Kabanata 32
Desperada----------
Limang minuto matapos mag alas siete. Dumating na si sir Jeremy na agad humalik sa pisngi ni ma'am Isabel.
"I'm sorry if I'm late." Paumanhin niya ng maupo siya sa eleganteng cushion hair sa tabi ni ma'am Isabel. "Nag order na kayo?"
"Yes, dad. Nag-order narin ako para sayo."
"So, what's the meaning of this? Sinagot ka na ba ni Precious? Pumayag na ba siyang magpaligaw sayo?" Nakangiting tanong ni sir Jeremy na tila nagpatuyo naman sa lalamunan ko, kaya napainom nalang ako ng tubig na nasa harap ko at nakalagay sa isang wine glass.
"Actually, I realized that she's not the right one for me, that ever since I met her, I was just attracted, infatuated or whatever you call it. That's why I decided not to pursue her anymore."
"What?" Sabay na nasabi ni ma'am Isabel at sir Jeremy habang nanlalaki ang kanilang mga mata na tila hindi makapaniwala sa sinasabi ni Isaiah. "Is this some kind of a joke or something?" ani sir Jeremy.
"No dad. I'm serious. But you know what, nung na-realize ko na hindi pala love yung naramdaman ko kay Precious, meron pa akong isang na-realize."
"Then what is it?" Tanong ni ma'am Isabel na nakakunot na ang noo.
"That I'm in love with someone else. Someone that can truly bring out the best in me. Someone that can really make my heart pounding out of my chest." Kinuha ni Isaiah ang mga kamay kong nakapatong sa aking hita at hinawakan niya iyon mula sa ilalim ng mesa.
"And that someone is right here. Sitting next to me." At saka siya lumingon sa akin at nginitian ako habang nangingislap ang mga mata niya. Napatingin din sa akin si ma'am Isabel at sir Jeremy habang naka awang ang mga bibig nila.
"So, do you have something to say?" Tanong ni Isaiah sa mga ito.
Wala parin silang imik at nagpapasalit-salit ang tingin nila sa amin.
Kinakabahan ako at parang gusto ko ng mapaiyak dahil pakiramdam ko, hindi nila nagustuhan ang mga sinabi ni Isaiah.
Naramdaman ko namang pinisil ni Isaiah ang kamay ko na nangangatog sa kaba.
"Mom, dad?" Pukaw niya sa mga ito.
"Chadrick that was...that was so fantastic!" Kasunod ng isang malapad na ngiti ni ma'am Isabel, na tila ngayon lang nag sync in sa kanyang utak ang mga sinabi ni Isaiah.
Napabuntung-hinga kaming pareho ni Isaiah sa reaksyon na yon ng mommy niya.
"Pasensya na kung hindi kami agad nakapag react. Masyado lang kaming nagulat. Even though, we're really expecting it to happen." Tumatawang sabi ni sir Jeremy.
"Expecting it to happen?" Nagtatakang tanong ni Isaiah.
"Yes, simula ng umuwi ka dito kasama siya." ani ma'am Isabel.
Naputol ang usapan namin ng biglang dumating ang waiter dala ang mga inorder naming pagkain.
"Mom, nasa state of indenial palang ako nun. How did you even know that this will happen?" Natatawang sabi ni Isaiah habang kumakain kami.
"Because I can see it in your eyes. Kapag nga matutulog kami ng dad mo. Hindi kayo mawala sa kwentuhan namin. Minsan iniisip din namin kung paano kung magiging kayo."
Napapailing nalang at nangingiti si Isaiah sa mga magulang niya habang ako ay hindi rin mawala ang ngiti sa labi, dahil sa pagtanggap nila sa akin. Sobrang gaan ng pakiramdam ko, nawala bigla ang lahat ng takot, kaba at kung anu-ano pang hindi magagandang nararamdaman ko dahil sa magandang pagtanggap sa akin ni ma'am Isabel at sir Jeremy.
BINABASA MO ANG
I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)
General FictionMatapos silang iwan na mag-iina ng kanyang ama para sumama sa ibang babae, at maanakan naman ng isang lalaking walang paninindigan ang kanyang ate. Labis ang naging galit ni Magnolia Jamaica Ledesma sa mga lalaki. She became a man hater by choice. B...