Kabanata 48

13K 296 49
                                    

Kabanata 48
Hihintayin kita

----------

Pagbalik kong muli sa Maynila ay naging abala ako sa pag-aasikaso ng passport at visa ko. Magiging mabilis lang daw ang proseso dahil tinutulungan ako mismo ng eskwelahang papasukan ko.

Sa tuwing uuwi ako ng condo ay madalas kong makita si Isaiah na uuwi ng unit niya na lasing, nakahawak na nga siya sa pader habang naglalakad. Ang akala ko nga ay hindi na siya umuuwi ng condo at doon nalang siya sa bahay nila para asikasuhin si Daphne.

Mabilis na lumipas ang mga araw at nagsimula na ang bakasyon. Matindi na naman ang init at karamihan sa mga tao ay nagpupuntahan na sa ibat-ibang beach resort.

"Why are you not coming to Ashralka? Don't you miss your family?" Tanong ni Isaiah ng katukin niya ako isang hapon. Mabuti nalang at hindi siya lasing.

"Marami akong inaasikaso, Isaiah. Isa pa, naabisuhan ko narin naman sila nanay." sagot ko.

"Magnolia, hindi na kita gaanong nakikita na nagsasaya. I miss that. Please, enjoy this summer. Come with us." Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Masaya naman ako, hindi mo lang nakikita. Masaya ako. Kapag wala ka. Sige na, Isaiah may gagawin pa ako." Akmang isasara ko ng ang pinto ng iharang niya ang braso niya.

"Are you really not coming, Magnolia? Gusto kitang makasama ngayong bakasyon. Just like before."

"Marami talaga akong inaasikaso, Isaiah. At hindi na magiging tulad ng dati ang lahat ngayon."

"E di hindi rna in ako sasama, dito lang ako. Kasama mo. Sasamahan kita kung ano mang inaasikaso mo."

"Isaiah, diba kaya ka pupunta sa Ashralka ay para samahan doon si Daphne at ng mas makilala siya ng lola at tita mo? Kaya kailangan sumama ka roon."

"Not without you."

"Ano pa bang kailangan mo sa'kin? Isaiah, hindi ako ang pananagutan mo. Kalimutan mo nalang ako, pwede ba?"

"Magnolia, nangako lang ako sayo na magiging ama ako sa batang yon, na mamahalin ko siya tulad ng pagmamahal ko sayo, pero hindi ko ipinangako sayong kakalimutan kita, kasi hindi ko kaya."

"Eto na naman tayo e. Isaiah, ano ba? Sa ginagawa mong yan, ngayon palang sinisira mo na yung pangako mo sa'kin na mamahalin at magiging ama ka sa bata, kung mas pipiliin mo akong makasama."

Napapikit siya at naitutop ang kamay niya sa kanyang noo. "Fine. Pupunta ako sa Ashralka, pero hindi ako magtatagal doon." Pagsuko niya.

Sa pag-alis ni Isaiah. Aaminin ko, nami-miss ko siya. Lumipas ang dalawang linggo, pakiramdam ko gustong-gusto ko na siyang makita at para ibsan ang lungkot na nararamdaman ko ay nakipagkita ako kay Sebastian. Si Beverly sana ang aayain ko pero nagbakasyon nga pala siya sa mga lola niya sa Cebu.

"Tuloy na tuloy ka na talaga. Sana pagbalik mo kilala mo parin ako ha." ani Sebastian habang nasa isang cafe kami.

"Oo naman. Mabilis lang ang two years, makikilala pa kita."

"Gumawa ka na ng facebook mo, o kaya skype or twitter para may update naman kami sayo. Baka mamaya magulat nalang kami, ikaw na pala ang pinaka kilalang painter sa italy."

Natawa nalang ako sa sinabi ni Sebastian.

"Seriously, gumawa ka na ng facebook mo MJ, o kahit skype nalang. Para hindi kita gaanong ma-miss. Video call tayo parati."

"I'll try."

Naglakad-lakad kami ni Sebastian pagkatapos naming kumain sa cafe. Nagpunta kami sa isang book store at naghanap ng mga librong magandang basahin, pagkatapos ay nanood kami ng isang fantasy movie.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon