Kabanata 4

17.3K 367 20
                                    

Kabanata 4
Tiwala

----------

Paulit-ulit kong naaalala ang mga nakita ko sa loob ng cr. Kung paano maghalikan ng sobra-sobra si IC at Jessie, pati ang mga ungol nilang dalawa. Kinikilabutan talaga ako.

Napabangon nalang ako dahil hindi ako makatulog. Napalingon pa ako kay nanay, ate at Pearl na mahimbing ng natutulog. Magkakatabi kasi kami sa isang malaking papag.

Pagkababa ko sa papag na hinihigaan namin ay naglakad ako papunta sa mesa. Naupo ako sa upuang naroon at nangalumbaba.

Ano ba kasing meron kay IC at ginugulo ng kalandian nila ng girlfriend niya, ang utak ko? Noong una akala ko iba siya, pero dahil buko ko na, na may tinatago din siyang kapilyuhan. Nagbago agad ang tingin ko sa kanya, wala rin siyang ipinagkaiba sa mga lalaking mahilig manloko ng babae. Mga lalaking uhaw sa laman, na basta kung saan nalang maabutan. Doon gagawin.

Alam ko na lahat naman may tinatagong baho, pero bakit hindi ko kayang tanggapin na kasama doon ang lalaking itinuring kong Knight in shining armor. Napabuntung hininga nalang ako at napailing-iling dahil sa kung anu-anong pumapasok sa isip ko.

"MJ, bangon na. Naluto na namin ni nanay ang mga ititinda mo."

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko habang nag-uunat at naghihikab.

"Anong oras na ba?"

"Alas nuebe na, MJ."

Napabaligwas ako sa hinihigaan ko dahil sa sinabi ni ate. Bigla ay nagising ang natutulog kong diwa.

"Alas nuebe na?"

"Opo. Anong oras ka'ba natulog kagabi? Sa pagkakaalam ko ay sabay-sabay tayong humiga." ani ate habang nakapamaywang at nakataas ang isang kilay sa akin.

"Hindi ako makatulog kagabi."

"At bakit naman hindi ka makatulog, MJ? May bumabagabag ba sayo? May problema ba?"

Gusto kong magkwento kay ate pero hindi ko magawa. Ewan ko ba. Baka kasi kung ano pang isipin niya kapag nagkwento ako.

"Tungkol ba yan kay IC? Ano pang nangyari kahapon sa inyo na hindi mo sa'kin sinasabi?" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni ate.

"Wala. Wala namang nangyari bukod sa pagsama ko sa kanila ng girlfriend niya na mamasyal."

"E bakit nga hindi ka makatulog kagabi? Naku! Humanda sa'kin yang IC na yan. Pinagtangkaan ka ba niya ng masama?"

Napakamot nalang ako ng ulo ko dahil sa pagka-paranoid ng ate ko.

"Wala siyang ginawa ate. Hindi niya 'ko gagawan ng masama, iniligtas niya nga ako noon diba? At saka hindi ang klase ng babaeng tulad ko ang papatulan niya. Hindi lang siguro ako makatulog kagabi, kasi pakiramdam ko namamasyal parin ako. Kaya ate, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano."

"Wag kang magtitiwala agad sa lalaking yon, hindi porket gwapo yon at mukhang mabait. Mapagkakatiwaan na'yon."

"Alam ko, ate. Dalang-dala na ako sa mga dating lalaking dumaan sa buhay natin, kaya hinding-hindi na ako maloloko." May diin kong sabi sa kanya.

"Siguraduhin mo lang, MJ. Sa panahon ngayon. Marami ng manloloko kaya wag kang magpapaloko. Kapag nagmahal ka dapat maging wais ka, wag puro puso ang paganahin mo. Eto," sabay turo niya sa kanyang sintido. "Eto ang dapat na mas manaig."

Mag-aalas diyes na ako ng umaga ako nakaalis ng bahay namin para magtinda. Dala ang basket ko na may lamang mga paninda ko, bilaong nakaipit sa kili-kili ko at mabigat na lalagyan ng samalamig. Nilakad ko ulit patungo sa pwesto ko kung saan parati akong nagtitinda.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon