**WAKAS**

28.5K 613 139
                                    

Salamat sa lahat ng sumubaybay sa kwento ni Isaiah at Magnolia. Abangan niyo ang susunod na AHS (Ashralka Heirs Series) at sana'y suportahan niyo rin yon tulad ng pagsuporta niyo sa unang series.

-----------
**WAKAS**

"Sigurado ka bang ayaw mong samahan ka namin, MJ?"

"Babalik po agad ako nay. Hindi ako magtatagal. Gusto ko lang talagang makita si Isaiah. Gusto kong ipaalam sa kanya na bumalik na'ko. Nay, tatlong taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon siya parin yung laman ng puso ko, na'sa tuwing makakarinig ako ng love song, makakapanood at makakabasa ng love stories. Siya parin yung naaalala ko, iniisip kong kasama ko siya at kaming dalawa yung nasa kwentong yon. And now, malalaman ko na wala na siya. Nay, gusto ko siyang makita. Kahit nakabaon na siya sa lupa o kaya nasa isang porcelain jar na lang siya. Nay, gusto ko siyang makasama ulit." Malabong-malabo na si nanay sa paningin ko dahil sa mga luhang lumalabas sa mga mata ko. "Bakit? Bakit niya ako iniwan? Sabi niya hihintayin niya ako. Nay narinig niyo po yon diba? Sa airport diba sinabi niya yon bago ako umalis? Bakit hindi niya ako hinintay?"

Niyakap ako ni nanay at napahagulgol naman ako. Hinahagod niya ang likod ko at pinakakalma ako, ganoon rin si ate, pero hindi. Hindi ko magawang kumalma at tumigil sa pag-iyak, kasi isipin ko palang na hindi ko na makikita kailan man ang mukha ni Isaiah ay parang mababaliw na ako.

Siguro nga, pinili kong wag siyang makita o makausap ng tatlong taon, pero hindi ibig sabihin non ay pinipili ko narin na wag siyang makausap ng apat o higit pa. Hindi ko kayang tanggapin na hindi ko na siya makikita habambuhay.

Diyos ko! Hindi ko naman hiniling sayo na kunin mo siya? Bakit hindi mo man lang ako hinayaang makapagpaalam sa kanya at sabihin kung gaano ko siya kamahal, bago mo siya kinuha sa akin?

Mag aalas-siete na ng gabi ng magtungo ako sa bahay ng mga Fontanilla para makausap sila, pero wala akong naabutan roon. Sabi ng security guard na nagbabantay ay apat na araw na raw na nasa Ashralka ang mga ito. Kaya naman bumalik ako agad sa bahay at nag empake ng ilang gamit ko patungong Ashralka.

"Pasensya na po kayo, nay kung kailangan kong pumunta ng Ashralka. Hindi po talaga mapapanatag ang loob ko ng hindi ko nakikita si Isaiah kahit pa wala na siya, masyadong mabigat 'tong pakiramdam ko, gusto kong malaman kung bakit at kung anong nangyari?"

"Sasamahan kita." ani ate.

"Ate wag na."

"Magnolia Jamaica Ledesma, sasamahan kita sa ayaw at sa gusto mo."

Hindi na ako nakatanggi pa sa gusto ni ate kaya mag aalas nuebe ng gabi ng tumuhak kami papuntang Ashralka. Naiwan naman sa bahay si Nanay at Pearl.

Nasa pinakalikod kami ng bus ni ate. Nasa tabi ako ng bintana at pinagmamasdan ang mga matatayog na building na nagliliwanag, ang mga sasakyan, mga tao at ang ibat-ibang establisyemento.

Pero ang pag-iisip ko. Nasa mga alaala na kasama ko pa si Isaiah, mula sa unang beses na nakita ko siya hanggang sa airport kung saan kami huling nagkita.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon