Kabanata 50

15.6K 299 70
                                    

Kabanata 50
Hihintayin

----------

Two years later...

Tahimik kong pinagmamasdan isa-isa ang mga painting na naka-display at kasama sa exhibit na ginaganap ngayon dito sa Los Angeles, Convention center. For a cause ang exhibit na ito. At bilang representative ng university namin ay ipinadala ako rito, kasama ang dalawa kong professors. Kasama rin sa exhibit ang ginawa kong painting. Ang 'Uomo Solo' o Lonely Man sa english. Makikita sa painting ang isang lalaking nakatalikod, kulay apoy ang background color na inilagay ko at sa itaas ay may araw. Simple kung titignan sa unang tingin, pero ang sabi ng marami ay habang tumatagal, mararamdaman mo kung gaano kalungkot ang painting ko at tatamaan ang sino mang lalaking titingin dito.

Sa halos dalawang taon ko sa Italy. Mas nahasa talaga ang pagpipinta at pagguhit ko. Halos buwan-buwan. Ibat-ibang painting ang nagagawa ko. Nag working student din ako dahil ayoko namang umasa lang sa perang ibinibigay sa akin, as a scholar student. Waiter ako sa isang malaking cafe at paminsan-minsan naman ay may ilang gustong mag pa-painting sa akin na kakilala ko, isinisingit ko yon kapag free time ko, at pagnatapos ko na ay ibinibigay ko agad yon sa kanila at binabayaran naman nila ako ng sapat na halaga, sobra-sobra pa nga kapag talagang nagandahan sila. Hindi naman sa pagmamayabang, pero malaki ang kinikita ko rito sa Italy.

"Uomo Solo. Why I have this feeling that it's me?" Napalingon ako sa lalaking katabi ko, na nakatingin sa painting ko ngayon.

"You're lonely?" Tanong ko naman sa kanya.

Hindi siya lumilingon sa akin. "Yah. Binitawan kasi ako ng babaeng pinakamamahal ko."

Nagulat ako ng marinig kong nagtagalog ito.

"Pinoy ka?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Mabilis naman siyang lumingon sa akin dahil narinig niya rin akong nagtagalog.

Napaawang ang bibig ko ng makita ko siya. Tumama ang tingin niya sa akin, kulay brown ang mga mata niya at mahahaba ang kanyang pilik mata na nakabaluktot paitaas. I know it's natural kasi lalaki siya at kitang-kita yon sa tikas ng katawan niya. Actually, we have the same curl lashes. At hindi maitatanggi na gwapo ito, mukhang may halo din siyang banyaga pero matatas ang tagalog niya.

"Pinoy ka rin?" Nakangiti niyang tanong. "I thought your an Arab."

Nginitian ko siya at tumango. "I'm half arab. Indian ang tatay ko."

"So, would you mind if I ask you  what are you up to here?"

"School representative ako. I'm a painter."

Nanlaki ang mga mata niya sa sagot ko. "Really? Oh I thought you're a model."

"Ikaw, bakit ka nandito?"

"I'm here 'cause one of my employee invited me. Mahilig kasi sa painting. Anyway, do you know who's this MJ Ledesma? If I've read it right. I like his painting, medyo nakakarelate ako. Siguro may pinagdaraanan ang painter nito. I wanna talk to him, baka magkasundo kami."

"Him?" Tinawanan ko siya na ipinagkunot naman ng noo niya. "MJ Ledesma, is not a guy." Sagot ko sa kanya. Nakita ko naman ang pag kunot ng noo niya.

"MJ! Someone wants to talk to you." Pagtawag sa akin ng professor ko na kasama ko rito sa L.A

"I gotta go." Paalam ko naman sa lalaking kausap ko.

"Wait! So, ikaw ang painter nito?" Sabay turo niya sa Uomo Solo.

Tumango naman ako sa kanya.

"Can I talk to you later? I have some questions to ask you, would you mind?"

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon