Kabanata 19

12.4K 279 17
                                    

Kabanata 19
Precious

BABALA: SPG!

----------

Pag-uwi ko ng bahay ay ibinigay naman sa akin ni ma'am Isabel ang cellphone niyang kulay itim na may tatak rin na tulad ng sa cellphone ni Isaiah at ng iba kong kaeskwela.

"Nako! Salamat po rito, ma'am Isabel. Mukhang mahal po ito. Karamihan kasi sa mga schoolmates ko ganito po ang cellphone. Ano po bang brand ito? May nakikita rin po kasi akong computer na may tatak na tulad nito."

"That's Apple."

"Ah, kaya naman po pala. Obvious nga po sa logo nila." Nakangiti kong sabi.

"Eto naman, ipadala mo sa nanay mo." Inabot niya sa akin ang isang paper bag.

"Ano po ito?"

"Ako na ang bumili ng phone para sa nanay mo. Pumunta kasi ako sa mall kanina."

"Salamat po, ma'am. Sobrang nahihiya na po ako sa inyo at napagastos pa po kayo."

"Okay lang. Oo nga pala, bakit hindi kayo magkasabay ni Chadrick na umuwi?"

"May pupuntahan pa raw po kasi siya."

"Oh, siguro inaya na niyang makipag date si Precious. Kagabi kasi sinabi niya yon sa 'kin. He's now ready to pursue her, plano niya na rin yon noon pa, at dahil second year na naman na sila, eto na siguro yung hinihintay niyang chance. Hindi naman niya hihingin agad ang oo ni Precious, gusto lang niyang iparamdam rito kung gaano niya 'to kagusto. My son likes her, simula pa nung highschool sila."

"Naikwento nga po niya yan."

Naputol ang pag-uusap namin ni ma'am Isabel ng dumating si sir Jeremy.

"Good evening po." Bati ko sa kanya.

"Same to you, Magnolia." Nakangiti niyang sabi. Lumapit naman si ma'am Isabel sa asawa at hinalikan ito sa pisngi.  Lumapi rin sa kanya si manang lupe at kinuha ang suitcase ni sir Jeremy.

"Hon, handa na ba ang pagkain? Gutom na'ko." Malambing na tanong ni sir Jeremy na nakapulupot ang mga kamay sa baywang ni ma'am Isabel.

Napapangiti nalang ako habang tinitignan sila.

Bakit kasi hindi ako biniyayaan ng kumpleton pamilya? Yung may ina at ama akong nagmamahalan na makikita kong araw-araw na in love. Naaawa na naman tuloy ako habang iniisip ko ang mag-isang pagtataguyod ni nanay, sa amin ni ate. Naaawa ako sa kanya, dahil walang-wala na nga siya, pati yung lalaki pang halos ibigay na niya ang lahat ay iniwan pa siya.

Hindi ko tuloy masisi ang sarili ko kung bakit natatakot akong magmahal, kahit sa totoo lang natutuwa ako kapag nakakakita ako ng mga taong in love sa isat-isa. Napapaisip nga rin ako minsan kung ano ba ang pakiramdam ng nagmamahal.

"Magnolia, okay ka lang?" Tanong sa akin ni ma'am Isabel. Tila nagbalik naman ako sa sarili ko. "Oh, no! Why are you crying darling?" Lumapit siya sa akin at pinunasan ang hindi ko namalayang luha na tumulo sa mga mata ko.

"May problema ba, Magnolia?" Tanong naman ni sir Jeremy na bakas ang pag-aalala.

"Ah, wala po." Ngumiti ako para I assure silang okay lang ako. "Naalala ko lang po ang pamilya ko sa Ashralka."

"Di bale, pagnapadala mo na'yang phone para sa nanay mo. Hindi mo na sila gaanong mami-miss. Kasi kahit araw-araw, pwede kayong mag-usap. E di parang malapit nalang kayo sa isat-isa." Inakbayan ako ni ma'am Isabel.

"Tara kain na tayo, sumabay ka sa amin kasi siguradong hindi dito magdi-dinner si Chadrick."

"Bakit, nasaan na naman ang anak mo?"

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon