Kabanata 20
Beautiful----------
Pagbalik ko sa kwarto ko. Humarap ako sa malaking salamin at pinakatitigan ang aking sarili. Niyakap ko ang sarili ko at inilandas ang daliri ko sa aking mga labi, napapikit ako ng muli kong maalala ang mga halik ni Isaiah sa akin, damang-dama ko parin ang mga halik niya. Ang bawat galaw ng malalambot at maiinit niyang labi.
Gusto kong pagsisihan kung bakit tumugon ako sa mga halik niya, pero aminado naman akong nagustuhan ko rin yon.
Ang ikinakatakot ko lang ngayon ay kung paano ko pipigilan ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya.
Dahil ngayon, unti-unti ng nagiging malinaw sa akin ang lahat. Hindi lang basta akong naakit sa kanya, hindi lang ako basta natangay ng pagnanasa, kaya ako tumugon sa mga halik niya, kung di dahil yon sa kagustuhan rin ng damdamin ko.
Nahuhulog na ako sa kanya at hindi makakapag sinungaling doon ang puso kong marinig palang ang boses niya ay parang lumulundag na sa tuwa, at tila gusto ng lumabas sa loob ng katawan ko.
Pero hindi pwede, hindi ako pwedeng ma-in love sa kanya dahil may mahal siyang iba.
Makalipas ang ilang oras. Hindi parin ako makatulog, sinubukan ko na nga yatang i-try ang lahat ng posisyon, pero nanatili paring gising na gising ang diwa ko. Hindi ako makatulog dahil sa mga nangyari.
Pasikat na ang araw ng bumigat na ang mga talukap ng mga mata ko at ng mapapikit ako ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
"Magnolia! Magnolia! Onay, bilis baka kung ano ng nangyari sa kanya!"
Naririnig kong sabi ni Isaiah habang nasa labas siya ng pintuan. Ang bigat pa ng katawan ko, ayoko pang bumangon.
Pero bigla akong napabalikwas sa kama ng maalala kong nasa pintuan si Isaiah. Makikita ko naman siya, ang lalaking dahilan kung bakit ako napuyat.
Ilang saglit lang ay bigla ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nun si Isaiah, ma'am Isabel, ate Onay, ate Carlota at manang Lupe. Bakas na bakas sa mukha nila ang pag-aalala. Nakita ko pang nag sign of the cross si manang Lupe.
"My God, Magnolia! Are you alright?" Tanong ni Isaiah ng lapitan niya ako at umupo siya sa gilid ng kama ko. Hinawakan niya pa nga ng magkabila niyang kamay ang mukha kong, tila nag-init naman dahil sa ginawa niya.
Punung-puno ng pag-aalala ang mukha ni Isaiah, habang pinapasadahan niya ako ng tingin. Hindi ko naman siya matignan ng diretcho dahil naiilang ako sa kanya.
"Kanina ka pa namin kinakatok. Akala namin kung anu na ang nangyari sayo. Pasado alas dos na kasi." Sabi naman ni ma'am Isabel.
"Bakit ba hindi mo binubuksan ang pinto?" Tila galit na tanong ni Isaiah habang magkasalubong ang mga kilay niya.
"D-Dahil kagigising ko lang. Hindi kasi ako m-makatulog kagabi." nauutal kong sagot. Eto na naman ang mga ala-ala ng mga nangyari kagabi na ngayon ay bumabalik na naman sa isipan ko.
"Diyos ko ka namang bata ka! Aatakihin ako sa puso, sa pag-aalala sayo e. Natutulog ka lang pala." ani manang Lupe.
"Pero mas nag-alala sayo si sir Isaiah. Tarantang-taranta siya nung sinabi naming hindi ka parin lumalabas ng kwarto mo." Tila nanunuksong sabi ni ate Onay.
"Oo nga, umaga palang kasi kinatok ka na niya pero hindi mo raw binubuksan ang pinto. Inisip niyang natutulog ka pa kaya hinayaan ka nalang muna niya." Dagdag pa ni ma'am Isabel.
"Hindi ka ba nagugutom? Kumain ka na sa baba. Don't starve yourself, baka nga nalipasan ka na ng gutom." ani Isaiah.
"Maliligo muna 'ko, tapos bababa na ako."
BINABASA MO ANG
I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)
General FictionMatapos silang iwan na mag-iina ng kanyang ama para sumama sa ibang babae, at maanakan naman ng isang lalaking walang paninindigan ang kanyang ate. Labis ang naging galit ni Magnolia Jamaica Ledesma sa mga lalaki. She became a man hater by choice. B...