Kabanata 49

15.8K 306 66
                                    

Kabanata 49
Ikaw lang

Isaiah's POV

----------

Nasa veranda ako at nagkakabit ng ilan pang christmas light ng bigla ay marinig ko ang boses ng isa sa mga pinsan ko na kakakuha lang ng CPA exam at ngayon ay isa ng ganap na certified public accountant.

Taga bulacan sila at dalawang araw na rito kasama ang dalawa pa niyang kapatid na mas bata sa kanya, pagdating na pagdating niya palang rito ay ramdam ko na ang kakaibang hangin na hatid niya.

"Wanna need help?" Dinig kong sabi niya.

"Hindi na. Tapos narin naman ako." At saka ako dahan-dahang bumaba sa hagdan na tinutungtungan ko.

"So, kamusta ang future picasso ng mga Fontanilla? I've heard that your girlfriend is better than you. She have a lot of achievements. Hindi ba't ang painting niya ang nakasali sa prestigious art exhibit ng ccp? Wow. E ikaw, Isaiah. Anong maipagmamalaki mo sa pamilyang 'to bukod sa titulo mong, lalaking hindi umiiyak? Huh?"

Nag igting ang panga ko sa tila mapanuyang sabi ng pinsan ko. Obviously, hindi niya ako gusto.

Kahit na gustong-gusto na ng kamao kong upakan ang isang 'to ay pinilit kong balewalain nalang ang mga sinabi niya at umaktong hindi ako naapektuhan.

"By the way, no offense huh pero talaga bang mahal mo ang girlfriend mo o trip mo lang pumatol sa babaeng talented like her? Hindi tulad noon na puro katawan lang yata ang hanap mo, mga mukha kasing mang-mang ang mga babaeng kasama mo noon, katawan at ganda lang meron. Tumaas na ba ang taste mo sa babae?"

"Hindi ka ba titigil?" Tila nagbabanta kong tanong sa kanya habang ang mga kamao ko ay nakakuyom na at nanginginig na parang anumang oras ay dadapo na 'to sa mukha ng pinsan kong matabil ang dila. 

Sarkastiko pa itong tumawa na mas nagpanginig sa kalamnan ko. "Huh? What's wrong with you? I'm just asking."

"Asking? You're insulting me, dude."

"Oh!" Ngumisi pa ito. "I didn't mean to insult you."

Binigyan ko siya ng isang matalim na tingin. Sige I provoke mo pa'ko. Masasapak na talaga kita.

"Chadrick, tapos na ba yung pina- hey, what's going on here?" ani mommy ng makita niya kami na ngayon ay kapwa nagtititigan na ng masama.

"Napikon po yata sa tanong ko ang anak niyo tita. Sinasabi niyang iniinsulto ko raw siya, pero wala naman yon sa isip ko. Gusto ko lang naman makipag kwentuhan."

Tinignan ako ni mommy na tila nagtatanong at saka ko naramdaman ang mga kamay niyang kumapit sa braso ko.

"May ipagagawa pa ako sayo. Let's go." Sabay hila niya sa akin papasok sa loob ng bahay. "Erick, maiwan ka na muna namin."

"Okay, tita."

Hinila ako ni mommy hanggang sa makarating kami sa kusina.

"Isaiah, ano bang nangyari?" Tanong niya sa akin.

"Kala mo kung sinong perpekto. Pakialam niya ba sa taste ko sa mga babae. Pasalamat siya at nakapagpigil pa'ko dahil kung hindi, baka may black eye na siya ngayon."

"Wag na wag kang makikipag away sa kahit na sinong kamag-anak natin. Remember, kailangan mong kunin ang loob nila, anak. Alam mo namang mainit ang dugo nila sayo."

"Is this how they really treated the future successor of this family?"

"Relax. Siguro, pini-pressure ka lang nila."

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon