(Kalokohan)
"Ganito kasi iyon..."panimula ni JC habang ngumunguya saka nilunok ang manok na nasa bibig niya.
Na-curious naman ang Barkada ng mag-asawa pati na rin sina Seth, Lester at Katsumi sa ikukwento ni JC na mukhang inaalala pa ang nangyari. Kumagat pa muna si JC sa manok bago magkwento.=======
=======
Umalis ang mga magulang nila DJ at JC. Nasa Cebu sila para asikasuhin ang maliit nilang Lupain doon. Mga Tatlong araw lang sila doon kaya't Iniwan si DJ at JC sa kanilang lolo at lola sa bukid habang sina Magui at Carmella ay iniwan sa kanilang Tito na si Robin.[DJ: Teka wala naman akong naalala na iniwan tayo nila mama noon, Ah?
JC: Meron. Nakalimutan mo lang kasi nabaog ang ulo mo noon.
DJ: Ha? Ano pinagsasab-
JC: Leche pwede ba kuya tahimik? Nabaog nga kasi yung ulo mo nun.
Kats: Nabaog? Bakit may sperms ba sa ulo ni DJ?
JC: Ang bastos naman ng bunganga mo Kats saka ang bobo mo, Nabaog! Iyon yung tumama yung ulo sa matigas na bagay.
Seth: Gago ikaw ang bobo! Nabagok iyon hindi nabaog.
Lester: Ay na-gago na nga, Na-bobo pa! Boom Tanga times ten times ten!
JC: Leche shatap Les! Bakit perfect ako ganoon? Tsk! Manahimik na nga kayo at magkuk-kwento ako.
Kath: S-
JC: Shet naman! Magkukwento na nga ako, Makinig na lang muna kayo.]
Dahil nga sa bukid iyon puro gulay at prutas ang pagkain. Swerte mo na lang kapag may naligaw na manok ng kabitbahay sa may bukid.
"Kuya DJ gusto ko ng meat! Ayoko na ng gulay!"naiiyak na sabi ni JC kay DJ, Naawa naman si DJ sa estado nilang dalawa ng kapatid.
"Ha? JC walang manok dito.. Mahal."nanghihinayang sagot ni DJ sa kanyang kapatid na si JC na umiyak na dahil ang pagkain nila ay laging ginisang upo na may bawang, sibuyas at kamatis lang.
Dahil sa naawa si DJ sa kanyang kapatid na si JC at nagsawa na rin siya sa ginisang upo. Umalis siya ng kubo ng kanyang lolo at lola para pumunta sa bukid para manghuli ng kuhol. Meat din ata iyon.
Habang naghahanap ng kuhol si DJ biglang.."Plokpokpokpakpopok"awit ng isang ibon na apo sa balahibo ng ibong adarna na exclusively na lumipad sa harapan ni DJ. Hulog ng langit dahil talagang sa harapan niya bumagsak ang manok.
Tuwang-tuwa si DJ na kinuha ang manok para dalhin kay JC sa kubo ng kanyang lolo at lola na umalis saglit para pumunta sa dati nilang tagpuan, Kunwari teenager ulit sila.
At dahil tuwang-tuwa si DJ hindi niya napansin ang bato na nakaharang sa daanan niya na wala naman kanina. Nabaog este nabagok ang kanyang ulo sa lupa, Tulo ang dugo. Mabuti hindi umalis ang manok dahil magiging roasted chicken pa siya. Mabilis na tumayo si DJ, Hindi siya nagpatumpik-tumpik kahit na masakit ang ulo niya at nanlalabo ang paningin niya.
Nang makarating siya sa kubo.. Nadatnan niya si JC na umiiyak habang sumisinghot. Hindi nag-atubili si DJ na kunin ang itak. May this Chicken rest in peace dahil kinatay at tinanggalan ng balahibo ni DJ ang manok. Tuwang-tuwa naman si JC nang makita niya ang manok na brutal na kinakatay ng kanyang kuya.
After ng ilang oras naluto na din ang manok, Inihaw ito sa apoy kaya medyo sunog ang balat."Kuya."umiiyak na sabi ni JC at yinakap si DJ na kanyang kuya para magpasalamat. He is lost of words, Na-speechless siya dahil loves na loves siya ng kuya niya at sa wakas may meat na rin.
=======
=======
"Nakakaiyak naman pala yung kwento niyo."sabi ni Kath habang naka-sandal sa likod ni DJ at umiiyak, Basa na ang bandang sleeves malapit sa likurang kili-kili ni DJ dahil sa pag-iyak niya. Ang sweet kasi ng asawa niya, Sobrang swerte niya na ito ang napangasawa niya."Grabe tagos."sabi naman ni Aria at pinunasan ang luha niya.
"Brother's Love."sabi ni Julia at yinakap siya ni Diego.
"Hindi ko makaya huhuhu."sabi ni Kiray at na-payuko dahil tulo ng tulo ang kanyang luha.
"Shete pare! Kahit na lalaki ako naiiyak din ako."sabi naman ni Lester habang namumula ang mata sa pagpigil ng iyak niya.
"Pero teka lang.. 9 years old ka noon JC? Edi ba magkakasama na tayo noon?"nakataas ang kilay na sabi ni Seth at parang naghihinala sa kinuwento ni JC.
"Ha? Ah.. Eh.. Bakasyon noon."sagot ni JC at ngumiti ng alanganin, Kinagat na lang ang manok niyang sunog ng sunod-sunod.
"Saka hindi ba mayaman naman sina Lola Eva?"sabi naman ni Katsumi na nagtataka rin.
"Yung Lola namin sa side ni mama."sagot ni JC habang ngumunguya at punong-puno ng sunog na manok ang bibig niya. May black-black pa dahil sa sunog na balat.
"Teka! Teka! Nagsisinungaling ka bro!"sigaw ni Lester kay JC sabay tayo at dinuro pa si JC.
"Ha? H-Hindi ah."sabi naman ni JC at umiling pa sabay kagat ng sunod-sunod sa manok na hawak niya.
"Anong hindi? JC naalala ko! Kahit na matagal na iyon naalala ko pa rin! Alam ko wala kayong Lola at Lolo na malapit sa bukid saka isa pa hindi na uso ang naliligaw na manok noong 2001. Alam ko JC! Naaalala ko."sabi ni Lester na para bang pinaglalaban niya at todo-push ang kwento ni JC.
Si DJ naman napahawak sa baba niya at para bang iniisip ang nangyari noon dahil fishy talaga ang kwento ni JC halatang kwentong barbero hanggang sa.."Ayun naalala ko! Never tayong inawan ni Mama at Papa ng matagal para lang sa small business saka wala tayong Lupain sa Cebu at Lalong hindi ko iniihaw iyang manok."sabi ni DJ sa kapatid na si JC napakamot naman ng ulo si JC.
"Ha? Hindi mo ba iniihaw? Eh bakit parang ihaw?"sabi ni JC at kumagat muli sa manok.
"Nagsisinungaling kang mokong ka?!"sabi ni Lester at pinagpapalo siya ng barkada at ng kabanda niya.
"Aray! Guys! Sorry na! H-Hindi ko naman sinasadya eh!"sabi ni JC at binitawan ang manok sa plato bago isalag ang kamay niya sa mga pumapalo sa kanya.
"Pero DJ bakit ba parang gustong-gusto ni JC yung manok na ginawa mo?"tanong ni Albie kay DJ habang si Kath sa likuran niya sinisink-in sa utak ang nangyari at sinabi ni JC.
"Eto talaga ang nangyari. Nag-date kasi si Mama at Papa noon nakalimutan kaming iwan ng pagkain dahil nag-day off si Yaya Marta at may sakit naman si Yaya Ynes ayun ako na ang nagluto dahil gutom na kami kaso nasunog."sabi ni DJ at napatango naman sila, DJ is the living proof. Mas maniniwala sila kay DJ dahil halatang gawa-gawa lang ng sinabi ni JC.
"Akala ko pa naman totoo yung kwento ni JC kaya medyo nagtataka ako eh."sabi naman ni Khalil at sinamaan ng tingin ang cousin-in-law niya.
"Oo nga! Gago si DJ eh hindi magiging sweet iyan."biro ni Diego kahit na sweet naman talaga si DJ sa mga kapatid niya.
"Kalokohan mo JC!"sigaw ni Kath ng maka-balik siya sa realidad at na-realize ang pagsisinungaling ni JC. Dahil sa sama ng loob nag-walk out si Kath at sinundan naman agad ni DJ ang asawa dahil sa mas marami itong niluha sa kwentong barbero pala ni JC.

BINABASA MO ANG
SLH (The Special Book)
FanfictionNagsimula sa "hate and love" ang istorya ni Kathryn at Daniel. Ngayon ay magsisimula ang bagong aklat kung saan sila pa rin ang bida malamang! Samahan si Kathryn at Daniel sa kanilang buhay mag-asawa, As they keep their promise to Grow Old together...