Kabanata 33

14.9K 274 10
                                    

Kabanata 33
Ready Ka Na ba?

----------

"Kahit kailan talaga napakakupad ni Dave." ani Isaiah.

Kasama niya si Martin at Herson sa ilalim ng puno sa tapat nitong bahay ng mga Fontanilla at may kanya-kanya silang hinihithit na sigarilyo.

Walang kaso sa'kin kung naninigarilyo man si Isaiah. Hindi naman kasi siya yung tipo ng lalaking malakas gumamit nun. Minsan naninigarilyo siya pag boring, o kaya naman ay pag-tense siya at giniginaw. Lalo na ngayon na alas quatro palang ng madaling araw. At ber month na kaya simula na ng tag-lamig.

Dahil sembreak namin ngayon ay papunta kami sa Ashralka at apat na araw kaming mamamalagi doon.

"Queen, pakitawagan naman ulit si Danica. Patanong kung nasaan na sila." ani Isaiah.

"Ilang oras ba ang byahe papuntang Ashralka?" Tanong naman sa akin ni Daphne habang nakasandal kaming tatlo nila Beverly, sa gilid ng kotse ni Isaiah na gagamitin namin mamaya.

"Limang oras." sagot ko.

"Excited na ako. First time kong makakarating doon. Pero diba kapag mga probinsya, marami daw aswang. Sa Ashralka meron ba?"

Natawa ako sa tanong na'yon ni Beverly.

"Hindi ko alam. Siguro sa ibang bayan ng Ashralka. Ang marami kasi sa El Ciero. Mga Engkanto."

Napalunok si Beverly at tila namutla siya sa sinabi ko. Kahit ang totoo ay nagbibiro lang naman ako. Wala namang mga ganon sa Ashralka.

"Joke lang. Payapa sa Ashralka, walang mga ganun." Pampalubag loob ko sa kanya.

"Nandito na sila!" Sigaw naman ni Queen.

Napalingon kami sa isang pulang kotseng paparating, paghinto nito ay agad na lumabas doon ang magkapatid na Dave at Danica.

Nakipag high five si Dave kanila Isaiah at si Danica naman ay nakipag beso-beso sa aming mga babae.

"Sa wakas dumating din. Kahit kailan talaga para kang pagong, Dave." ani Isaiah na nasa tabi ko na pala, namalayan ko nalang ng akbayan niya ako.

"Sinabihan ko na kasi kagabi pa na mag empake na siya ng mga gamit niya, pero kanina lang ginawa." Paliwanag ni Danica na nakahalukipkip at iniirapan si Dave.

"Kahit kailan ka talaga, Dave. Tangna ka! Bakit ba kita naging kaibigang hayup ka?" ani Herson habang nakangisi.

"Fvck you. Madalas mo nga akong ma-miss e."

Hindi na umimik pa si Herson at nag middle finger nalang ito.

"Tara na." Kasunod ng pang-aaya niya habang naglalakad na siya palapit sa kanyang dilaw na sasakyan. Nagmamadali namang sumunod sa kanya si Queen.

Pumasok narin ako sa kotse ni Isaiah. Si Isaiah ang driver, ako ang nasa front seat, si Daphne at Beverly sa likod namin at sa pinakalikod naman ay si Martin.

Dalawang oras na kaming bumabyahe ay hindi parin matapos-tapos ang kwentuhan namin ng mga kaibigan ko. Kung minsan nga ay nakikisali rin sa kwentuhan namin si Martin at Isaiah.

Hanggang sa mag stop over kami sa isang gas station na may katabing convenient store.

Labing limang minuto yata kaming nakahinto roon para magsi gamit ng restroom at bumili ng makakain.

Pagsakay namin ulit sa sasakyan ay binuksan naman ni Isaiah ang radyo ng kotse niya na kasalukuyang may nagsasalitang DJ. Sinimulan naman naming kainin ang mga pagkaing binili namin. Sinubuan ko pa si Isaiah ng sandwich na kinakain ko.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon