Kabanata 31

13.1K 258 8
                                    

Kabanata 31
Dinner

----------

Pag-uwi ko sa bahay ay takang-taka ang lahat dahil sa mga sugat ko at mga kalmot sa mukha.

"Susmaryosep! Anong nangyari sa kanya, Isaiah?" ani manang Lupe.

"Nako! Sinong insecure ang sumira sa mukha mo?" Tanong naman ni ate Onay.

Bakas naman sa mukha ni ma'am Isabel ang pag-aalala habang pababa siya ng hagdan. "Sinong nasira ang mukha?" Tanong niya pa.

"May mga kaeskwela po kaming babae na napagtripan si Magnolia. Pinatawag na ang parents nila at bilang parusa sa ginawa nila. One week silang mag ko-community service sa labas at loob ng buong Clavery University." Paliwanag ni Isaiah.

Dahan-dahang hinaplos ng dalawang kamay ni ma'am Isabel ang pisngi ko. "Tsk, tsk, tsk. Kailangan agad nating malagyan ng ointment ang mga kalmot na'to at baka magkapeklat. Ang ganda pa naman ng mukha mo, Magnolia. Don't worry, akong bahala dyan, pati sa mga sugat mo pag natuyo na ang mga yan."

"Salamat po."

"Chadrick, hindi mo man lang ba naagapan ang pagsugod ng mga babaeng yon kay Magnolia? Anong oras ba nangyari yon?"

Napayuko si Isaiah sa tanong ng mommy niya sa kanya.

"Lunch break po, mom." Nag-angat siya ng tingin at sumulyap sa akin ng saglit 'tsaka siya muling sumulyap kay ma'am Isabel. "I was on the restroom that time. May pinagtitripan kaming kaklase ng mga kaibigan ko, at sa sobrang focus ko sa pangti-trip, hindi ko alam na may nangyayari na palang hindi maganda kay, Magnolia." Muling nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang nangungusap at nagsusumamo niyang mga mata na hindi na umalis sa pagkakatiig sa akin. "And I am very sorry for that."

"Ganoon na ba ka insecure ang mga babaeng yon sayo at ginanito ka?" Tanong sa akin ni ma'am Isabel.

Dahil sa malaking sugat ko sa tuhod ay hirap akong maglakad ng tuwid dahil mahapdi at makirot iyon, kaya inalalayan ako ni Isaiah sa pag akyat ng hagdan hanggang sa makarating kami sa kwarto ko.

Pagkalapag niya sa akin sa kama ay hindi siya umiimik na lumabas ng kwarto ko.

Dissapointed man ako sa kanya, pero hindi parin naman nagbago ang tinitibok ng puso ko. Siya parin naman yon. Kahit nga yata ilang ulit siyang mahuli sa pagdating kapag pinagtulungan ulit ako, siguro siya parin ang ititibok nitong puso ko.

Lumipas ang mga araw at nagpatuloy ang paglayo sa akin ni Isaiah. Pagmagkasama naman kami ay hindi kami nag-iimikan. Dipende lang kapag importante ang sasabihin namin.

Hanggang sa isang araw. Masaya silang magkakasama ng mga kaibigan niya na nakaupo sa gitna ng soccer field. Kasama nila si Precious at ang tila mga bago nitong kaibigan.

Maswerte siya at malakas ang kapit ng pamilya niya sa unibesidad na'to dahil ni hindi man lang siya naparusahan sa ginawa niyang pagpapabugbog sa akin sa mga kaibigan niyang ngayon ay nag ko-community service, habang siya ay masayang nakikipag tawanan sa mga kaibigan ni Isaiah at sa mga bago niyang kaibigan. Tama nga si Daphne at Beverly. May itinatagong kasamaan itong si Precious, na sa likod ng kanyang kabaitan at pagiging palakaibigan ay nagtatago ang maitim niyang budhi.

Habang nagtatawanan ang mga kasama ni Isaiah, siya naman ay tahimik lang na nakaupo at ang mga mata niya ay nasa direksyon ko.

"Hi." Naalis ang tingin ko sa kanya at mapalingon ako ng marinig ko ang boses ni Sebastian na tumabi pa sa kinauupuan kong wooden bench. Samantalang ang mga kaibigan ko naman ay abala sa pagtitipa sa kanilang cellphone at laptop.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon