<Ashley POV>
Habang nasa bench kami at kumakain ng favorite kong footlong with coleslaw with ice tea drink, tumalikod siya at isinandal niya ang likod niya sa likod ko.
"Ang bigat mo, Vincent. Dapat ako ang sumandal sa'yo."
"Nangangalay ang likod ko eh, na'miss siguro yun likod mo"
Napasimangot ako at saka ko mas binigatan yun pagkakasandal ko sa kanya.
"Grabe Ash, tumaba ka ba? Ang bigat mo eh" riin niyang sabi.
"Sadyang mahina ka lang talaga" sabay subo sa footlong na hawak ko.
"Ahh. mahina pala ahh"
Gumanti siya agad kaya naman napasudsod ako sa kinakain kong footlong.
Itinigil niya ang pagsandal saka humarap sa'kin.
Tinignan ko siya ng masama habang nakanguso.
Tawa naman siya ng tawa dahil sa nagkalat na mayonnaise sa bibig ko.
"Ang dugyot mo!" sabay kuha ng pirasong repolyo na malapit sa bibig ko at kinain niya.
"What the! Akin yan eh" yamot kong sabi sa kanya.
Bad trip lang, kinain niya pa yung piraso ng repolyo sa bibig ko! Favorite ko pa naman yun coleslaw na may malalaking hiwa ng repolyo na makikita lang sa canteen namin, tapos kakainin niya lang!!! GRRR. kayamot =.=
Kumuha naman siya ng tissue at pinunasan ang mga nagkalat na mayo sa bibig ko habang natatawa pa rin.
"Wag ka na ma'bad trip Ash, bibilhan na lang kita ulit" sabi niya habang natatawa.
"Ayoko. palit na lang tayo"
"Ayoko nga! Puro laway mo na 'yan eh."
"Kasalanan mo naman kung bakit ako napangudngud sa footlong ko eh"
"Malay ko bang nakasubo na yung footlong sa bibig mo"
"Eh, ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sa footlong? Titigan ko para mapunta sa tiyan ko?" I said sarcastically.
Tumingin muna siya sa 'kin ng masama, saka siya nagsalita.
"Kailan ba ko nanalo sa'yo? Kaw na cum laude!"
"Anong kinalaman ng pagiging cum laude ko roon? Alam mo Vince, gamit-gamit din ng common sense, legal gamitin yun, hindi ka makukulong."
sabi ko sabay tawa nang malakas.Inakbayan naman niya ko saka kinonyatan.
"Aray! Masakit yun ah!" pagrereklamo ko.
"Tara. Basketball na lang, Ash." at hindi inaalis ang pagkakaakbay sa 'kin.
"Sige ba! Nakalimutan mo na atang ako ang nagturo sa'yo mag'basketball nung first year high school tayo!"
"Hahaha. Nako Ash, mahihirapan kang talunin ako, maliban sa matagal na kong nag-ba-basketbol, eh, mahihirapan ka ng mag'shoot sa ring. Yung paghinto ng pagtangkad mo, ay paghinto na rin ng career mo sa basketball"
"kapal talaga ng mukha mo! Hindi ka na marunong gumalang sa master mo ah!"
Tumawa lang siya nang tumawa. Kahit kailan talaga pinapasok niya lagi sa usapan yung pagiging maliit ko. Di naman ako ganun kaliit, 5 flat kaya yun height ko! Pasalamat nga siya nasasabi niyang matangkad siya dahil sa 'kin. Hmmp!
"Kamusta ang first class mo?" pagputol niya.
"Ayun. Nakakapangilabot."
"Bakit naman?" takang-taka niyang tanong.
"Isang legendary professor lang naman ang bumungad sa umaga namin. Akala ko OA lang yung mga seniors namin sa pag-describe sa kanya, totoo naman pala."
"Sino bang professor ang tinutukoy mo?"
"Si Prof. Santiago-Keller."
"Siya ba yung Professor na half of her class ay bumagsak sa subject niya?"
"Yep."
Napatango na lang siya saka pinagpatuloy ang kanyang kinakain.
"Well, I kinda like her. Sa mundong ito na gusto lahat tumayo bilang isang bida, iilan siya sa mga taong pinili maging kontrabida para mas maiangat ang kakayahan ng iba. Marami ang ayaw sa paraan niya ng pagtuturo, pero sa bandang huli, masasabi mong I really did study on this university dahil sa kanya.."
He look at me and then he smiles widely.
"What?" asking him.
"You looked cute while saying that.." nakangiti siya at di pa rin inaalis ang tingin sa akin.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya pagkasabi niya nun.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at saka yumuko.
"You're blushing! Haha!" pagpapatuloy niya.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Hindi ah!" pag-de-deny ko.
He put his hand at the top of my head.
"Don't worry. Most of the students also like that kind of professors. Hindi lang sila expressive katulad mo .."
"Okay, sabi mo eh ..." at hindi ko na rin napigilan ang pag-ngiti ko
Nag-stay lang kami sa bench ng ilang oras habang hinihintay namin ang kanya-kanya naming klase. Hindi naman sa lahat ng oras, magkasama kami ni Vince. Minsanan na nga lang kami sabay kumain ng lunch o kaya ng meryenda dahil hindi kami pareho ng schedule ng pasok. Pero pag uwian naman, lagi kami magkasabay. Lagi ko siya pinupuntahan sa gym ng school namin, lagi kasi siya doon nagpa-praktis ng basketball.
Nakabalik na kami sa kanya-kanya naming klase ng maalala kong kamustahin ang isang tao na na-miss ko nang sobra sa unibersidad na to.
BINABASA MO ANG
HE'S MY UNEXPECTED
General FictionShe's not wishing for a fairytale-like love story. She doesn't want to complicate the whole things about loving someone. All she wanted is to love and to be loved. Unfortunately, things didn't happened according to her plans. And things got more co...