Chapter 20

29 3 4
                                    

<Ashley's POV>

Intrams Day!

Isa sa mga pinakaaabangan kong events sa campus. Una, walang klase! Time-out muna sa pressure ng pag-aaral at pagharap sa mga terror prof lalo na si Prof. Keller.

Pangalawa, kaabang-abang ang tagisan ng mga estudyante upang i-represent ang kanilang course sa larangan ng sports, arts at academics.

Pangatlo, maraming food stalls at game booths ang makikita sa loob ng campus.

Last Intrams ko na to kaya susulitin ko na :)

"Ashley, sa room 206 yung impromptu competition. Good luck!" sabi sa akin ng president ng organization namin.

"thanks"

Patungo na ko sa room ng paggaganapan ng contest nang mapansin ko si Natasha sa ground floor. Debate naman ang sinalihan niya.

Naisip ko si Vince. May laro sila ng basketball ngayon. At alam ko na ipapanalo niya ang game ngayon.

Ako rin. I want to give all my best on this competition. Dito ako kukuha ng lakas para magawa kong makapag-confess kay Vince mamaya.
I have to win.

-------

"Ang galing mo raw kanina sa contest ah?" bungad sa akin ni Gie.

I smile.

Magaling yung babae na nakalaban ko. Ang iniisip ko na lang nung panahon na yun, kaagaw ko siya kay Vince para mas lalo kong ma-express kung gaano ako ka-eager manalo.

"Ikaw? Kumusta game mo kanina sa volleyball?" I asked.

"Pasok na kami sa semis, kaso ang makakalaban namin ay yung last year's champion."

"just do your best"

"Speaking of best, kumusta kayo ni Vince?"

"Mabuti"

"niyaya mo ba siya mag-ikot sa campus?"

"Actually, yayayain ko pa lang siya. I'll tell him na mag-celebrate kami"

"Ginawa mo lang pala dahilan yung pagkapanalo mo kanina para diyan kay Vince. Siguraduhin mo na masasabi mo na sa kanya ang nararamdaman mo. Mahiya ka sa nga tinalo mo kanina dahil sa kapritsuhan mo"

Natawa naman ako sa sinabi ni Gie.

"Ang bitter mo"

"Ganun talaga"

"I'll do my best" nakangiti kong sabi.

--------

"Kanina ka pa?" Vince asked.

"Kakarating ko lang din"

Nagsimula na kaming maglakad at tumungo sa mga food stalls.

"Kumusta game mo kanina?" I asked.

"It was great" nakangiti niyang sabi.

"ano ba meron?"

"ha?"

"I mean, bakit parang ang taas ng energy mo?"

"I should. Na-inspire ako sa'yo."

Nabigla ako sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

"H-ha?" I asked.

"I heard from the team na ang galing mo raw kanina sa impromptu contest."

"T-talaga?"

HE'S MY UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon