Kabanata 14

14K 312 32
                                    

Kabanata 14
Virgin

----------

"Mom! I'm home." Pasigaw na sabi ni Isaiah pag-akyat namin sa itaas nila. May malaking TV dito at may sala set. Marami ring mga naglalakihang porselanang banga na naroon.

"Mom! Are you not going to give me a hug?" pasigaw pa ulit na sabi ni Isaiah, hindi rin niya binibitawan ang kamay ko. "She's probably on her bedroom."

Huminto kami sa tapat ng isang pintuan at kumatok doon si Isaiah.

Nakailang katok siya ng sa wakas ay bumukas ang pinto at tumambad ang isang mestizang babae na katulad na katulad ni Isaiah ang mga mata.

"Oh! Chadrick!" Gulat na sabi nito kasunod ng mahigpit nitong pagyakap kay Isaiah, binitawan naman ng huli ang kamay ko para yakapin din ang ina nitong siguradong na-miss niya.

"I miss you. How's your vacation? How's your lola and tita there?"

"I'll tell you everything later mom, but for now." Kumalas sa yakap ng kanyang ina si Isaiah at nilingon niya ako, bigla na naman akong kinabahan ng mapatingin sa akin ang kanyang ina.

Nakakamangha ang ganda nito. Naroon na ang mga guhit ng katandaan sa mukha nito, pero napakaganda parin niya.

"I want you to meet, Magnolia Jamaica Ledesma. She's the one I'm telling you, mom."

Ikinukwento ako ni Isaiah sa mommy niya? Ano naman kaya ang sinasabi niya rito?

Pinasadahan ako ng tingin ng mommy niya, mula ulo hanggang paa. At ng magtama ang mga mata namin ay isang malapad na ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"Chadrick's right. You're a very beautiful promdi. It's nice to meet you, Magnolia." Masuyong hinawi ng mommy ni Isaiah ang buhok kong nasa aking balikat at inilagay niya yon sa likod ko. "Mukha kang indian." dagdag niya pa habang pinapakatitigan niya ako.

"Half indian po ang tatay ko."

"Oh, I see."

Muli namang nagsalita si Isaiah. "By the way, Magnolia. She's Isabel Cabral Fontanilla." Kasunod ng pag-akbay niya sa kanyang ina. "My very beautiful mom."

"Nice to meet you po."

"Ang sabi sa akin ni Chadrick ay gusto mo raw pagtrabahuan ang pagtuloy mo rito."

"Opo, para kahit papaano ay makabawi naman po ako sa tulong ni donya Amparo."

"But you don't have to do it, Magnolia. Sapat na yung pagbutihan mo ang pag-aaral mo."

"Hindi po. Magtatrabaho po ako rito. Napag-usapan na po namin 'yon ni donya Amparo."

Nakita kong ngumisi si Isaiah at humalukipkip.

"I told you, mom. She have a very strong dignity."

"Well, I'm liking her more."

Kung magsalita sila tungkol sa akin ay para bang wala ako.

"Kung yan ang gusto mo, okay sige. From now on, you'll be one of our maid. But I won't make it hard to you, darling. Gusto ko, si Chadrick lang ang asikasuhin mo for me. In short, you will be, Chadrick's personal maid." Nakangiting sabi ni ma'am Isabel.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na pagiging personal maid ang ibibigay sa akin dito. Gusto kong tumanggi pero nahihiya naman ako, 'tsaka ginusto kong magtrabaho sa kanila, kaya dapat panindigan ko, tiisin at sundin ang gusto nila.

"Is it okay to you, Magnolia?" Tanong pa sa akin ni ma'am Isabel.

Tinignan ko muna si Isaiah na nakahalukipkip parin at pangisi-ngisi.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon