<Ashley POV>
"Padaan po!" malakas ngunit may paggalang kong sambit.
May mga ilang estudyanteng lumingon at nagbigay daan habang ang iba naman ay napataas ang kilay sa mga iilang balikat na di ko sinasadyang mabangga.
Sorry po. Sorry.
Mga tanging nabanggit ko habang patuloy parin ang aking paglalakad nang mabilis.
Hindi ko alintana ang mga iilang pagtulo ng butil ng pawis na nagmumula sa aking noo. Ang tanging laman lang ng isip ko ay makita ang pintuan ng aming silid na nakabukas.
Tinignan ko ang wrist watch ko. Medyo nataranta ako nang makita kong 5 minutes na lang at mali-late na ko.
Dahil sa saglitang pagtingin ko sa aking wrist watch habang patakbong naglalakad, hindi ko agad napansin ang paghinto ng estudyante sa harapan ko.
Luckily, my reflexes don't fail me kaya naiwasan ko siya mabangga maliban sa kanyang balikat.
Hindi ko nagawang tignan ang kanyang mukha. Itinaas ko ang aking kamay habang naka-peace sign at lumingon ng bahagya upang mag-sorry.
Kinakabahan talaga ako. First day of class pa naman tapos late pa! Ang masaklap pa, strict daw ang professor namin sa unang subject.
Wew. Ayoko mapahiya, please!
lumawak ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko na nakabukas pa rin ang dalawang pintuan ng aming silid.
Alright! Nakahabol ako.
Unti-unti kong binagalan ang pagtakbo ko, hanggang sa munti-munting hakbang na lang ang aking ginagawa.
Kinuha ko sa bag ang panyo ko at mabilis kong inalis ang pawis sa noo ko. Kinuha ko rin sa pouch ang pabango ko at ini-spray sa aking magkabilang balikat.
Inayos ko ang buhok ko, at nag-pony tail. Sinimulan ko na rin maglagay ng lip balm sa bibig ko, nanunuyo na kasi yung labi ko. Hindi muna ako nag-pulbo, kasi baka mamuo lang sa mukha ko.
"Hindi naman masyado oily" bulong ko sa sarili ko habang nananalamin.
Inayos-ayos ko muna ang sarili ko, ang mga iilang gusot sa uniform at manggas dahil sa pagmamadali saka pumasok sa aming silid.
"Good morning!"
"Good morning Ashley!" Bati ng aking kaklase.
I'm Ashley Yessa Mercado. Living my 19 years of existence at its fullest! I wanna make sure that the first day of my last year in this university will be exciting and fun-filled, not to mention muntik na kong ma-late. Yun ata ang exciting part.
Muntik ka ng ma-late Ash! Sabi ng isa.
Sinadya ko yun para makapag-exercise ako .. palusot ko.
Haha. Sabagay, hindi na bago sa amin na-ma-late ka. Ang hilig mo talaga magmadali ..sabat ng isa.
Napangiti na lamang ako. Hindi muna ako tumungo sa aking upuan at nakipag-kuwentuhan muna saglit.
Nang matapos ang kumustahan, tumungo na ko sa aking upuan at umupo sa kanang bahagi ng ikaapat na hanay ng silid sa tabi ng bintana.
Pagkaupo ko'y napatingin ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga bagong mukha ng paaralan.
Napangiti ako ng maalala ko ang unang pasok ko sa unibersidad na ito. Sa sobrang excited ko ngang pumasok, nalimutan ko kung anong gusali at silid ang una kong klase kaya naman na-late ako.
BINABASA MO ANG
HE'S MY UNEXPECTED
General FictionShe's not wishing for a fairytale-like love story. She doesn't want to complicate the whole things about loving someone. All she wanted is to love and to be loved. Unfortunately, things didn't happened according to her plans. And things got more co...