Kabanata 45
Malala----------
"Ms. Magnolia Ledesma, ipinatawag kita rito dahil gusto kong ibalita sayo na ang four emotions mo ang nanalo sa ccp exhibit last year. Ms. Ledesma, ikaw ang ginagawaran ng scholarship ng isang international arts university sa italy."
Naitutop ko ang kamay ko sa bibig ko dahil sa pagkabigla.
"T-Talaga po?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa dean namin.
Nakangiti namang tumango ito sa akin at si Mrs. Lamamigo.
Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako habang pinag-uusapan naming tatlo ang mga requirements ko dapat ko raw ayusin, tulad ng visa, passport at kung anu-ano pa.
Pagkatapos ng hindi magagandang nangyari nitong mga nakalipas na araw, sa wakas ay may maganda ng nangyari ngayon.
Kaya lang, may parte ng isip ko ang nagdadalawang isip kung tatanggapin ko ba ang scholarship. Oo at malaking unibersidad sa ibang bansa ang papasukan ko, pero mas malawak at ibang kultura na ang maaari kong pakisamahan kapag tinanggap ko ang scholarship, mas lalo rin akong mapapalayo sa pamilya.
"Wow! You should grab it. Magnolia, that's a very big opportunity at bihira lang ang mabigyan ng ganyang oportunidad. That university is one of the prestigious university in Italy. You're lucky that you got in there. Congratulation and good luck." ani Sebastian habang kasama ko siya at si Beverly na nakaupo sa gilid ng field at kumakain ng tig iisang malalaking potato chips. Habang nagpapalipas ng oras.
Di kalayuan sa kinaroroonan namin ay nakikita ko sina Isaiah na kasamang nakikipag kwentuhan si Precious at ang mga kaibigan nito.
"How's your heart now?" Tanong ni Sebastian.
"Natahi ko na, pinaghihilom ko nalang." Pabiro kong sagot sa kanya habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kinaroroonan nila Isaiah.
Narinig ko naman siyang tumawa.
"Handa ka bang iwan siya, MJ?" Tanong naman ni Beverly.
Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya sa kinaroroonan nila Isaiah, kaya sigurado akong ang lalaking yon ang tinutukoy niya, na nakikita kong mukhang nakatingin din dito.
"Wala na akong pakialam sa kanya, Bev. Kung nagdadalawang isip man akong kunin yung scholarship. Iyon ay dahil sa pamilya ko. Hindi ko kasi yata kayang iwan sila ng ganon kalayo."
"Pamilya mo lang ba talaga?"
Minsan nakakainis talaga kung magtanong itong si Beverly. Madalas kasi ay si Isaiah ang tanong niya sa akin. Para bang gustong-gusto niya talagang magkabalikan kami.
"Ops. I have to go." Napalingon naman kami kay Sebastian na nasa cellphone niya ang kanyang atensyon. "May pinapa encode na naman sa'kin. Minsan alam niyo, hindi ko alam kung president ba talaga ako o encoder."
Natawa nalang kami ni Beverly sa sinabi niya, bago siya tuluyang umalis.
"MJ, samahan mo'ko mamaya sa mall may bibilhin lang ako." ani Beverly ng maiwan kaming dalawa.
"Sige ba."
Nang mag-uwian kami ay nanibago ako ng walang Isaiah na sumalubong sa akin para kulitin akong ihahatid niya pauwi. Hindi ko nga alam kung bakit para bang hinahanap-hanap ko yon ngayon. Siguro dahil hindi rin niya ako kinulit kaninang vacant, pero obviously minamatyagan niya ako kanina, the way he looks at me from a far.
Sa totoo lang, pinabibilib niya talaga ako sa panunuyo niya sa akin, kahit pa tinapunan ko siya ng frappé sa harap ng maraming tao. Nagpatuloy parin siya sa panunuyo sa akin, at ilang ulit ko mang itanggi sa lahat na hindi ako affected sa ginagawa niya at wala lang yon sa akin. Deep inside ay lihim na natutuwa ang puso ko sa lahat ng effort na ginagawa niya, nitong mga nagdaang halos dalawang buwan narin.
BINABASA MO ANG
I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)
General FictionMatapos silang iwan na mag-iina ng kanyang ama para sumama sa ibang babae, at maanakan naman ng isang lalaking walang paninindigan ang kanyang ate. Labis ang naging galit ni Magnolia Jamaica Ledesma sa mga lalaki. She became a man hater by choice. B...