Special 4

18.7K 229 10
                                    

(After 2 years)


2 years old na si Francis at Mikay.. Dalawang Taon na din ang nakalipas at ayun ganun pa rin ang mag-asawa pero natigil na ang breastfeeding session de bote na ang Kambal. Kaya malayang-malaya si DJ na gawin ang gusto niya kay Kath.



"Ma Ingatan mo yang kambal ha."bilin ni DJ sa mama niya. Hiniram kasi este ano ba tawag dito.. Uhm... Basta yung kinukuha ng Lola dun muna pansamantagal.



"Eto namang si DJ! Akala mo naman pababayaan ko yung apo ko."sabi ng mama ni DJ at mother-in-law ni Kath na si Tita Karla.



"Basta ma, Ingatan mo."sabi ni DJ na parang si Kath ang pinahihiram pero mas malala kung si Kath, Sasama siya kapag hiniram ito.



"DJ, Kath alis na kami. Magui! Lelay! Tara na!"sigaw nito sa dalawang anak na babae at umalis na sila dala-dala ang kambal na si Francis at Mikay.



"Bye po ingat."sabay na sabi ng mag-asawa at naiwan sila.. Sa Bahay.. Mag-isa.. Ulet... Anong mangyayar-



"Mall tayo Bave boring kapag dito lang tayo sa bahay."paunang sabi ni Kath ayaw niyang kung saan mapunta ang mangyari sa kanila kapag nandoon lang sila.. Sa Bahay.. Mag-isa.. Ulet.. Baka may mangyar-



"Mall? Nakakatamad dito na lang tayo."sabi ni DJ at gusto umiskor sad to say hindi yun pwede kasi may bata pang nagbabasa mamaya na yun sa ending charot.



"Ayaw mo sa Mall? Anong gagawin natin dito?"tanong ni Kath sa asawa at ngumuso.



"Edi gawa pa tayo ng-"naputol si DJ dahil may pesteng sunod-sunod kung mag-doorbell na akala mo'y nagko-concert ang kanilang doorbell.. Isa lang ang nasa isip ni DJ kung sinong walanghiya ang nag-doorbell. Kung hindi ang Barkada, Ang banda niya.



"May Tao DJ."sabi ni Kath kay DJ at "Anong tao? Peste yang mga iyan Kath." bitter na sabi ng isip ni DJ dahil naputol ang kanyang Diskarte. Walang gana siyang lumabas para pagbuksan ng pinto ang kumatok.. Sa Bahay.. Teka nga nakakapeste paulet-ulet eh punyaterang tinolang paksiw!



"Hi Kath! Yow DJ Bro!"hulaan niyo kung sino? A. The Band B. The Barkada C. A and B D. Lahat ng nabanggit E. Wala sa nabanggit

"Umalis ka nga diyaan, Seth. Ang laki mong bara."walanghiyang sabi ni Lester kay Seth at nakipagsiksikan.

"Ano si Seth malaking bra?"matawa-tawang sabi ni JC at napa-pokerface naman si Seth dahil sa kabingihan ng kapatid ni DJ.

"Uy si Seth daw malaking bra."bulong ni Diego kay Julia at binulong ni Julia ang binulong sa kanya ng asawa sa katabing si Zharm kaya lang mali ang pagkakarinig ni Zharm kaya mali ang binulong niya kay Albie.

"Malaki raw ang bra ni Seth."bulong ni Zharm kay Albie at natawa si Albie sa binulong sa kanya ni Zharm. Binulong ni Albie sa katabing si EJ ang narinig, Naging curious si Kiray kaya nakinig siya sa bulong ni Albie. Hindi nagsalita si EJ pero natawa rin. Si Kiray ang nag-sabi kay Aria ng narinig niya kay Albie.

"Naka-bra raw si Seth at malaki."bulong ni Kiray kay Aria at natawa si Aria ng napakalakas bago sabihin kay Khalil ang nalalaman niya.

"DJ si Seth pala naka-bra at malaki raw."sabi ni Khalil kay DJ at napa-iling na lang si DJ dahil narinig niya ang bulungan ng mga ito. Si Seth ayun libreng binabatok-batukan si JC dahil sa kabingihan nito kumalat tuloy ang rumor na naka-bra siya at malaki pa!

"Ano bang ginagawa niyo dito?"asar na tanong ni DJ sa kanila. Oo ang nandoon ay ang The Banda feat Barkada.



"Makikikain po."sabi ni Katsumi na ngayon lang ata bumalik sa Earth dahil busy siya kanina sa pagkain ng Milky Way na inagaw niya pa sa bata na naglalakad kanina sa Subdivision nila Kath at DJ.


Naasar naman si DJ dahil peste sa lahat ng pwede nilang pagkainan bakit sa kanila pa ni Kath? Take Note. Asar si DJ dahil nasira ang diskarte niya dahil sa kanila.



"Oh Ano gusto niyo? Puto-Bugbog O Libingka? Pili na."sabi ni DJ sa kanila na medyo naiinis. Naramdaman ni Albie ang sarcasm ni DJ dahil halatang badtrip ito.


"Ako Papa DJ gusto ko ng Tinolong Paksiw dagdagan mo rin ng ampalaya para ihampas ko sa iyo! Bwisit ka pare minsan na nga lang kami pumunta dito tapos ganyan pa pag-welcome mo sa amin? Kaya mahal na mahal kita eh. Labyu Bro tagos hanggang balunbalunan."madramang litanya ni Albie at umiling na lang si DJ. Sinong nagsabing minsan na lang sila? Eh yung kabanda ni DJ parating tumatambay at nakiki-epal sa kanila for the past two years saka isa pa hindi naman minsan lang dahil last week nandito sila sa bahay noon.

"Oh edi welcome, You may now exit."sabi ni DJ kay Albie kaya naman nabatukan siya ni Kath.



"Makikikain? Hindi nga kami nakapagluto."sabi ni Kath sa kanila at biglang nanlumo ang The Band feat Barkada.



"Kain na lang tayo sa labas at siyempre libre ni DJ na Presidente ng Padilla Incorporation."suggest ni Aria sa lahat at napa-iling si Khalil kay Aria.



"Hindi mas maganda kung kumain tayo sa labas."suggest ni Khalil kay Aria at sumingit naman si Diego.



"Hindi Bro! Mas maganda kung sa labas tayo kakain."sabi ni Diego at hindi pumayag ang nag-iisang Katsumi Kabie sa suggestion nila Diego at Khalil.



"Mga hunghang kayo! Dapat sa labas tayo kumain."sabi naman ni Katsumi na sinasakyan ang trip nung dalawa.



"Mga baliw kayo! Paulet-ulet lang tayo? Dapat kumain tayo sa labas."sabi ni Lester at dahil doon. Nabatukan sila ni Seth isa-isa dahil hindi pa rin maka-get over si JC sa "isang malaking bra" daw si Seth.



"Mga walanghiya kayo! Para kayong sirang plaka! Pinaka-maganda ang suggestion ni Aria kumain na nga lang tayo sa labas."sabi ni Seth at dahil doon dumaan ang anghel sa paligid.


Para silang mga tanga..

"Magpapaluto na lang ako kay Yaya Monic."suggest ni Kath dahil ramdam niya ang kabaliwan sa paligid dulot siguro ng gutom na tiyan ng The Band feat Barkada.

SLH (The Special Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon