Kabanata 11
Natutuwa, Natatakot----------
"Hmm! Ang sarap po ng kare-kare niyo Ms. Ledesma." puri ni Isaiah kay nanay, habang katabi niya si mang Rolando at nagkakamay siyang kumakain sa dahon ng saging.
Halatang hindi siya marunong magkamay pero natutuwa ako dahil sinusubukan naman niya.
Di kalayuan naman sa amin ay naroon sila donya Amparo at senyora Alejandra na sarap na sarap din sa pagkain, todo pa nga ang asikaso ng ibang kababayan namin sa kanila.
"Sir, Isaiah. I-try niyo rin po itong ginataang tilapia na niluto ko. Sabi po kasi ng anak ko mahilig daw po kayo kumain ng isda." Pagbibida ng nanay ni Zenda na si Aling Elena. Habang ang huli naman ay halos di na makakain habang titig na titig kay Isaiah, magkatabi pa nga sila ni Dayday na ganoon din ang reaksyon. Palibhasa'y harap-harapan na nila ito ngayon.
"Magkakilala pala si Zenda at Isaiah?" Tanong ng isa sa mga matatandang naririto ngayon.
"Oo naman. Diba sir, Isaiah?" ani aling Elena.
Nakita kong tumango si Isaiah pero tuloy parin siya sa pagkain. At ilang saglit matapos niyang tikman ang ginataang tilapia ng nanay ni Zenda, nag angat siya ng tingin habang nakangiting ngumunguya.
"Masarap nga po itong ginataang tilapia niyo. Magnolia, tikman mo 'to."
Nanlaki ang mga mata ko ng banggitin ni Isaiah ang pangalan ko. Bahagya pa siyang tumayo at inabot sa akin ang lalagyan ng ginataang tilapia. Pagitan lang naman kasi namin sa upuan si mang Rolando at nanay.
"Aba, bakit naman si MJ lang ang inaalok mo, Sir Isaiah. Ikaw ha, may gusto ka kay MJ no?" Pambubuyo ng isa sa mga sunog baga rito sa amin na mabuti nalang at hindi lumalaklak ng alak ngayon, mamaya pa panigurado. "Kung sa bagay ay marami talagang may gusto kay, MJ. Magandang mailap kasi."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinasabi ng isang 'to.
Hindi naman sumagot si Isaiah sa mapanuksong tanong nito sa kanya. Sa halip ay isang matamis na ngiti lang ang sumilay sa kanyang mga labi, habang ako naman ay pinanlalakihan siya ng mga mata dahil gusto kong iparating sa kanya na manahimik nalang talaga siya.
Sa huli ay kinuha ko nalang ang inabot niyang pagkain. Nakita ko pa ngang masama ang tingin sa akin ni Zenda habang si aling Elena naman ay mapanuri akong tinignan.
Kaya ayokong malaman ng lahat na malapit ako sa heredero ng mga Fontanilla e. Hindi maiiwasang mag-isip sila sa akin ng masama at paniguradong magagalit o maiinis din sila sa akin. Syempre gusto nila, sila ang papansinin, halos lahat pa nga ng mga ina rito ay gustong ihain ang anak nila kay Isaiah at maging kapamilya ang mga Fontanilla. Katulad nalang nitong ina ni Zenda.
"Bwisit ka!" Hinampas-hampas ko ng malakas si Isaiah ng makarating kami rito sa likod bahay nila Dayday sa tabi ng poso. Palihim ko kasi siyang pinasunod sa akin dito kanina, para kausapin.
"A-Aray! Ano bang kasalanan ko sayo?" Aniya habang tumatawa-tawa.
"Kapag nasa harap tayo ng maraming tao, pwede ba magkunwari ka naman na hindi mo ko kilala."
"And why would I do that, if you're the only girl I see?"
Parang may kung anong kumiliti sa puso ko dahil sa sinabi niya. Pero pinilit kong labanan ang kiliting yon at dinuro ko siya habang tinitigan ng masama. "Wag mo 'kong maganyan-ganyan ha. Yang mga ganyang linya, gamit na gamit na 'yan, Isaiah. Lokohin mong lelang mo! Kabaliwan ang sinasabi mong ako lang ang nakikita mo. Bakit anong klaseng vision ba meron yang mga mata mo? Isa pang ganyan mo sasapakin na talaga kita!"
BINABASA MO ANG
I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)
General FictionMatapos silang iwan na mag-iina ng kanyang ama para sumama sa ibang babae, at maanakan naman ng isang lalaking walang paninindigan ang kanyang ate. Labis ang naging galit ni Magnolia Jamaica Ledesma sa mga lalaki. She became a man hater by choice. B...