Kabanata 3

16.7K 405 34
                                    

Kabanata 3
Are we okay?

SPG: Medyo-Medyo

----------

Una kong dinala si IC at ang girlfriend niya sa malawak na sugarcane plantation na pagmamay-ari ng mga Fontanilla. Dahil hindi, gaanong mainit ngayon ay naglakad-lakad kami doon para panoorin ang mga trabahador doon na masisipag na naghahanap buhay. Ang iba pa nga sa mga iyon ay kilala ako, dahil dating nagtatrabaho dito si nanay. Ang kaso, dahil mabilis na siyang mapagod ngayon ay hindi na namin siya pinagtatrabaho ni ate.

"MJ, eto o at patikimin mo ng tubo ang mga kasama mo. Natural ang tamis n'yan."

Binigyan ako ng tatlong sugarcane ng isa sa mga trabahador doon na si mang Rolando. Kinuha ko naman iyon at nagpasalamat, at saka ko binigyan si IC at Jessie.

"Magnolia. We don't know how to eat this." ani IC habang pinapakatitigan ang tubo na hawak niya.

"Oo nga pala. Ganito lang yan-"

Dinemonstrate ko sa kanila ng dahan-dahan, kung paano ang pagkain ng sugarcane o tubo.

"Basta nguyain niyo lang na parang chewing gum at kapag wala ng lasa idura niyo na." Kasunod ng pagdura ko sa kapirasong sugarcane na nginatngat ko kanina.

Ginaya ni IC ang ginawa ko ng walang arte nag high-five pa nga kaming dalawa, di tulad ni Jessie na parang diring-diri sa kinakain.

Hindi kami nagtagal sa tubuhan dahil nag-aya narin si Jessie na sa iba naman daw kami pumunta at nangangati na raw siya sa mga insektong dumadapo sa kanya, pero tingin ko naman ay talagang hindi lang siya nag e-enjoy kaya gusto na niyang umalis. Napaka kill joy naman ng babaeng 'to.

Sumunod naming pinuntahan ang batis ng El Ciero, kitang-kita sa mukha ni IC na nag-eenjoy siya, hindi pa nga siya makapaniwala na pwede palang maglaba roon, may ilan kasi kaming nakita na naglalaba. Karamihan sa mga 'yon ay mga nakatira lang malapit doon.

Masarap sanang maligo sa batis dahil ang lamig ng tubig, kaya lang ay wala akong pamalit. Gusto rin sanang maligo ni IC pero problema din niya ang problema ko, kaya sabi ko ay next time nalang.

Pag-alis namin sa batis ay doon naman kami nagpunta sa Grotto na matatagpuan sa bayan ng La Solimatra, isang oras ang layo sa bayan ng El Ciero.

"Nagugutom na'ko, baby." Paglalambing ni Jessie kay IC. Para siyang ahas kung makalingkis. Palibhasa, kanina pa pinagtitinginan ng mga nakakasabay naming babae si IC.

Sino ba ang hindi mapapatingin sa kanya, matangkad siya, maganda manamit at ubod ng gwapo.

"Magnolia, may malapit na restaurant ba dito?" Tanong niya sa'kin na pumukaw sa'kin sa pagkatulala ko sa kanya.

Nakangiti naman akong tumango sa kanya at dinala sila sa hilerang mga restaurant sa baba ng grotto.

Maraming restaurant dito sa La Solimatra. Tabi-tabi pa nga, pero pumasok kami sa Duyog Restaurant. Ang isa sa pinakakilalang kainan dito sa buong Ashralka. Hindi ko nga alam na meron narin palang branch nito dito sa bayan ng La Solimatra, ang pagkakaalam ko kasi ay sa Katibangahan lang meron nito, roon daw kasi ang bayan kung saan lumaki ang may-ari ng nasabing restaurant. Malapit narin daw magkaroon ng restaurant na ito sa El Ciero, at kung magkakaroon man ay baka araw-arawin ko na ang kain doon, bukod kasi sa sikat ang restaurant na ito ay abot kaya pa ang presyo ng mga pagkain dito.

"Hmm...I like this restaurant." ani IC habang nagpapalinga-linga siya sa paligid. "It's so native, and the ambiance is very relaxing."

Naupo na kami sa isang lamesa na gawa sa kahoy, pati nga mga upuan.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon