Kabanata 26

15K 366 44
                                    

Kabanata 26
I swear

----------

Tatlong bus ang nakaparada ngayon sa loob ng Clavery University. Mga bus na sasakyan namin mamaya. Kasalukuyan palang kaming nakapila ngayon, dala ang mga gamit naming gagamitin para sa tatlong araw naming fieldtrip sa Baguio, kung saan tutuloy kami sa Le Monet Hotel.

"Akin na'to." ani Isaiah na lumapit pa sa'kin para kunin ang suot kong backpack.

Umiwas naman ako sa kanya. "Bakit?" Nagtataka ko pang tanong.

"Basta ibigay mo nalang sa'kin at ako na ang magbubuhat."

"Wag na kaya ko naman 'to."

Bahagya siyang nag-bend at bumulong sa akin.

"I'm your servant remember? I'm returning the favor."

Akala ko pa naman concerned talaga siya sa'kin. Yun pala, may kasunduan nga pala kami, at dahil tinapos niya na 'yon, oras na para gawin naman niya ang kung ano ang dapat niyang gawin.

Ibinigay ko na ang bag ko sa kanya. Napatingin naman ang ilang babae sa pila ko dahil sa ginawa niya. Nagtataka yata sila kung bakit ibinigay ko ang bag ko kay Isaiah, pati nga si Daphne at Beverly ay nagtataka rin ang mga mukha habang nakatingin sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanila.

"What's the meaning of that? Si Isaiah, taga bitbit ng bag mo?" Nangingiting sabi ni Beverly.

"Gusto niya e. Baka gusto niyang lumaki lalo ang mga muscles niya sa braso."

"Hindi e, parang may something. Pansin ko nga, sobrang close niyo na sa isat-isa. Magkasabay kayong pumasok at umuwi madalas, you know para na kayong mag syota. Daig mo pa si Precious." Sabi ni Daphne.

Tila nabulunan ako sa sinabi ni Daphne. "Pwede ba, tigil-tigilan mo nga ang pag-iisip ng ganyan. Alam naman nating lahat kung sino ang babae sa buhay ni Isaiah. Si Precious yon at hindi ako, kaya wag kang ano dyan!"

"Defensive much te? Kung sa bagay may Sebastian ka naman. Kaya lang ni-reject mo naman."

Hindi ko na pinansin ang pinagsasasabi ni Daphne hanggang sa papasukin na kami sa bus. Pinauna munang makapasok yung section nila Isaiah kaya nangangamba ako kung may pwesto pa kaya sa tabi ng bintana. Gustong-gusto ko kasi pumwesto roon.

Pagsampa ko sa loob ng bus ay agad kong iginala ang mga mata ko sa pwede kong maupuan.

"Magnolia!"

Napatingin ako kay Isaiah na nasa dulo at kumakaway.

"Dito ka!" aniya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng mauupuan.

"Gotcha!" Tuwang-tuwang sabi ni Daphne ng makahanap na siya ng upuan sa tabi ng kaklaseng babae ni Isaiah.

Nakahanap narin ng mauupuan si Beverly, magkatabi sila ng kaklase namin at sa tabi pa siya ng bintana nakapwesto.

Malapit na ako sa dulo ng muli akong tawagin ni Isaiah.

"Magnolia! May upuan pa rito."

Pinasadahan ko muna ng tingin ang ibang upuan. Nagbababaan na ang iba naming kaklase para doon sumakay sa ibang bus dahil wala ng maupuan. Ang hirap kasi kapag matangkad, nasa dulo kami ng pila kaya pagdating namin dito wala na kaming maupuan.

Sa huli, dahil ayoko namang lumipat ng ibang bus dahil narito ang mga kaibigan ko. Wala na akong nagawa kung di ang tumabi kay Isaiah.

"Kanina pa kita tinatawag. Nagdadalawang isip ka pang umupo sa tabi ko, e pinag-reserve na nga kita." aniya ng makaupo ako sa tabi niya at nasa tabi ako ng bintana.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon