CHAPTER 26

16 3 2
                                    

<Ashley's POV>

"Ash, sigurado ka ba rito sa pinili mo?"

"Oo Gie"

"Wala ng atrasan? Wala na kasi itong balikan"

"Nakapag-desisyon na ko Gie. Wala ng atrasan"

"O-okay? Sige na nga. Gusto ko rin naman to. Feel ko bagay siya sa akin"

Napaangat ako ng ulo at napatingin kay Gie.

"Anong bagay kayong dalawa?"

"H-ha? Kaming dalawa?"

"Oo!"

"Oo? So bagay nga?" nalilitong tanong ni Gie.

"Kayong dalawa?" Pag-uulit ko.

Tumingin siya sa akin ng masama.

"Sabihin mo nga sa akin Ashley, ano bang tinutukoy mo?" inis na sabi niya.

"ahmmm ... may kinalaman ba yung pinag-uusapan natin kay Vince?" nahihiya kong tanong.

Nasapo niya ang kanyang noo.

"Kainis ka naman, Ashley! Damit yung pinag-uusapan natin dito hindi yung magulo mong love life!" yamot na sabi ni Gie.

"Ha-ha. Damit ba? Hindi ko napansin. Pasensya na"

Napabuntung-hininga muna si Gie at muling nagsalita.

"Ito ba talaga ang papel ng isang kaibigan sa buhay ng kanyang kaibigang luma-love life? Everytime na magkikita tayo, magpapayo ako? Wala naman tayo sa fictional world kung saan yung mga eksenang kinukunan lang ay yung importante. Nasa real world tayo kung saan normal natin pag-usapan ang mga bagay tulad ng pagpipili ng damit. Wag silang umasa na lagi kilig, pagkabigo at pagbangon ang makikita nila rito, kasi ang normal lang naman natin ginagawa ay mag-aral, matulog at mamili ng susuotin natin!" mahabang litanya ni Gie na hindi ako sigurado kung may kausap pa siyang iba maliban sa akin.

"Napapagod ka na bang maging kaibigan ko Georgina?" madrama kong tugon para sabayan lang siya pag-da-drama.

"Malapit na pag ipinagpatuloy mo pa ang pag-aarte mo"

"Grabe siya! Ikaw kaya nauna"

"My point is mag-focus ka ng makapag-suggest ka ng bibilhin kong damit"

"Yun lang pala, ang dami mo pang hugot na hindi ko ma-gets" pagrereklamo ko.

Nagsimula na kong pumili ng damit. Nasa mall kami na malapit lang din sa aming campus. May four hours pa kami bago magsimula ang sunod na klase.

"May napili ka na?"

"Wait. Saglit lang" binuklat ko ang iilang damit na nasa harapan ko.

"Maganda ang mga designs Gie ah. Parang gusto ko rin bumili"

"Pilian mo muna ako bago ka mamili ng sa'yo"

"Oo na"

Napansin ko ang isang knitted white top na may black sando sa loob.

"Gie, ito bagay sa'yo" itinaas ko ang pinili kong blouse.

"Isa yan sa mga choice ko eh. Ano ba mas maganda?" Itinaas niya ang dalawang damit para ipagkumpara.

Pinili ko pa rin yung knitted top.

"Alright! Sige, ito na bibilhin ko."

"Siya nga pala Ashie, para sa'yo"

HE'S MY UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon