Kabanata 22

14.4K 287 18
                                    

Kabanata 22
Sway

----------

Hindi na naman ako makatulog at balak kong tumambay ulit sa balkonahe para sana libangin ang sarili ko sa pagguhit at para dapuan din sana ako ng antok. Alas onse na ng gabi at tahimik na ang buong bahay ng mga Fontanilla.

Lumabas ako ng kwarto dala ang lapis at sketch pad ko, ng agad na mahagip ng paningin ko si Isaiah na naninigarilyo habang nakatukod sa railings ng balkonahe.

Nakasuot siya ng maluwang na sandong kulay puti at naka pajama.

Naaalala ko na naman ang nangyari kanina at ayoko namang maging dahilan na naman yon, para magkaroon kami ng ilangan sa isat-isa. Habang tumatagal kasi, nasasanay na akong parati siyang kausap. Pakiramdam ko nga, hindi na mabubuo ang araw ko kapag hindi ko siya nakausap.

Dahan-dahan kong inis-slide pakaliwa ang sliding door papuntang balkonahe. Napalingon naman sa akin si Isaiah na kuminang ang itim niyang hikaw na nasa tenga, habang bumubuga siya ng usok mula sa hinithit niyang sigarilyo.

"Magnolia, why you're still awake?"

"Hindi kasi ako makatulog."

Bumaba ang tingin niya sa hawak ko.

"Mag do-drawing ka?"

Ngumiti ako at tumango sa kanya at saka ako umupo sa isa sa apat na upuang naroon na nakapalibot sa isang bilog na mesang salamin ang pinakatuktok.

Inilapag ko ang sketch pad at ang lapis ko sa mesa at saka muling nag-angat ng tingin kay Isaiah na nakatalikod na naman habang nagsisigarilyo.

Ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang nanigarilyo. Yung una ay nung unang beses kaming magkita, ang gabing hindi ko alam na babago sa buhay ko dahil simula ng makilala ko siya binago niya yon.

"Isaiah."

"Hmm?" Kasunod ng paglingon niya sa akin.

"Sorry nga pala kanina. Hindi ko talaga sinasadya. Pumasok lang talaga ako para kunin yung mga labahan mo dahi-"

"Ayos lang yon, Magnolia. I understand. That was an accident."

"Hindi kasi ako nakikinig sayo, sinabihan mo na akong wag papasok ng hindi nagpapaalam. Pero ginawa ko parin."

Tumawa siya at lumapit sa akin habang nakapamulsa ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang pajama. Wala na siyang hawak na sigarilyo.

Para siyang aparisyon na naglalakad palapit sa akin.

Mula ulo hanggang paa, para bang lahat yon, perpektong nahulma sa kanya. Habang lumalakad siya, tila bumabagal ang ikot ng mundo kasabay ng mabilis na tibok ng malikot kong puso dito sa dibdib ko.

"Siguro naman ngayon, natuto ka na." aniya.

Nagulat ako ng kurutin niya ang kanan kong pisngi habang tumatawa, at saka siya naglakad na palayo sa akin. "Goodnight." aniya.

At saka siya tuluyang nawala na sa paningin ko. Tulala naman akong napahawak sa pisngi ko na kinurot niya.


Sa bawat paglipas ng araw. Unti-unting nagbabago ang nararamdaman ko kay Isaiah, mas lumalalim yon.

Tulad ng minsan ko siyang makita nung lunch break namin kasama ko nun si Daphne at Beverly, na tungkol sa mga pampaganda ang pinag-uusapan. Kaya pinili kong wag ng makinig sa kanila dahil siguradong di ako makaka-relate.

Kasama ni Isaiah ang mga kaibigan niya na naglalaro ng soccer sa malawak na field nitong Clavery. Nung huminto sila, sumalampak ang mga ito sa madamong field na bagong tabas. May ilang babae ang lumapit kay Isaiah, na halatang may gusto sa kanya dahil sa paraan ng paggalaw at pag ngiti ng mga ito. Mababakas doon ang tensyon at kilig, katulad ng nararamdaman ko kapag kausap ko si Isaiah, o kaya naman ay malapit kami sa isat-isa. Pero ako, kahit papaano ay nako-kontrol ko 'yon at napipigilan na wag mahalata kung minsan.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon