Kabanata 42
PagsisisiSPG!!
----------
Ilang araw kong hindi pinapansin si Isaiah. Lumalayo ako sa kanya sa tuwing lalapit siya para maglambing. Pero pakiramdam ko, hindi siya si Isaiah. Kasi sa tuwing magbabalak siyang kausapin ako, para bang limitado lagi ang sasabihin niya, mukha rin siyang tensyunado na tila iniingatan ang bawat salitang lalabas sa bibig niya. At yung lambing niya, para bang hindi natural. Parang ginagawa niya lang yon dahil kailangan, hindi dahil gusto niya talaga.
Napapansin narin ng mga kaibigan namin ang di namin pagkakaunawaan, kaya isang araw, hinayaan nila kaming mapag-isa sa madalas naming tambayan. Sa ilalim ng puno ng narra kung saan may batong mesa roon, at dalawang batong bench na mahahaba at magkaharapan. Nasa kaliwang upuan si Isaiah at ako naman sa kanan.
"Magnolia, kausapin muna 'ko. Hindi ko kaya na ganito tayo. Ilang araw akong naghintay na makasama ka ulit, tapos pagdating mo. Ganito tayo?" aniya.
Lumunok muna ako bago tumugon sa kanya at matalim ko siyang pinakatitigan. "Dahil iba ang ikinikilos mo, simula ng dumating ako rito. At hindi lang 'to dahil napa-paranoid ako. Iyon kasi ang nararamdaman ko."
Napapikit siya at isinuklay niya ang kamay niya sa kanyang buhok. "Magnolia, akala mo lang nag-iba, siguro dahil ilang araw kang wala sa tabi ko. But baby, I'm still me at hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko sayo. Ikaw parin ang mahal 'ko. Ikaw lang. Oo, aaminin ko na medyo wala ako sa sarili ko ng magkita tayo ulit, kasi sa mga nagdaang araw. Ang daming nangyari."
Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kanya. Ano nga kayang nangyari sa kanya at sa mga kamag-anak nilang galit sa kanya?
"Anong nangyari? Kamusta yung trato sayo ng mga kamag-anak mo?"
Napabuntung hininga siya. "Okay naman. Medyo nakakabiruan ko na ang ilan sa kanila, lalo na yung mga pinsan kong babae. Pero syempre, hindi ko naman lahat ma pi-please. May mga ilan parin na kung ituring ako, parang hindi nila ako kamag-anak. Parang hindi nila ako nakikita. Pero okay lang. okay lang sa'kin yung wag akong pansinin ng lahat. Wag lang ikaw. Kaya please bati na tayo, baby?" Simula ng bumalik ako rito ay lagi nalang siyang nanghihingi ng tawad sakin.
Siguro nga apektado parin siya sa pakikisalamuha sa mga kamag-anak niya, kaya ganoon ang naging reaksyon niya sa pagsalubong sa akin, kasi magdadalawang araw na ang nagdaan buhat ng magbalik eskwela kami, at nakikita ko naman sa mukha niya na sinsero siya sa mga sinasabi niya, habang nanghihingi siya ng tawad sa'akin.
"Magnolia, please. Bumalik na tayo sa dati."
"Oo na!"
Biglang nanlaki ang mga mata niya at umawang ang bibig niya sa sinabi ko.
"Oo na. You mean? Babalik na tayo sa dati? Hindi ka na galit?" Tumango ako sa kanya at ngitian siya. Tanda na pinapatawad ko na nga siya.
Isang malapad na ngiti naman ang sumilay sa mga labi niya at agad siyang tumayo sa upuan niya, at saka siya tumabi sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong mukha at pinaghahalik-halikan niya yon.
"Isaiah!" Saway ko sa kanya habang tumatawa.
"I miss you. Magnolia, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Seryoso niyang sabi ng hindi kumukurap ang mga mata niyang brown na may halong green, mas lalong gumanda iyon ng bahagyang tamaan ng sikat ng araw ang kanyang mukha.
Para siyang sugo ng diyos na ipinadala para lang sa'kin.
Akala ko magiging panatag na ang loob ko kay Isaiah ng araw na magkabati kami. Pero hindi pa pala.
BINABASA MO ANG
I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)
General FictionMatapos silang iwan na mag-iina ng kanyang ama para sumama sa ibang babae, at maanakan naman ng isang lalaking walang paninindigan ang kanyang ate. Labis ang naging galit ni Magnolia Jamaica Ledesma sa mga lalaki. She became a man hater by choice. B...