Kabanata 5
Isaiah Chadrick Fontanilla----------
"Nay! Hindi ba para naman akong matanda nito?" Tanong ko kay nanay habang pareho naming tinitignan ang repleksyon ko sa salamin.
Suot ko kasi ang kulay puting dress ni nanay na lagpas tuhod ang haba at ang manggas ay hanggang siko naman. Amoy naptalina pa nga ito dahil halos ilang taon na itong hindi nagalaw sa aparador namin. Nangangati nga rin ako rito.
"Nay, hindi ba pagtatawanan si MJ nyan mamaya?" Nagpipigil ng tawa na tanong ni ate. "Kahit nga ako, natatawa narin." Dagdag pa niya.
"Aba! Nung sinuot ko kaya ang damit na'yan ay nanalo ako sa prom night namin."
"Nay! 70's pa'yon. Sa ngayon, hindi na uso ang ganyang mga damit."
"Ay nako, Celine. Ayos na yan basta disente at hindi kabastos-bastos sa paningin ng mga lalaki."
"Tao po!"
Bigla akong nataranta ng marinig ko ang boses ni IC sa labas at ang pagkatok niya sa pintuan namin. Agad namang binuksan ni Pearl ang pinto at narinig kong masigla niyang binati si IC.
"Tiya MJ, nandito na po ang prince charming niyo."
Muli kong pinagmasdan sa salamin ang repleksyon ko. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok at wala man lang kolorete ang mukha ko. Huminga muna ako ng malalim at saka ako dahan-dahang naglakad palabas ng silid namin suot ang sandals kong di kataasan ang takong. Dahan-dahan ko rin na hinawi ang nakatakip na kurtina sa daraanan ko habang nakayuko.
Kinakabahan ako. Kanina pa sinasabi ni nanay na bagay naman daw sa akin, pati si ate at Pearl ay sang-ayon sa kanya, kaya lang ay sadyang nagmumukha akong matanda rito.
Paglabas ko ng kwarto at pag-angat ko ng ulo ko ay agad na nagtama ang mga mata namin ni IC. Siya na disenteng-disente sa suot niyang, suit and tie, mukha pang kay bango-bango niya at bagay na bagay talaga sa kanya 'yon. Mukha talaga siyang prince charming.
Hindi ko na naman tuloy mapigilan na mapahanga sa kanya. At habang namamangha akong nakatingin sa kanya. Kitang-kita naman ang nakakunot niyang noo at ang pagbaba ng kanyang paningin sa suot ko, pinapasadahan niya 'yon ng tingin. Pasimple pa nga siyang napabuntung hininga.
"As I expected." aniya ng muli niyang iangat ang tingin niya sa'kin at muling magtama ang mga mata naming dalawa.
"Magnolia, you actually look good with that dress and even without make up. But I guess you'll look better if we need to do some change."
"What change?"
Hindi siya sumagot sa tanong ko, sa halip ay nagpaalam na siya kay nanay, ate at sa pamangkin ko, at saka niya ako hinila palabas ng bahay namin. Nagmamadali niya rin akong pinagbuksan ng pintuan sa kanyang sasakyan.
"IC, bakit ba tayo nagmamadali? Malayo ba sa inyo? Taga saan ka nga ba? Katibangahan, Sul Medra o La Solimatra?"
Narinig kong tumawa siya habang nagmamaneho. "Taga El Ciero din ako."
"Pero bakit tayo nagmamadali? Maliit lang 'tong El Ciero nakakasigurado akong kahit sa dulo pa ang bahay niyo ay makakaabot tayo, thirty minutes pa before eight."
"Just relax, Magnolia. Tonight, I wanna show everyone. How lovely you are."
"Huh?"
"Just be quiet."
Madali naman akong kausap kaya nanahimik agad ako ng sabihin niya yon.
Huminto kami sa isang malaking bahay. Agad niya akong hinila papasok doon kung saan may sumalubong sa aming isang babae at lalaking mukhang ka-edad ko lang. Pareho silang mga mukhang chinese dahil mga singkit ang mga mata nila at mapuputi pa. Kasing tangkad ni IC yung lalaki at yung babae ay medyo matangkad lang ng konti sa akin.
BINABASA MO ANG
I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)
Fiction généraleMatapos silang iwan na mag-iina ng kanyang ama para sumama sa ibang babae, at maanakan naman ng isang lalaking walang paninindigan ang kanyang ate. Labis ang naging galit ni Magnolia Jamaica Ledesma sa mga lalaki. She became a man hater by choice. B...