Kabanata 41
Hindi pala----------
Kanina pa ako tawag na tawag kay Isaiah pero hindi siya sumasagot. Bisperas ng pasko ngayon at gumagayak na kami nila nanay para pumunta sa simbahan. Huling gabi na kasi ng Misa de gallo.
Gusto ko sanang makipag kwentuhan muna kay Isaiah, habang naghihintay ako kanila nanay dito sa labas ng bahay namin. Hinihintay na nga rin kami ni mang Rolando na may dalang tricycle na sasakyan namin papuntang simbahan.
"Isaiah, nasaan ka ba?" Naiinis kong tanong sa sarili ko.
Panay lang kasi ang ring ng cellphone ni Isaiah. Natatakot tuloy ako na baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Nakailang dial pa ako sa number niya, hanggang sa wakas ay sagutin niya na yon.
"Hello?"
Nailayo ko bigla ang cellphone ko sa tenga dahil sa maingay na tugtog na naririnig ko sa background ni Isaiah.
"Isaiah, nasaan ka ba? Kanina pa ako tumatawag."
"Baby, I can't hear you. Wait lalabas ako."
Unti-unting humina ang malakas na tugtog na naririnig ko.
"So, what's up? Do you miss me?" ani Isaiah.
"Nasaan ka?"
"Nasa bar. Kasama ko ang mga kaibigan ko."
"Bakit wala ka sa bahay niyo?"
"Pauwi narin ako. Ikaw anong ginagawa mo ngayon?" Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa tono ng boses niya na biglang nawalan ng sigla. "I miss you. Dalawang araw palang kitang hindi nakikita, pakiramdam ko. Buwan na ang nakalipas."
"I miss you too. Wag kang masyadong uminom, para walang masabi sayo yung mga kamag anak niyo. Merry Christmas nga pala."
"Merry Christmas din, I can't wait to see you again."
Naikwento sa akin ni Isaiah na kanina raw ay kamuntik na siyang makipag-away sa isa sa mga pinsan niyang kaedad niya lang. Ang lakas daw kasing makapang-insulto. Sa inis niya ay muntik niya na itong masapak, mabuti nalang daw at si ma'am Isabel lang ang nakakita sa kanila at agad na inilayo siya sa pinsan niya, kaya nga napunta siya sa bar na kinaroroonan niya ngayon.
"Umuwi ka na bago mag noche buena. Baka kung ano na namang sabihin sayo ng mga kamag-anak niyong makikitid ang utak."
"Opo. Pauwi na nga po ako, ma'am." Aniya. "Kung sana kasama kita ngayon, ang saya-saya siguro ng pasko ko, di tulad ngayon na parang isa lang 'tong ordinaryong araw."
Natapos ang pasko at mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi na ako natutuwa na sa tuwing tatawagan ko si Isaiah ay madalas aiyang nasa bar. Noong una ay nauunawaan ko pa na pumupunta siya roon para mag-relax, mula sa pakikisama niya sa mga kamag-anak niyang hindi siya maunawaan.
Pero habang tumatagal ay hindi ko na nagugustuhan ang madalaa niyang pagpunta roon.
"Isaiah! Nawala lang ako dyan, inaaraw-araw mo na yata ang pag-inom?" Naiinis kong sermon sa kanya.
"Magnolia, inaaliw ko lang ang sarili ko. Kasi wala ka rito, kasi hindi kita kasama."
"So, kapag wala pala ako dyan. Ganyan ang parati mong gagawin? Umuuwi ka ba lagi sa inyo ng lasing?"
"Of course not."
"Isaiah! Can you please leave your phone and let's just dance!"
Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses na yon ng isang babae.
BINABASA MO ANG
I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)
قصص عامةMatapos silang iwan na mag-iina ng kanyang ama para sumama sa ibang babae, at maanakan naman ng isang lalaking walang paninindigan ang kanyang ate. Labis ang naging galit ni Magnolia Jamaica Ledesma sa mga lalaki. She became a man hater by choice. B...