Kabanata 39
Kapalit----------
Habang nanonood ako ng morning news at kumakain ng toasted bread. Bigla namang tumunog ang doorbell.
Malamang si Isaiah 'to. Alas otso palang ng umaga mambubulabog na siya. Napangiti ako ng maalala ko ang mga ginawa niya kagabi, napaka sweet niya talaga.
Tumayo na ako at nagmamadaling binuksan ang pinto.
"Tiya, MJ!"
Halos mapako ako sa kinatatayuan ko ng hindi si Isaiah ang tumambad sa akin, kung di si nanay, ate Celine at Pearl.
Pumikit ako at kinusot ko ang mga mata ko sa pag-aakalang nananaginip lang ako, pero hindi. Totoo ang nakikita ko ngayon sa harap ko. Ang pamilya ko.
"Totoo nga! Nandito kayo!"
Nagtatalon ako sa tuwa at niyakap ko sila isa-isa. Si Pearl, si nanay at si ate Celine.
"Pasok kayo!" Tuwang-tuwa kong pang-aaya sa kanila. "Sinong kasama niyo rito?" Tanong ko pa.
"Pinuntahan kami ng isa sa mga driver nila donya Amparo at sinabing pinapupunta raw kami ni Isaiah dito para sa birthday mo. Iyon ang naghatid sa amin dito at iyon din ang mag-uuwi sa amin."
"Si Isaiah ang may plano nito?"
Lihim na namang natuwa ang puso ko sa ginawa ni Isaiah. Isa nga marahil ito sa mga surpresa niya sa akin.
"Tiya MJ, ang ganda naman po rito. Ang lambot po ng upuan." ani Pearl na nakahiga na ngayon sa sofa.
"Gusto mo manood ng cartoons?"
Tumango naman siya kaya agad kong nilipat ang TV sa isang cartoon channel.
Si ate at nanay naman ay panay ang paggala ng mga paningin sa buong condo unit na tinutuluyan ko.
"Ganito pala ang bahay ng mga mayayaman no? Isa kalang na nakatira, pero ang laki-laki na. Mas malaki pa yata ito sa bahay natin, MJ." ani nanay.
"Sinabi niyo pa po."
Maya-maya'y muli na naman akong nakarinig ng doorbell. At this time ay si Isaiah na ang tumambad sa akin na may bitbit na paper bag na brown, ng isang fast food restaurant. Naka tank top lang siyang puti na hapit sa kanyang katawan, itim na jogging pants at naka rubber shoes. Nakasabit pa ang earphone niyang puti sa kanyang leeg. Mukhang kagagaling lang talaga niya sa pag ja-jogging.
"Good Morning. I bought them some breakfast."
Nginitian ko siya at pinapasok.
"Good Morning po. Kamusta ang byahe?" Tanong ni Isaiah sa pamilya ko. "Bumili po ako ng breakfast para sa inyo, kain po muna kayo."
"Isaiah, salamat sa pagpapapunta mo sa amin dito ha, talagang miss na namin itong si MJ e." ani nanay habang naglalakad siya palapit sa amin ni Isaiah na narito sa maliit kong dining.
"Ayoko po kasi na ito yung maging first birthday ni Magnolia dito sa maynila, na hindi niya kayo makakasama."
"Isaiah, balita ko kay Magnolia na dyan ka na nakatira sa katabi niyang unit?" ani ate na nasa sala at kasama si Pearl na tutok na tutok sa pinanonood.
"Yes. Nasanay na kasi ako na parati kong kasama si Magnolia, nakikita siya pag bagong gising, o bago matulog at hindi ko na kayang lumayo sa kanya."
Kumunot ang noo ni ate. "Ibig sabihin, malaya kang nakakalabas masok dito kahit kailan mo gusto? Teka, e di parang wala ring nangyari kasi kaya nga namin binukod si Magnolia dahil ayaw naming masyado kayang maging malapit sa isat-isa. Tapos ngayon, eto at magkatabi lang kayo ng unit at wala pang mga taong nagbabantay sa inyo, baka naman araw-araw niyong ginagawa-"
BINABASA MO ANG
I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)
General FictionMatapos silang iwan na mag-iina ng kanyang ama para sumama sa ibang babae, at maanakan naman ng isang lalaking walang paninindigan ang kanyang ate. Labis ang naging galit ni Magnolia Jamaica Ledesma sa mga lalaki. She became a man hater by choice. B...