Kabanata 7

15.5K 361 15
                                    

Kabanata 7
Hindi mo ba ako tatantanan?

----------

Pagbaba ko ng tricycle, sa tapat ng Villa Fontanilla. Huminga muna ako ng malalim at napatango at saka ako nag doorbell.

Pagkatapos nga ng gabing nagkausap kami ni Isaiah at nagkaroon kami ng deal. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon kaya naririto ako ngayon, para kausapin si donya Amparo at tanggapin ang inaalok niyang tulong.

Nagulat ako ng otomatikong bumukas ang malaking gate ng mga Fontanilla at tumambad na naman sa akin ang malawak nilang bakuran.

"Ms. Ledesma?" Nakangiting tanong sa akin ng isang babaeng sa tantya ko ay nasa cinquenta anyos na mahigit. Naka longsleeve blouse at pencil skirt na kulay itim ito, at itim na flat shoes. May itim pa nga siyang suot na stockings. Nakasalamin din siya at naka bun ang buhok niya.

"Ako nga pala si Alicia Carolina Guttierez-Santiago. Ms. Alicia nalang. Ako ang mayordoma rito. Tara at kanina ka pa hinihintay ni donya Amparo."

Tumango ako sa kanya at alanganin siyang nginitian at saka kami naglakad na papasok sa loob ng Villa.

"Magnolia!" Magiliw na bati sa akin ni senyora Alejandra. Sa tuwing makikita ko talaga siya ay hindi ako makapaniwalang nasa trenta'y siete anyos na siya. Mukha pa kasi siyang bata. Wala akong makitang wrinkles sa mukha niya.

"Magandang hapon po." Bati ko sa kanya.

"Magandang hapon din. Mabuti at narito ka na, kanina pa talaga kami excited na makausap ka. Welcome to our house. Tamang-tama nagluto ako ng pasta. Oh! Check ko muna." Nagmamadaling tumakbo si senyora Alejandra sa kusina.

Nagpatuloy naman kami ni Ms. Santiago sa paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa living roon nila at naabutan namin na nanonood ang donya, sa tapat ng isang pagkalaki-laking flat screen TV.

"Donya Amparo. Narito na po si Ms. Ledesma."

Napalingon agad ang matanda sa akin at nginitian ako.

"Magnolia, halika rito at maupo ka. Alicia, maaari mo na kaming iwan."

Pag-alis ng mayordomang si Ms. Alicia. Lumapit naman ako kay donya Amparo.

"Tumabi ka sa'kin, hija."

Nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit ako sa kanya. Idolo ko kasi talaga si donya Amparo. Saksakan kasi siya ng bait. Hindi katulad ng ibang mayayaman na matapobre. Bukas palad sila sa mga mahihirap at makikita mo naman sa mukha nila na bukal sa loob nila ang pagtulong.

Pag-upo ko sa tabi ng donya ay halos habulin ko ang hininga ko sa matinding kaba.

"Matilde!" Pagtawag niya sa isa pa sa mga katulong nila.

Agad namang lumapit ang tinawag niya. "Ano po iyon, donya Amparo?"

"Ikuha mo nga kami ng maiinom at makakain ni Magnolia."

Nakangiting tumango naman ang katulong pero ng papaalis na siya ay bigla namang dumating si senyora Alejandra na may dalang tray.

"Inumin nalang ang dalhin mo, Matilde." utos nito.

"May hinanda ka pala para sa'min?" ani donya Amparo sa papalapit sa amin na si senyora Alejandra.

Inilapag niya ang tray na may tatlong platito ng pasta.

"Gusto ko po kasing ipatikim kay Magnolia ang specialty ko."
Kasunod ng pag-upo ni senyora Alejandra sa single sofa at inabot niya sa akin ang isang platitong may pasta, ang isa naman ay inabot niya kay donya Amparo at ang isa ay sa kanya.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon