinga saglit.
Nagising si Kath sa haplos ng kamay ni DJ sa buhok niya habang nagha-hum ito ng Grow Old with You. Napangiti na lang si Kath bago umunat, Kaya pala hindi siya nangangalay dahil nakahiga pala siya sa malambot na unan sa lap ni DJ.
“Gusto mo na kumain ng dinner?”tanong ni DJ at tumango naman si Kath saka umupo, Tinawag ni DJ ang stewardess para asikasuhin silang dalawang mag-asawa.
Habang kumakain ay nagkwe-kwentuhan silang dalawa, Hindi sila mauubusan ng kwento dahil halos isang linggo silang hindi nagkita. Kung sa iba mabilis lang iyon para sa kanilang dalawa parang ten years ang mga araw at oras na lumipas.
Hindi nila namalayan ang oras dahil nakarating na pala sila sa Santorini. Nag-announce ang pilot ng safety measures dahil palapag na ang Private plane sa isang paliparan sa Santorini.
Pagkalapag ng eroplano, Nag-adjust muna ang lahat bago sila bumaba, Mahangin sa paliparan at may araw pa rin kahit na alas-diyes na ng gabi sa Pilipinas. Sinalubong sila ng sasakyan at hinatid sa Santorini Kastelli Resort kung saan sila magi-stay for almost One month of Honeymoon Vacation.
“Magpahinga muna tayo? Alam kong pagod ka.”bulong ni DJ at natawa naman si Kath sa sinabi ni DJ sa kanya.
“Magpapahinga? Ayoko ang ganda dito sa Santorini.”nakangiting sabi ni Kath habang nakatingin sa labas ng bintana. Si DJ naman ay binigyan siya ng bear hug mula sa likod.
Hindi naman matagal ang bihaye mula sa paliparan na pinaglapagan ng Private Plane (2526 Biyaheng Forever) nila DJ papuntang Kamari. Twelve minutes lang ang approximately time ng biyahe.

BINABASA MO ANG
SLH (The Special Book)
ФанфикNagsimula sa "hate and love" ang istorya ni Kathryn at Daniel. Ngayon ay magsisimula ang bagong aklat kung saan sila pa rin ang bida malamang! Samahan si Kathryn at Daniel sa kanilang buhay mag-asawa, As they keep their promise to Grow Old together...