Kabanata 43
Art of Letting Go-----------
"Magnolia, kanina ka pa mukhang wala sa sarili. Okay ka lang ba?" Kunot ang noo na tanong ni Isaiah sa akin, habang nasa isang fine dining restaurant kami na pinuntahan namin pagkatapos ng nude painting session namin. Inaya namin si Ms. Zarosa na sumama sa amin, pero tumanggi siya dahil sinisipag daw siyang gawin yung ipapasa niyang painting.
"Okay lang ako. Bakit naman hindi ako magiging okay? May dahilan ba, Isaiah?"
Hindi siya agad umimik sa tanong ko. Parang siya naman ang nawala sa sarili.
"Isaiah?"
"A, wala." aniya ng magbalik siya sa kanyang sarili.
Pagkatapos namin mag dinner ay nagpasya na kaming umuwi sa condo para maagang makapagpahinga at may pasok pa kami bukas.
"Nasasabik na akong matapos ni Ms. Zarosa yung painting natin, para makahingi na ako sa kanya ng copy. Gusto kong I-display yon sa taas ng head board ng kama ko." Nakangiting sabi ni Isaiah habang hawak niya ang kamay ko at naglalakad kami sa hallway ng condominium building.
Nang nasa tapat na kami ng kanya-kanyang pintuan ng condo unit namin. Naisip kong magtaong kay Isaiah, hindi na kasi ako mapalagay na hindi siya bigyan ng clue sa nararamdaman ko ngayon.
"Isaiah?"
Napahinto siya sa pagbubukas ng pintuan ng kanyang unit. "Hmm?" Sumandal pa siya sa pinto at humalukipkip.
"May nililihim ka ba sa'kin?" Walang paligoy-ligoy kong sabi sa kanya.
Nakita kong nag-igting ang kanyang mga panga at napalunot siya.
"W-Wala." Sagot niya sa tonong alanganin.
"Isaiah, sa tono ng pananalita mo hindi ako makumbinse sa sagot mo na wala. Nararamdaman ko na meron, at kung talagang mahal mo 'ko. Hindi mo itatago yan sa'kin. Sasabihin mo. Wag mong hintayin na sa iba ko pa malaman." May diin kong sabi sa kanya.
Lumapit siya sa'kin at hinawakan niya ang magkabila kong mukha. Napapikit ako ng maramdaman ko ang mainit niyang palad sa mga pisngi ko. "Ano ba ang sinasabi mo? Wala akong tinatago, baby. Just go to sleep at mukhang kung anu-ano na naman yang tumatakbo sa isipan mo. Siya nga pala, sabay tayong pumasok bukas, kasi wala akong professor sa first subject." Tumango lang ako sa kanya at hinalikan niya naman ako sa noo, bago ako tuluyang pumasok sa loob ng condo unit ko.
Alas otso ng makarating kami ni Isaiah sa Clavery University. Buong byahe nga ay wala siyang imik sa akin na ipinagtaka ko. Okay naman kasi kami kagabi, yun nga lang ay may tinanong ako sa kanya. Hindi kaya at bumabagabag sa isipan niya yon ngayon?
Palabas na sana ako ng kotse niya ng pigilan niya ako. Hinawakan niya kasi ako sa may bandang siko.
Napalingon naman ako sa kanya. "Bakit?" Tanong ko habang kunot ang mga noo kong nakatingin sa kanya.
"Mamayang vacant. Sa rooftop, let's talk. I need to tell you something."
Bigla akong kinabahan sa tono ng boses ni Isaiah, napakaseryoso kasi 'non, pero tumango nalang ako sa kanya at saka ako bumaba ng kotse at hinintay siya na makababa. Pagbaba niya ay inayos ko pa ang kwelyo ng suot niyang long sleeve, pati ang tiklop nitong hanggang siko.
"Magnolia, hindi ko kayang mawala ka sa akin. Mahal na mahal kita."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakita kong seryoso ang itsura niya, ang kanyang mga mata ay parang walang buhay na nakatingin sa akin. Punong-punong iyon ng hindi ko mawaring pangamba. Ibang-iba talaga siya ngayon, para bang namamaalam siya sa'kin na ewan.
BINABASA MO ANG
I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)
General FictionMatapos silang iwan na mag-iina ng kanyang ama para sumama sa ibang babae, at maanakan naman ng isang lalaking walang paninindigan ang kanyang ate. Labis ang naging galit ni Magnolia Jamaica Ledesma sa mga lalaki. She became a man hater by choice. B...