Kabanata 36
Junior----------
Pag-uwi namin sa Maynila ay malungkot akong nag empake ng mga gamit ko. Mga damit at ilang personal hygiene product lang naman ang dinala ko, pati ang ilang stuffed toy na ibinigay sa akin ni Isaiah.
"Dadalaw-dalaw ka parin dito ha, Magnolia." ani ma'am Isabel. Habang kasabay na naman nila akong kumakain ng hapunan.
"Basta, pagpareho tayo ng schedule, sabay parin tayong papasok sa school. Ihahatid sundo kita." Seryosong sabi ni Isaiah. Halata sa mukha niya na hindi niya talaga nagugustuhan ang ideyang paglipat ko ng condo.
"Bukas, paglipat ni Magnolia sa condo. Mag groceries kayo, para marami siyang stock na pagkain at hindi na maglalalabas pag nagugutom, lalo na pag gabi. Delikado at maraming loko-loko ngayon. Wala narin namang aayusin sa condo dahil ang sabi ni mama, well decorated na yon at kumpleto narin sa furnitures." ani sir Jeremy.
"Nako! Ma-mimiss talaga kita, Magnolia." Tila malungkot na sabi ni ma'am Isabel.
"Sa totoo lang, pakiramdam ko. Walang tiwala sa akin ang pamilya mo, Magnolia. Kahit ano yatang sabihin ko para mapagaan ko ang loob nila at mawala ang agam-agam nila sa akin, they'll never believe me." ani Isaiah habang nasa balkonahe kaming dalawa. Nakatayo siya at nakatukod ang mga kamay niya sa railings ngayon.
Mula sa likuran niya ay niyakap ko naman siya.
"Naiinitindihan kita. Sadyang gusto lang talaga nilang matupad ko ang pangarap ko at wag matulad sa kanila na masyadong nalunod sa pag-ibig.""Hindi ako katulad ng tatay mo at dating boyfriend ng ate mo, Magnolia. Oo siguro naging mapaglaro ako sa pag-ibig noon, walang balak na pumasok sa isang seryosong relasyon, pero nung dumating ka lahat yon handa akong pasukin, lahat yon handa kong gawin basta ikaw yung kasama ko."
"Makukuha mo rin ang tiwala nila someday. Masyado lang kasi silang mahigpit ngayon dahil naranasan na nilang magtiwala at masiraan ng tiwala sa mga taong labis nilang pinagkatiwalaan."
Dahan-dahan namang humarap sa akin si Isaiah at hinalikan ako sa ulo habang ang mga braso niya ay ipinulupot niya sa leeg ko. "Hindi ako magsasawang patunayan sa kanila na karapat dapat ako sayo."
Kinabukasan ay hinatid na nga ako ni Isaiah sa isang studio type condominum. Naroon ito sa isa sa matatayog na building dito sa Taguig at hindi naman ito nalalayo sa bahay nila Isaiah, ilang lakad lang kasi iyon ay nasa tapat ka na ng guard house sa private subdivision na kinaroroonan ng bahay nila.
Sumakay kami ng elevator ni Isaiah at pinindot niya ang 5th floor kung saan naroon ang condo unit na tutuluyan ko.
Mabilis kaming nakarating roon at pagbukas ni Isaiah ng pinto ay tumambad sa paningin ko ang naghahalong beige and brown na kulay sa loob. May malaking flat screen TV rito na may home theater system, airconditioner ang buong unit, at kumpletong-kumpleto ang mga gamit sa maliit na kitchen nito. May balkonahe rin dito.
Maganda ang buong unit pero mukhang nakakalungkot dahil mag-isa lang akong titira .
"Is it okay to you?" Tanong ni Isaiah habang ng pabagsak siyang maupo sa kulay brown na sofa at may tatlong kulay beige na throw pillow.
"Okay lang. Kaso, mukhang kailangan kong mag adjust dahil mag-isa nalang ako ngayon."
Agad siyang tumayo sa sofa at niyakap niya ako mula sa likod, at saka niya ipinatong ang baba niya sa balikat ko.
"Basta lagi mo lang akong tatawagan. And if you want me to come over here. Pupuntahan kita agad, basta sabihin mo lang. I'm gonna miss your morning face."
BINABASA MO ANG
I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)
General FictionMatapos silang iwan na mag-iina ng kanyang ama para sumama sa ibang babae, at maanakan naman ng isang lalaking walang paninindigan ang kanyang ate. Labis ang naging galit ni Magnolia Jamaica Ledesma sa mga lalaki. She became a man hater by choice. B...