Chapter 28

17 1 1
                                    

<Georgina's POV>

"tumigil ka na nga!" saway sa akin ni Ashley habang ako'y nakasalampak sa kanyang kama at hindi mapigilan ang pagtawa.

Nasa kwarto ako ngayon ni Ashley. Parehong wala kaming klase tuwing sabado.

"H-hindi a-ako m-maka-move on" sabi ko sa pagitan ng aking pagtawa.

"Wala kang love life, kaya tigilan mo ako"

Bigla akong natahimik sa sinabi niya na siya namang pagtawa niya. Parang nasa game show kami at ang laro ay pasahan ng tawa.

"Kung makatawa ka diyan, parang ang kulay ng sa'yo ah" paghihimutok ko.

"Tigilan mo kasi ako sa pang-aasar mo" giit niya.

"Sino ba kasi ang hindi matatawa sa kuwento mo. Sabihin mo ba naman kay Natasha na ma-i-in love sa'yo si Vincent? Take note with confidence!"

Natahimik siya.

"W-wala bang pag-asa mangyari yun? Ang ma-in-love siya sa akin?"

Natigilan ako. Hindi ko alam ang tamang sagot sa tanong niya. Ito ang unang beses niyang ipaglalaban ang nararamdaman niya para sa isang lalaki.
Ang tanong lang 'paano nga ba dapat lumaban ang isang taong dehado na sa labanan?'

"Uy. Magsalita ka naman" pagputol ni Ashley sa aking pagmumuni.

"I don't know, Ash. Hindi ko hawak ang puso ni Vince eh"

Bigla naman siyang nanlumo.

Umupo ako ng maayos at muling nagsalita.

"Pero Ash, may isang bagay na sigurado. Gusto mo si Vince. Hindi ba sapat na dahilan yun para ipaglaban mo ang nararamdaman mo?"

"G-Gie ..."

"Stop overthinking things for a while. Trust what your heart wants this time"

Lumapit sa akin si Ashley at niyakap ako.

"Thanks Gie"she whispered.

Humiwalay siya sa pagkakayakap at umupo sa tabi ko.

"So, ready ka na ba sa plan B natin?" pagsingit ko.

Nagulat si Ashley at biglang namula.

"A-ayoko nga sabi"

"Ano ka ba! Effective kaya yun! Napanood mo yung palabas nina John Lloyd at Bea, yung mag-bestfriend sila? Malay mo ganun mangyari sa inyo ni Vincent"

"Ano ka ba Gie! Pelikula lang yun, okay? At saka paano pag hindi naging successful yung plano mo?"

"At least we try." I said.

Bumuntong-hininga muna siya bago magsalita.

"I'm sorry, but I can't do it, Gie"

Tinitigan ko siya ng maigi.

"Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo talaga. Pero, may plano ka ba?"

Nahihiya siyang tumingin sa akin.

"M-meron. Balak ko sana siyang yayain lumabas. K-kaming dalawa lang. P-parang a-ano uhmmmm ..."

"Parang date" dugtong ko.

Tumango siya.

"Saan naman?"

"EK! Feel ko kasi mas magiging malapit kami sa isa't-isa" sabi niya na hindi maitago ang excitement sa tono ng kanyang pananalita.

"Alam ko na yan! Yayayain mo siya sa horror house, saka ka kakapit sa kanya! Tapos ang huli niyong pupuntahan ay iyong ferris wheel para romantic, tama ba ako?" I said sarcastically. Hello, ang cliche kaya!

"Huwag ka nga! Wala naman masama kung gawin ko yun, di ba?"

"Fine! Whatever! So, kailan mo plano?"

"B-bukas sana"

"Pumayag na siya?"

"H-hindi ko pa alam ang isasagot niya" mahinang tugon ni Ashley.

"Ha?"

"H-hindi ko pa kasi siya niyayaya eh"

"WHAT?!" bulalas ko.

"Nahihiya kasi ako Gie!!!"

"Eh di tapusin mo na to. Kalimutan mo na siya, at mag-move on ka na, para tapos ang kuwento"

"Grabe ka naman!"

"Anong grabe ako? Ikaw kaya! Nakakaloka ka!"

Hindi ko na talaga alam ang gagawin dito sa babaeng ito.

"Pahiram ako ng phone mo" utos ko.

"B-bakit?"

"Just give it to me! I got your back" I winked.

----------

<Ashley's POV>

"saan ka na, Gie?" tanong ko sa kanya sa kabilang linya. Halos tatlumpung minuto na kami naghihintay ni Vincent sa kanila ng kanyang kaibigan dito sa terminal ng bus.

Napapayag naman niya si Vince na sumama sa EK. Nagulat pa nga ako kung paano niya yun nagawa. Siguro kinonsensya niya ito ng katakut-takot.

"Ashie, hinihintay ko pa itong isang friend ko. Ma-li-late kami ng halos isang oras. Pasensya na, diretso na lang kayong EK, doon na tayo magkita-kita" paliwanag ni Gie.

"Ganun ba. Sige tawagan na lang kita mamaya. Ingat"

"alright! Enjoy!" she said and ended the call.

Enjoy? Parang hindi naman sila sasama sa EK para sabihin niya yun.

Wait ...

Baka naman ...

Kasama kaya ito sa plano ni Gie? Si Vince at ako ....

"Ano sabi?" pagputol ni Vince sa pag-iisip ko.

"H-ha? Ahmmm... s-sunod na lang daw sila sa EK. Halos isang oras daw silang ma-li-late"

"Ganun ba. Tara?"

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Sumakay na kami ng bus. Pumuwesto ako malapit sa bintana.

"First time mo ba sa EK?" tanong ni Vince sa akin.

"Second time ko na. Pero hindi ko na matandaan kasi 7 years old pa lang ako nun. Ikaw ba?"

"Pareho tayo, second time. Pero ang last na punta ko ay yung 4th year high school tayo" sabi niya.

"I hope it will be fun" I said.

"It will" he said.

This is my chance. Kaming dalawa lang ang magkasama.

Hindi ko dapat sayangin ang pagkakataong ito na posibleng maging paraan para mas mapansin niya ako.

Fall for me, Vincent Lee.

HE'S MY UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon