Kabanata 38
Worth it----------
"Let's go." ani Isaiah ng tuluyan niya na akong mapakalma pagkatapos kong maglabas ng sama ng loob ko sa ginawa niyang pagtitiis sa akin na hindi kausap at makita.
"Saan tayo pupunta?"
"Kahit saan. Gusto kong bawiin sa gabing 'to, ang mga oras na hindi kita nakita at nakasama." At saka niya ako hinila na at patakbo kaming sumakay sa elevator.
Nagtungo kami sa parking area at nagmamadaling pumasok sa kotse niya.
Habang tinatahak namin ang kung saan. Kinuha naman ni Isaiah ang isa kong kamay at ipinagsalikop niya yon sa kamay niya habang nagmamaneho siya.
Buong minuto kaming magkahawak kamay hanggang sa huminto ang kotse niya sa isang restaurant at kumain kami roon.
"I'm really sorry for what I did. I just really love surprises. Alam mo noon ko pa iniisip na, kapag dumating yung babaeng magpapatibok ng puso ko at magpapabaliw sa'kin, tapos malayo siya sa'kin. Gagawa ako ng paraan para hindi na ako mahiwalay sa kanya. Simula ng dumating ka sa buhay ko, Magnolia. Unti-unti ko ng nagagawa yung mga gusto kong gawin." ani Isaiah habang kumakain kami.
"Basta next time. Ayoko ng ganoong surprise. Napa-paranoid ako."
Nginitian niya ako at kinurot sa pisngi. "Oo nga pala, diba malapit na ang birthday mo. Anong gusto mo?"
"Makasama ka. Yun lang ayos na sa'kin."
Napangiti na naman siya sa sagot ko. "Do you wanna have a party? I can organize it."
"Hindi na. Ayos na sa'kin yung kumain kasama ka at ang mga kaibigan natin. Tayo-tayo lang, kasi nung nasa Ashralka ako. Masaya na ako na kami-kami lang nila nanay ang magkasama. Nagluluto si nanay ng pansit at biko, tapos ayos na sa'kin yon. Ito nga ang unang beses na hindi ko sila makakasama sa birthday ko, malungkot pero nandyan ka naman."
Pagkatapos namin kumain ni Isaiah ay nagpunta naman sa kami sa Bonifacio Global City. Naglakad-lakad doon at ng mapagod ay tumungtong kami sa hood ng sasakyan niya at humiga nalang doon, habang kapwa namin pinagmamasdan ang maraming bituin sa langit.
Pasado alas onse na kaya tahimik na rito at tanging mangilan-ngilang magkakasintahan nalang ang naririto. Ito yata ang luneta park ng Taguig.
"Ten years from now. You're going to be a famous painter and you'll be known as Magnolia Jamaica Ledesma-Fontanilla. You're happily married to me and probably, we already have our little MJ and little IC. "
Natatawa nalang ako sa mga sinasabi ni Isaiah.
"What about your future? Bakit future ko ang hinuhulaan mo?"
Lumingon sa akin si Isaiah. Tumagilid siya at itinukod niya ang siko niya at saka sinapo naman ng palad niya ang kanyang ulo.
"Because you're my future, Magnolia."
Parang tinatambol ang puso ko ng sabihin niya yon, habang pinapakatitigan niya ako. Ang sarap nun sa pakiramdam at sa pandinig, parang isang kantang masarap ulit ulitin.
Pagbalik namin ng condo ay halos hindi maalis ang ngiti ko dahil kay Isaiah. Bawing bawi niya ang pagkainis ko sa kanya kanina. At hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na malapit na ulit siya sa'kin, kasi magkatabi lang ang unit namin.
Nakahiga na ako sa kama ng mag-text sa akin si Isaiah.
Isaiah:
Goodnight my future. Please! Let's meet on my dream. Haha I love you. I'll marry you soon.
BINABASA MO ANG
I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)
General FictionMatapos silang iwan na mag-iina ng kanyang ama para sumama sa ibang babae, at maanakan naman ng isang lalaking walang paninindigan ang kanyang ate. Labis ang naging galit ni Magnolia Jamaica Ledesma sa mga lalaki. She became a man hater by choice. B...